Chapter Twenty Four

27K 932 165
                                    

Kabanata 24

Miguel Arcega

Nagising ako sa banayad na pag-ayos ni Harvin sa jacket na nakapatong sa katawan ko.

Napasulyap ako sa kanya at nakangiting mukha niya ang sumalubong sa akin.

"Sorry kung naistorbo ko ang tulog mo. Lumalakas kasi ang bagyo. Mahihirapan akong magdrive hanggang sa Cervantes kung ngayong gabi tayo magpapatuloy. Madilim at madulas ang mga kalsada kaya nagpasya ako na magstop muna tayo dito sa hotel na ito." paliwanag niya.

Napasulyap ako sa labas ng sasakyan. Tama nga siya. Napakalakas ng ulan sa labas na sinasabayan pa ng malalakas na hangin.

Pumasok ang sasakyan sa parking area ng hotel pagkatapos ay bumaba na si Harvin at pinagbuksan pa ako ng pinto.

Dumiretso kami sa front desk para magpareserve ng dalawang room pero dahil maulan daw ang panahon ay halos puno ang mga rooms nila.

Kaya ang ending ay magkasama kami ng mayabang na lalaki sa iisang silid.

Nasa third floor ang silid namin at nauna na akong inihatid ng bell boy doon.

Pagpasok ko ay umupo lang ako sa kama habang nakatitig sa dingding.

Ilang minuto pa ang lumipas ay bumukas na ang pinto at pumasok si harvin dala ang mga gamit ko.

May maliit na maleta ako pero sinadya ko talaga na isang malaking dufflebag ang dalhin saka ko ipinabitbit sa kanya para mahirapan siya.

Inilapag niya iyon sa tabi ng kama. Naghubad siya ng jacket niya at dinampot ang isang tuwalya sa kama saka siya nagpunas ng basang buhok.

Wala kasing bubong ang parking area ng hotel na ito at inaabutan lang ng payong ng mga bellboy ang mga dumarating na customers.

"Bakit basang-basa ka ng ulan? May mga payong naman na inaabot ang mga bellboy sa baba." sabi ko.

"Nilipad ng malakas na hangin. Nasira kaya nabasa rin ako." sagot naman niya habang nagpupunas pa rin.

Nang makapagpatuyo na siya ay isinabit niya ang towel sa isang silya na naroon saka niya kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya.

Nagpipindot siya doon bago siya sumulyap sa akin. "Shit! Walang signal dito sa loob." bulong niya.

Hindi ko siya pinansin at nagsimula na akong maghubad ng sapatos ko.

"Kung gusto mong magshower muna ay maayos ang mga banyo nila dito. Madalas akong huminto sa hotel na ito kapag inaabutan ako ng malakas na ulan sa daan. Lalabas lang ako at may kailangan akong kausapin sa phone." paalam niya.

Hindi ko naman siya sinagot at nagsimula na rin akong maghubad ng damit ko.

Lumabas na siya ng silid at ipinatong ko sa kama ang bag ko. Dumukot ako doon ng towel na dala ko dahil hindi ako gumagamit ng mga towel sa mga hotel.

Last time na gumamit ako ay nagkaroon ako ng skin allergies dahil sa sabon na ginamit sa tela.

Nagtungo ako sa banyo at nakita ko ang isang bath tub na nag-aanyaya na magbabad pero minabuti ko na magshower na lang.

Mabilis lang akong natapos dahil naligo na rin naman ako kaninang hapon bago ako nakipagkita kay Tim.

Nang matapos ako ay itinapi ko sa katawan ko ang tuwalya saka na ako lumabas ng banyo.

Nagtungo ako sa kama. Humugot ako sa bag ko ng isang underwear at shorts. Pagkatapos ay striped red white and blue na sando.

Nakalimutan ko na nasa hotel pala ako at kasama ko si Harvin sa silid kaya kampante kong inalis ang tuwalya sa katawan ko saka na ako nagsimulang magbihis.

Naughty Stepbrothers (Completed)Where stories live. Discover now