Chapter Twenty Six

25.2K 897 120
                                    

Kabanata 26

Miguel Arcega

Nakita kong nakatawang binuhat ni Harvin ang bata at itinaas sa ere. Obvious ang affection.

Masasabi kong mapagmahal nga na kapatid ang lalaking iyon pero hindi sa mga hindi naman niya kadugo.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita kong tumawa si Harvin. Yung totoong tawa at nakita ko sa mga mata niya na masaya talaga siya.

Laughter made him younger. The man is incredibly handsome. Nasabi ko tuloy sa sarili ko na sana kahit minsan ay maging ganun din siya kapag ako ang kaharap niya

Gumanti ako ng mahigpit na yakap kay Vance at nagtagal kami sa ganoong tagpo ng ilang sandali bago siya kusang kumalas at nakangiting ginulo ang buhok ko.

Mababakas sa ngiti niya at sa mga mata niya ang tuwa nang sa wakas ay muli kaming nagkita. Ganoon din ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

"Napakalaki na ng ipinagbago mo. Mas matangkad ka na sa akin ngayon." sabi niya.

"Ikaw din. Mas lalo kang gumuwapo. Hiyang sayo ang amerika." biro ko sa kanya.

"Hindi naman. Bukas dating gawi?" sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya.

"Ano yun?" tanong ko.

"Sabay tayong maligo ulit sa dagat. Like the good old days. Nung mga teenagers pa lang tayo." nakangiting sabi niya.

Napangiti na rin ako na sinabayan ko ng tango. "Sure!" tipid na sagot ko naman at narinig ko na ang malambing na tinig ng batang kasama ni Harvin.

"Sino siya?" tanong ni Maisie kay Harvin habang nakatingin sila pareho sa amin ni Vance.

"Hindi ba at sabi ko sayo na susunduin ko ang kapatid mo para makasama natin siya at hindi ka na nalulungkot?" malambing na paliwanag ni Harvin.

"Kapatid ko?" malambing na ulit ng bata sa sinabi ni Harvin.

"Oo, Maisie. Siya si Kuya Miggy. Anak din siya ni Eloisa." pakilala ni Harvin sa akin.

Mabilis na nagpababa ang bata saka siya lumapit sa akin at matiim akong pinagmasdan.

"I saw him in your room Kuya Harvin. Nakadikit sa wall mo yung malaking picture niya diba?" sabi ng bata saka sinulyapan si Harvin.

Nagsalubong naman ang mga kilay ko saka na rin ako napasulyap sa lalaking mayabang. Bakit naman siya maglalagay ng larawan ko sa loob ng silid niya?

"No, Baby! Hindi si Miggy yun. Picture iyon ng iniidolo kong modelo." sabi ni Harvin.

Ilang sandaling nag-isip ang bata na tila ba pinag-aaralan ang mukha ko. "Kamukha niya kasi Kuya eh." sabi pa niyo.

"No, Maisie. Hindi siya yun. Hindi mo ba yayakapin muna si Kuya Miggy to welcome him?" sabi ni Harvin.

"Siya yung nasa TV diba?" sabi ulit ng bata. Natawa naman ako dahil likas na makulit pala ang kapatid ko.

Marahil ay ang tinutukoy niya ay ang commercial ko ng facial wash. Dahil iyon ang madalas umere ngayon sa philippine televisions.

"Yes that was him. The handsome guy washing his face. Your brother is very famous, Maisie." sabi ni Harvin saka niya ako nilingon nang nakangiti.

Humarap ako sa bata saka ko siya nginitian. "Hello, Maisie. " masiglang sabi ko.

Inaantabayanan ko ang magiging reception ng bata. Gumaan ang pakiramdam ko nang sa wakas ay nginitian ako ng kapatid ko.

Naughty Stepbrothers (Completed)Where stories live. Discover now