Chapter Six

25.1K 866 64
                                    

Kabanata 6

Miguel Arcega

Katatapos lamang ng huling klase ko. Kasalukuyan na akong naglalakad patungo sa parking area nang maalala ko yung inilagay kong libro sa locker ko kanina.

Kailangan ko ang mga iyon dahil nakaipit doon yung handouts ko para sa quiz namin bukas.

Nang makita ako ni Jovan ay mabilis ko nang inilagay sa sasakyan ang mga gamit ko saka ako nagpaalam na babalikan ko lamang sandali yung mga naiwan kong gamit sa locker.

Nagsabi naman siya na kung magtatagal ako ay dadaanan muna niya si Vance dahil nagpapasundo rin ito sa kanya.

Pinayagan ko naman siya at sinabi ko na maghihintay na lang ako sa pagbalik niya. Pagkatapos ay naglakad na ako pabalik ng school.

Madilim na sa nang makabalik ako sa loob. 6PM kasi ang out namin para sa last subject kapag ganitong araw.

Kakaunti na lang din ang estudyante sa loob at karamihan ay mga tumatambay na lang bago magsiuwian.

Naglalakad na ako sa pasilyo ng building nang makasalubong ko si Kristoff. Mabilis ang pagtakbo niya at putok ang labi niya. Napansin ko iyon dahil sa dugo.

Nagkatinginan pa kami bago siya mabilis na pumasok sa isang madilim at nakasarado nang classroom.

Paglingon ko sa pinanggalingan niya ay sakto naman sumulpot ang tumatakbo ring grupo ng limang lalaki at ang ilan sa kanila ay may hawak pa na pamalo.

Shit! Sigurado ako na si Kristoff ang hinahabol nila. Napatingin ako sa mga kahoy na hawak nila at naimagine ko ang nakakaawang anyo ni Kris habang binubugbog ng mga lalaking ito.

Nang malapit na sila sa akin ay napahinto sila saka nagtanong sa akin ang isang malaking lalaki na may hawak na baseball bat.

"Hoy ikaw, nakita mo ba yung lalaki na tumatakbo dito? Sigurado ako na nakasalubong mo siya dahil dito namin siya nakita na lumiko kanina. Saan siya nagpunta?" maangas na tanong nito.

Napalunok ako nang mapadako na naman ang tingin ko sa hawak niyang pamalo. Fuck! Kahit naman masungit sa akin si Kristoff ay hindi ko yata siya kayang ipagkanulo at basta na lamang pabayaan na mabugbog ng mga lalaking ito.

"Tinatanong ka namin. Saan nagpunta yung tarantadong lalaki na nakasalubong mo?" inis na tanong ng isa pa.

Mabilis kong itinuro ang pinanggalingan ko. "Doon siya nagpunta. Nakita ko na nagmamadali siyang bumaba sa hagdanan na yun." sabi ko.

"Bilisan ninyo baka matakasan tayo ng gago na yun" utos ng malaking lalaki sa mga kasamahan niya.

Mabilis namang nagtakbuhan ang mga ito at sa isang iglap ay nawala na sila sa paningin ko.

Sinundan ko sila ng tingin saka ako nagbuga ng malalim na paghinga. Napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ko ang mabilis na pintig ng puso ko dahil sa kaba.

Kapag nalaman nila na nagsinungaling ako sa kanila ay siguradong ako ang babalikan ng mga iyon.

Pero hindi kaya ng konsensya ko ang makitang mabugbog sa harapan ko si Kristoff. Lalo na at ang lalaki ng dala nilang mga pamalo.

Baka malumpo pa nila ang mayabang na stepbrother ko and worse ay baka kung ano pa ang mangyari sa kanya at isa pa iyon sa poproblemahin nina Harris at Uncle Robert.

Nakatulala pa rin ako saay hagdanan na binabaan ng mga lalaki nang bigla na lamang may malakas na kamay ang humawak sa palapulsuhan ko saka niya ako hinila palayo doon.

Dahil malakas siya ay wala na akong nagawa kundi mapatakbo na rin kasama ni Kristoff.

"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko habang binabaybay namin ang napakahabang pasilyo na pinanggalingan nila kanina.

Naughty Stepbrothers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon