Chapter Twenty Five

25.5K 926 150
                                    

Kabanata 25

Miguel Arcega

Nag-almusal lang kami sa nadaanan naming kainan sa highway malapit sa hotel. Pagkatapos ay bumiyahe na kami patungong Cervantes.

Hindi pa rin gumanda ang panahon at sa tingin ko ay mas lalo pa iyong lumala nang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe kaya naging mabagal ang pagmamaneho ni Harvin.

At sa buong durasyon ng biyahe namin ay sinisikap niya akong kausapin pero hindi ko siya sinasagot kung hindi naman mahalaga ang sinasabi niya.

Lihim akong napangiti nang bumakas ang disappointment sa gwapo niyang mukha nang tuluyan ko na siyang hindi kinausap.

He deserved it. At wala akong plano na makipaglapit sa kanya sa pagkakataong ito.

Dahil ang dahilan ko lang naman kung bakit ako sasama sa kanya ngayon sa hacienda ay upang makilala ang kapatid ko na matagal na inilihim sa akin ni Mama.

Nang malaman ko na may kapatid ako ay totoong natuwa ako dahil kahit paano ay may masasabi pa akong pamilya ko.

Kasalukuyan naming binabagtas ang highway sa bayan ng Sta Inez nang tumawag si Timothy sa cellphone ko. Kaagad ko iyong sinagot.

"Hello!" sabi ko saka ko sinulyapan si Harvin na ngayon ay nagsasalubong ang mga kilay at seryoso ang anyo habang pasulyap-sulyap sa akin.

"Mabuti naman at sumagot ka. Kagabi pa kita tinatawagan out of coverage ang phone mo." sabi ni Tim.

"Oh I'm sorry, Tim! Wala kasing signal doon sa loob ng hotel na tinulugan namin ni Harvin. Tinamad na rin akong lumabas at pinili ko na lang magpahinga." sagot ko.

"You're with him? In the same hotel room?" eksaheradong tanong niya sa akin.

Kilala ko si Tim. Masyado siyang seloso kaya nga hindi niya ako pinapayagan na lumabas kasama ng mga kasamahan kong models kung hindi siya kasama.

Hindi rin naging madali sa akin ang pagpapaalam ko sa kanya na sasama ako kay Harvin sa Cervantes at kung wala lang siyang business trip sa linggong ito sa Macau ay malamang na sasama siya sa akin.

"No! Magkahiwalay kami ng silid." pagsisinungaling ko saka ko sinulyapan si Harvin at nakita ko ang makahulugang ngiti na sumilay sa mga labi niya.

"Good! Pag natapos kaagad ang business meeting ko sa Macau ay susunod kaagad ako sayo diyan. Iwasan mo ang Harvin na iyan dahil wala akong tiwala sa kanya." sabi pa niya.

"Hindi mo na ako kailangan paalalahanan. Kaya ko ang sarili ko." sabi ko at iniiwasan kong makapagsalita ng tungkol kay Harvin dahil baka mahalata niya na siya ang topic namin.

"Okay! Tumawag lang ako to remind you na hindi talaga ako kampante na ang lalaking iyan ang kasama mo."

Napahinga na lang ako ng malalim dahil nagsisimula na naman kami sa hindi matapos-tapos na jealousy niya na madalas din naming pagtalunan.

"Nag-usap na tayo hindi ba? Mamaya ka na tumawag. Nasa biyahe pa kami." sagot ko na lang para matapos na ang usapan.

"Okay, Miggy! You can't blame me for being paranoid. I know your history with that man. Hindi ako papayag na sa kanya ka lang mapupunta. You're mine, Miggy. Only mine! Tandaan mo iyan." galit na sambit niya saka na niya pinatay ang tawag.

Bastos! bulong ko sa isip ko.

"So, the boyfriend is Jealous huh?" may laman na sambit ni Harvin na ikinalingon ko sa kanya.

"Because I already told him that you're an asshole! And you almost raped me." sagot ko sa kanya na nagpawala sa mga ngiti sa labi niya.

"Because you pushed me to my limits!" galit sa sabi niya.

Naughty Stepbrothers (Completed)Where stories live. Discover now