Chapter Twenty Nine

25.6K 825 148
                                    

Kabanata 29

Miguel Arcega

"That was tame, Harris. Kumpara sa mga posters ng ibang artista that shot was decent." i said.

"You called that decent?" naiiritang sabi niya sa akin. "Disente bang tingnan iyon na halos wala ka nang saplot sa katawan?"

"Oh c'mon, Harris.. you have branded me a flirt at halos lumabas na sa bibig mo ang salitang whore kung naging babae lang ako. Surely, sa mga iniisip at itinawag mo sa akin noon ay balewala ang poster na iyon." sabi ko. Hindi ko balak haluan ng sarcasm ang pagkakasabi ko noon ngunit iyon ang tonong lumabas sa bibig ko.

Hindi na sumagot si Harris at bumuntong-hininga. Ibinaba niya ang fried chicken sa plastic ware pagkatapos ay uminom siya ng tubig.

"Give me ten minutes to rest pagkatapos ay dadalhin kita sa taniman ng rambutan." aniya na umusog ng kaunti malapit sa puno.

Isinandal niya ang ulo niya doon saka siya pumikit. Hindi man lang niya ginalaw ang pagkain niya. Bahala siya. Basta ako nagugutom na.

Nagkibit na lang ako ng balikat saka ako nagpatuloy sa pagkain. Once in a while ay sinusulyapan ko siya at hindi ko pa rin maiwasan na hangaan ang kakisigan niya.

Kung maaari ko lang sanang haplusin ang gwapong mukhang iyon ay gagawin ko. At ano kaya ang pakiramdam kung ngayon ako hahalikan ng lalaking ito katulad ng ginawa niya sa akin sa loob ng silid ko four years ago? Bago niya ako inihatid sa terminal ng bus.

Mas lalo ko pang pinagmasdan ang ngayon ay nakapikit na lalaki sa harapan ko.

Dark brows and eyelashes. Matangos na ilong at sensual lips na ilang beses na ring dumampi sa mga labi ko noon. Tan skin na dala marahil ng madalas na pagbibilad sa araw ngunit bumabagay naman sa karakter niya bilang lalaki.

Bumaba ang mga mata ko sa malalapad niyang balikat. Pagkatapos ay sa nakabukas niyang poloshirt kung saan naaaninag ko na naman ang maskukado niyang dibdib. Shit! Hindi iilang beses ko nang nakita iyon na walang nakaharang na tela at sa bawat pagkakataong iyon ay pinaghalong excitement at pagkailang ang nararamdaman ko.

At bumaba pa ulit ang mga mata ko sa flat niyang tiyan pababa pa sa malalaking hita niya na hapit na hapit sa suot na maong.

Harris is a classic example of male perfection.

How would you look kung tanging brief na lang ang suot mo? Whoever invented the word sexy, he must have you on his mind.

Gaano kasarap kaya ang nararamdaman ng mga babaeng naikama mo na kapag pinapatungan mo na sila?

Masisiyahan din kaya ako kapag sa akin mo gagawin iyon?

Napasulyap ako sa nakaumbok na bagay aa pagitan ng dakawang hita niya at mababakas ang kakisigan ng kung anumang nasa loob niyon base sa laki ng pagkakaumbok.

Napalunok ako. Ano kaya ang pakiramdam kung mahahawakan ng mga kamay ko ang bagay na iyon?

Doon na ako natauhan sa mga makamundong bagay na naiisip ko. Mabilis akong napailing saka ko iniiwas kay Harris ang tingin ko.

Napangiwi ako saka ko pinagalitan ang sarili ko.

Ano ba yang mga naglalaro sa isip mo, Miggy? Nagiging pervert ka na rin.

Mabilis ko nang tinapos ang pagkain ko at hindi na ako nagtangka pa na sumulyap kay Harris para hindi na kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.

Kinuha ko ang tubig at nagsalin ako sa disposable na baso saka na ako uminom. Pagkatapos ay inikot ko ang paningin ko upang hanapin ang napkin cloth.

Naughty Stepbrothers (Completed)Where stories live. Discover now