Chapter Thirty Four

22.1K 738 58
                                    

Kabanata 34

Harris Vincent Buenavista

Matapos ang mainit na eksena sa pagitan namin ni Miggy ay nagpasya ako na doon na rin matulog kinagabihan sa silid niya.

Sa hapunan ay halos maghisterya si Eloisa sa desisyon ko na pigilan si Miggy sa pagbabalik niya ng Maynila.

Sa huli ay wala rin naman siyang nagawa dahil ang lahat ng kapatid ko ay sang-ayon sa pananatili ni Miggy dito sa hacienda.

Matapos ang hapunan ay naglambing na ako kay Miggy at doon ako dumiretso sa silid niya.

Naiinis pa siya sa akin dahil hindi ko siya hinayaan na makapag- concentrate sa binabasa niyang libro. Pero sa huli ay natapos din ang gabi na magkayakap at kapwa hubad na sa ibabaw ng kama.

Dahil sa pagod at puyat sa mga nagdaang araw ay hindi ko namalayan na nakatulog ako ng mahimbing sa buong magdamag na iyon.

Nagising na lamang ako nang makadama ako ng masuyong paghaplos ng daliri ni Miggy sa labi ko.

Marahan akong nagmulat ng mga mata at ang nakangiting mukha ni Miggy ang sumalubong sa akin.

Nawala ang lahat ng natitirang antok sa katawan ko dahil sa magandang bagay na nabungaran ko sa paggising ko.

"Good morning!" masayang bati ko sa kanya.

"Good morning!" sagot naman niya saka niya ako dinampian ng mabilis na halik sa labi ko.

Napangiti naman ako at tangka ko sana siyang hahalikan muli nang pigilan niya ako. Nagsalubong naman ang mga kilay ko habang nasa labi ko ang hintuturo niya.

"Namimihasa ka na. Hindi ka pa nagmumog." nakangiting sabi niya na ikinangisi ko.

"Okay! Magmumumog ako pero pagbalik ko malalagot ka na naman sakin." banta ko.

Mabilis akong bumangon saka ko hinagilap ang brief ko. Isinuot ko iyon saka na ako nagtungo sa banyo upang magmumog. Nasa kabilang silid kasi ang toothbrush ko kaya gumamit na lang ako ng mouthwash.

Pagbalik ko sa loob ng silid ay palabas na ng pintuan si Miggy. "Ngayon ka lang tinanghali ng gising. Mauuna na ako sayo sa baba." nakangiting sabi niya saka na siya tuluyang lumabas.

Pipigilan ko pa sana siya ngunit mabilis siyang nakaalis. Napailing na lang ako saka ako tuluyang nagbihis.

Sa buong umaga na iyon ay magkasama kaming namasyal ni Miggy sa palibot ng hacienda at nang pabalik na kami ay sabay kaming naligo sa dagat bago kami nagpasya na bumalik sa villa.

Pagdating namin sa bahay ay may hindi inaasahang bisita na sumalubong sa amin.

Si Lara Tuazon in her usual expensive attire na nagpapakita ng magandang hubog ng pangmodelo niyang katawan.

Hindi iilang beses ko na ring nakita ang katawan na iyon na wala kahit na anong saplot. Kadalasan ay noong mga panahong magkasintahan pa kami at hanggang ngayon ay may nagaganap pa rin sa pagitan namin bago ako nagpasya na sunduin si Miggy sa Maynila.

Ngunit kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa ay tinapos ko na three weeks ago. Bago pa ako nagpasya na lumuwas sa Maynila upang makausap si Miggy.

Kaya labis kong ipinagtataka ang biglaang pagdalaw niyang ito ngayon dito sa hacienda.

"Hello, Harvin!" salubong niya sa akin at hindi ko naiwasan ang mabilis na pagdapo ng mga labi niya sa labi ko upang gawaran ako ng halik.

Mabilis akong napabaling kay Miggy at nakita ko ang lambong sa mga mata niya na labis kong ikinainis.

Kaagad akong kumalas kay Lara mula sa pagkakakapit niya sa braso ko. Hindi ko gusto na makita si Miggy na naiinis. Nagsisimula pa lang ang magandang relasyon sa pagitan naming dalawa at ayokong masira iyon nang dahil lamang kay Lara.

Naughty Stepbrothers (Completed)Where stories live. Discover now