Chapter Thirty (Season Finale)

30.8K 947 313
                                    

Kabanata 30

Miguel Arcega

Dalawang araw makalipas ang nangyari sa amin ni Harris sa farm ay sinikap ko na iwasan na siya.

Ilang beses niya akong nilapitan at niyaya sa kung saan-saan pero hindi ako sumama sa kanya.

Mas pinili ko na samahan sina Vance at Maisie sa pamamasyal nila. Nakita ko rin kung paano tumalim ang mga mata ni Harris nang malaman niya na tinanggihan ko siya para lang makasama ang mga kapatid niya.

Lihim akong natuwa nang makita ko ang galit sa mukha niya habang pinagmamasdan ang masayang bonding namin ni Vance.

At sa nagdaang mga araw nga ay naging maiinitin na naman ang ulo niya na pati ang mga tauhan sa hacienda ay nangingilag na naman sa kanya dahil kaunting pagkakamali ay nasisigawan sila.

Naawa naman ako sa mga walang kamuwang-muwang na tauhan kaya sa ikalawang araw ay sinubukan ko siyang kausapin.

Nag-aalmusal siyang mag-isa sa may veranda nang lapitan ko siya. Napaangat naman ang ulo niya nang maramdaman ang pagdating ko ngunit mabilis din siyang nagbaba ng tingin sa peryodiko na binabasa niya.

"Busy ka ba ngayong araw?" malumanay na tanong ko sa kanya.

Ilang sandali siyang nanatiling tahimik at hindi ako pinansin sa sinabi ko kaya nagpasya ako na muli siyang kausapin.

"Balak ko sana kasing magtungo sa bayan. May mga bibilhin lang ako. Baka pwede mo akong samahan?"

Doon na niya itinupi ang binabasa niya pagkatapos ay tiningala niya ako dahil nakaupo siya habang ako naman ay nakatayo malapit sa kanya.

"Pupunta ka sa bayan?" aniya na sinamahan niya ng mapaklang ngiti.

Tumango naman ako saka ko siya nginitian. "Kailangan ko kasing bumili ng mga personal na gamit ko sa katawan. Kaya kung hindi ka naman busy ay magpapasama sana ako sayo."

Tumaas ang kilay niya at ilang sandali niya akong pinagmasdan. "Why me, Miggy? Bakit hindi ka magpasama kay Vance tutal ay mas gusto mo naman siyang kasama kaysa sa akin." tanong niya.

"Wala kasi si Vance. Sinundo niya sa maynila si Kristoff hindi ba?" sagot ko sa kanya. Pinipigilan ang pagkainis sa mga inaasal niya.

Kumunot ang noo ni Harris. "Kristoff?" tanong niya sa akin saka siya bahagyang nag-isip na ipinagtaka ko.

"Ngayon na ba ang dating ni Kristoff?" tila nagtatakang tanong niya sa akin.

Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito? Kakasabi lang niya sa akin nung nakaraang araw na ngayon darating ang kapatid niya pagkatapos ngayon ay itatanong niya sa akin? Nag-uulyanin na ba siya?

"Anong araw na ba ngayon?" tanong niya.

Nagsalubong naman ang mga kilay ko saka ko siya sinagot. "Linggo ngayon kaya nga wala kang trabaho diba?" naiirita ko nang sagot sa kanya.

Napapikit siya saka niya hinilot ang sentido niya.

"Alright! Give me ten minutes. Magbibihis lang ako." sabi niya saka na siya tumayo.

Naglakad siya papasok sana sa bahay ngunit bigla na lamang ay nawalan siya ng balanse at muntik nang mabuwal. "Shit!" mura niya.

Mabuti na lamang at nakahawak kaagad siya sa pintuan. Nakadama naman ako ng pag-aalala dahil sa mga ikinikilos niya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Kung hindi maganda ang pakiramdam mo ay magpahinga ka na lang muna. Pwede naman akong bukas na lang mamili." sabi ko.

Naughty Stepbrothers (Completed)Where stories live. Discover now