Chapter Eighteen

23.1K 811 149
                                    

Kabanata 18

Miguel Arcega

Nagbanlaw na ako ng katawan at paglabas ko sa banyo ay nagbihis na ako at naghanda para pumasok sa school.

Ngayong araw na gaganapin ang final exam namin para sa semester na ito.

Pagdating ko sa school ay nagtungo kaagad ako sa locker ko. Binuksan ko iyon at natigilan ako nang makita ko sa loob ang isang maliit na kahon na nakabalot sa gift wrap.

Si Kristoff lang ang tanging may duplicate ng susi ko sa locker kaya walang ibang maglalagay nito dito kung hindi siya.

Inabot ko ang box saka ko binasa ang card.

Happy Birthday, Miggy

Sana kahit sa maliit na bagay na ireregalo ko sayo ay makabawi man lang ako sa kasalanan ko. Sorry kung hindi kita magawang kausapin sa ngayon. Nahihiya kasi talaga ako sa nagawa ko sayo bukod pa sa pinagbawalan ako ni kuya.

Yours truly, Kristoff

Kahit paano ay napangiti ako sa nabasa ko. Binuksan ko ang kahon at nanlaki ang mga mata ko nang isang gold necklace ang bumulaga sa akin.

Napakaganda ng design at sigurado ako na mamahalin iyon. Bigla tuloy akong nahiya kay Kristoff. Napakamahal ng bagay na ito para sa isang birthday gift lang.

Ganunpaman ay isinuot ko iyon saka ko pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Natuwa naman ako sa nakita ko at nagpatuloy na ako sa classroom namin.

Lumipas pa ang ilang araw at natapos na nga ang unang semester namin sa taon na ito. Ipinagising ako ni Uncle Robert sa katulong para makasabay daw ako sa almusal.

Nasa hapag na ang lahat nang makababa ako. Naupo ako sa tabi ni mama pagkatapos ay inabutan ako ng plato ng katulong.

"Ipinagising talaga kita, iho." simula ni Uncle Robert. "Gusto ko kasing sumama ka sa mama mo at kay Harvin sa paghahatid kay Kristoff sa maynila para makabili ka na rin ng mga bagong gamit mo."

"Napapansin ko kasi na luma na ang iba mong damit at paulit-ulit mo na lang na isinusuot. Nabanggit rin sa akin ni Kristoff na wala ka raw ibang damit na naisusuot lalo na sa mga importanteng events sa school."

Napasulyap naman ako kay Kristoff na noon ay tahimik lang na kumakain katabi ni Harris na nakatingin naman sa akin.

Sa gilid naman ng mga mata ko ay nakita ko ang pagbaling sa akin ni mama. At hindi maganda ang kutob ko sa kanya.

"Sumama ka sa kanila. Dalawang araw sila doon." dagdag pa ni Uncle Robert.

"Ay naku, Robert. Hindi nga ba at kontra-gusto sa batang iyan ang pagsama dito sa hacienda? Kaya hayun at iniwan ang mga gamit niya sa maynila." singit ni mama.

"Pero sige ipamimili pa rin namin siya ni Harvin sa maynila kung iyon ang gusto mo. At dapat kang magpasalamat sa Uncle Robert mo, Miggy." makahulugan akong sinulyapan ni mama.

"Salamat po, Uncle Robert. Pero bakit po pupunta ng maynila si Kristoff? Gaano po siya katagal doon?" usisa ko saka ko sinulyapan si Kristoff.

Apologetic ang ipinahihiwatig ng mga mata niya na ngayon ay sa akin na nakatingin.

"Katulad ni Vance ay sa amerika na rin mag-aaral sa suaunod na semester si Kristoff." sabi ni Harris. Siya na ang sumagot sa tanong ko sa ama niya gamit ang pormal at malamig na tono.

Umabot siya ng ulam sa mesa at naglagay siya sa kanyang plato.

"Oo, Miggy. Doon na rin mag-aaral si Kris. Ewan ko ba dito kay Harvin at napakabilis ng naging desisyon. Kung hindi lamang dahil sa mga kapatid ko na nakabase na sa amerika ay hindi magiging madali ang paglipat ng dalawang bunso ko doon." sabi ni Uncle Robert.

Naughty Stepbrothers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon