Chapter Eleven

28.7K 896 188
                                    

Author's Note

Naka-unpublish po ang Chapter 9 and 10 sa kadahilanan na masyadong mahalay ang mga eksena doon. Sa mga nagtataka po about sa nilalaman ng dalawang chapters ay pwede po kayong bumisita sa kabilang account ko @Nickolai214SPG

Mahigpit na po si Wattpad sa mga ganoong scenes dahil detailed siya na parang written porn. Bukod doon ay marami pong inggiterang reporters sa wattpad kagaya na lang nung suki ko sa comment section ng story na to. That's why kailangan po na alisin na.

Thank you!

-Nickolai214

******

Kabanata 11

Miguel Arcega

Lumipas ang dalawang araw at nabalot ng kalungkutan ang pananatili ko sa lugar na iyon. Hindi ko pa rin matanggap ang pag-alis ni Vance sa mansyon.

Sa school ay hindi rin ako masyadong nakikihalubilo sa mga kaklase ko dahil nararamdaman ko na hindi naman nila ako gustong kasama.

Patungo ako sa parking area nang harangan ako ng tatlong lalaki. Nakilala ko kaagad sila at nakadama ako ng kaba nang makita ko ang nakakalokong ngisi sa mga labi nila.

Lumikot ang mga mata ko sa paligid. Hinahanap ang sasakyan na gamit ni Jovan pero wala pa doon iyon. Wala rin akong nakikita na tao sa paligid dahil maaga kaming nakauwi. Absent kasi yung prof namin sa last subject.

"Kumusta pretty boy?" sabi nung lalaki na may malaking katawan. Siya yung boyfriend ng babaeng kalandian ni Kristoff sa isang classroom halos dalawang linggo na ang nakalipas.

"A-ano ang kailangan ninyo?" matapang na tanong ko sa kanila.

Sinisikap ko na patatagin ang sarili dahil alam ko ang kapasidad ng mga ito. Kaya nila akong saktan sa kahit na anong uri pa ng paraan na maisipan nila.

Ngumisi naman na parang demonyo ang malaking lalaki saka siya humakbang palapit sa akin.

Napaatras naman ako pero nagpatuloy pa rin sila sa paghakbang papalapit sa akin.

"Kapatid mo pala yung gagong Kristoff na iyon kaya iniligaw mo kami. Hindi mo alam kung ano ang pinasok mong gulo bata." sabi pa niya habang patuloy sa paglapit sa akin.

Mas tumindi pa ang kaba na nadarama ko nang ikinuyom niya ang mga kamao niya saka niya iyon pinagsusuntok sa hangin.

"Bibigyan ka namin ng pagkakataon na bumawi sa amin pero gagawin mo ang iuutos namin sayo." sabi niya saka na sila huminto sa paghakbang. Napahinto na rin ako.

"What do you mean?" kunot noo kong tanong sa kanila.

Nagtinginan silang tatlo pagkatapos ay sabay sabay silang ngumisi at muling bumaling sa akin.

Naglabas sila ng marijuana saka nila inabot sa akin. Tumingin lang ako doon saka ko sila pinagmasdan isa isa.

"Ilagay mo ito sa loob ng sasakyan ni Kristoff." sabi ng pinaka-leader nila.

Tumaas ang isang kilay ko saka ko sila nginisian. "Bakit ko naman gagawin yun? Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para ipahamak si Kristoff nang ganyan."

Malakas na tadyak ang ibinigay ko sa sikmura ng lalaking pinakamalapit sa akin. Natumba siya sa ginawa ko saka siya napahiyaw sa sakit.

Sinamantala ko na ang pagkakataon. Mabilis na akong tumakbo palayo sa kanila pero naabutan ako ng dalawa. Niyakap ako ng isa saka ako binigwasan ng malakas na suntok sa sikmura ng isa pa dahilan upang halos mamilipit ako sa sakit.

Naughty Stepbrothers (Completed)Where stories live. Discover now