Chapter Seven

26.1K 930 157
                                    

Kabanata 7

Miguel Arcega

Kasalukuyan akong kumakain ng lunch sa canteen ng school nang bigla na lamang may umupo sa katapat kong upuan.

Napasulyap ako at nakita ko ang nakangiting si Kristoff. May dala rin itong pagkain sa tray na inilapag niya sa mesa ko saka na siya nagsimulang maghanda para kumain.

Napalingon naman ako sa paligid para icheck kung may bakante pang mga mesa at meron nga.

"Marami pang bakante bakit dito ka umupo?" masungit na tanong ko sa kanya.

Natawa naman siya. "Bakit, masama bang saluhan sa pagkain ng lunch ang kapatid ko?" malakas na sabi niya na tila ba pinaparinig sa lahat ang pagbigkas niya sa salitang kapatid.

Napatingin tuloy ako sa grupo ng mga babae sa kabilang mesa na kanina pa pasulyap-sulyap sa amin. Sa kabila naman ay mga lalaki na nasa amin na rin ang atensyon saka sila nagbubulungan kasunod ng tawanan.

Nainis naman ako saka ako bumaling kay Kristoff. "Hindi tayo magkapatid." sabi ko sa kanya.

Nakakalokong ngisi naman ang isinagot niya sa akin bago siya nagsimulang sumubo ng pagkain niya.

"Asawa ng daddy ko ang nanay mo kaya magkapatid na tayo ngayon. Ikaw talaga nagiging bobo ka na. Kumain ka na lang diyan. Tikman mo to." sabi niya saka niya nilagyan ng dala niyang ulam ang plato ko.

Napatitig na lang ako sa kanya at napailing ako nang magsimula na siyang kumain na para bang close kami.

Sa totoo lang ay naguguluhan ako sa lalaking ito. Hindi normal ang mga paglapit-lapit niyang ito sa akin. May mali talaga. Nararamdaman ko iyon.

Napahinto naman siya sa pagsubo nang makitang hindi na ako kumakain at naguguluhan akong nanonood sa kanya.

"Oh, bakit hindi ka kumakain? Hindi ka ba makapaniwala na may gwapo ka nang kapatid? Hayaan mo madalas mo nang makikita mula ngayon ang gwapong kuya mo." sabi pa niya saka niya tinaas baba ang mga kilay niya habang nakangiti sa akin.

Napailing na lang ako saka ako uminom ng tubig. "Tigilan mo ang mga kalokohan mo Kristoff. Wala akong panahon sayo." sabi ko saka na ako nagpatuloy sa pagkain.

"Sungit nito. Ako na nga ang nakikipaglapit nag-iinarte pa. Hindi ka naman chicks." sabi niya. Pinaikot ko na lang ang mga mata ko saka na ako nagpatuloy sa pagkain.

"Alam mo bang may party sa bahay mamaya?" pagkuwa'y balita niya sa akin.

Umiling ako saka ako tumusok ng isang hiwa ng karne saka ko iyon isinubo.

"Para saan ang party?" tinatamad na tanong ko sa kanya. Hindi naman ako mahilig sa mga party lalo na sa mga party ng mayayaman.

Ngumiti naman si Kristoff. "Birthday ni Daddy. Forty five na siya. Mga malalapit na kaibigan ng pamilya lang naman namin ang dadalo pero semi-formal ang party. Kaya magbihis ka ng mabuti. Yung pinakamaganda mong damit ang isuot mo." sabi niya.

Hindi na ako sumagot pa dahil wala naman akong magandang damit na maisusuot sa party na iyon.

******

Nasa bahay na ako at kasalukuyang nagbabasa ng libro na hiniram ko mula sa library ni Uncle Robert nang pumasok sa nakabukas kong silid si Vance.

"May party dito sa bahay mamaya. Alam mo na ba?" nakangiting tanong niya.

Bahagya akong tumango saka ko siya sinagot. "Nabanggit na sa akin ni Kris kanina sa school."

Naglakad siya nang tuluyan papasok sa silid ko saka siya umupo sa gilid ng kama na kinaroroonan ko.

Naughty Stepbrothers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon