Chapter Seventeen

25K 789 131
                                    

Kabanata 17

Miguel Arcega

Kung gaano ako katagal na umiyak ay hindi ko alam. Nang mag-angat ako ng mukha ay wala na si Harris.

Nang huminto ang mga luha ko ay muli akong napahiga sa sofa. Tumitig ako sa kisame. My fingers touched my throbbing lips.

Kagagawan iyon ni Harris. Ang lalaking nagpadama sa akin kung paano ang magmahal at kung paano ang masaktan.

Habang ginagawa ko iyon ay binalik-balikan ko sa alaala ko ang mga nangyari.

Hinalikan ako ni Harris at muntik na rin niya akong maangkin. Pero hindi iyon ang paraan ng paghalik at pag-angkin na pinapangarap ko na madama tuwing gabi.

Malupit ang paraan ng paghalik niya. Labis na takot ang bumundol sa dibdib ko kaya ako naiyak dahil puno ng galit ang bawat galaw niya.

Mabilis na akong bumangon saka ko sinuot ang jacket ko na inalis ni Harris kanina sa katawan ko.

Napatingin ako sa tshirt niya na nakakalat sa sahig. Marahan ko iyong pinulot saka ko inamoy.

Kumakapit pa doon ang mabangong amoy ng katawan niya. Para iyong droga na tumutupok sa buong sistema ko. Hindi ako magsasawa na amuyin iyon.

Pinapangarap ko si Harris. Pero hindi sa paraang katulad ng naganap kanina sa lugar na ito.

Pinatay ko na ang ilaw saka na ako nagbalik sa silid ko bitbit ang damit niya na inamoy ko lang hanggang sa makatulog ako.

******

Sa sumunod na dalawang araw ay sinikap akong iwasan ni Kristoff. Bagaman nagkakasama kami sa tuwing oras ng pagkain ay nanatili kami na hindi nag-uusap.

Alam ko na guilty siya dahil sa nangyari nung nagdaang araw. Hindi nga niya ako magawang tingnan sa mga mata ko. Ganunpaman ay nauunawaan ko siya.

Marahil ay matututo na siya ngayon sa pagkakamali niya at hindi na niya kailanman maiisipan pa na gawin muli ang hindi magandang bagay na iyon.

Si Harris ay palagi na lamang galit. Kung kanino ay hindi ko alam. Maging ang mga tauhan sa villa at sa hacienda ay nangingilag ngayon sa kanya.

Hindi sinasadyang narinig ko iyon kanina sa dalawang katulong na nag-uusap sa kusina. Masyado raw mainitin ang ulo ngayon ng amo nilang iyon. Bagay na ngayon lang daw nangyari.

Mula nang mangyari ang eksena sa pagitan namin sa library ay sinikap ko na rin na iwasan siya.

Natatakot pa rin ako sa kanya dahil sa nakikita kong anyo niya at base na rin sa naririnig ko mula sa mga tauhan dito ay hindi uubra sa kanya ang tapang ko.

Kahit na sungitan ko pa siya ay sigurado ako na sa pagkakataong ito ay ako lang din ang matatalo sa bandang huli.

Sirang-sira na talaga ang pagkatao ko sa kanya. At wala na akong pwede pang gawin upang mabago iyon dahil alam ko na sarado na ang isipan niya pagdating sa akin.

Sa ikatlong araw ay nagising ako sa malakas na pagbalya ng pintuan sa silid ko. Mabilis akong napabangon at sumulyap doon.

Si mama ang nabungaran ng mga mata ko. Nakapamaywang pa ito at tila galit na nakatitig sa akin.

"Hindi ko akalain na nahiyang sayo ang buhay dito sa hacienda, Miggy." sarkastikong sabi niya. "Aba'y tinalo mo pa ako ah. Kung hindi pa ako pumasok dito ay hindi ka pa magigising."

Napipikit pa ang mga mata ko na sumulyap sa table clock. Alas siete y media na ng umaga. Kadalasan ay nagigising ako ng alas siete.

Napahimbing lang ang tulog ko ngayon dahil hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa magkapatid na Buenavista.

Naughty Stepbrothers (Completed)Where stories live. Discover now