Chapter Twenty Seven

23.8K 817 44
                                    

Kabanata 27

Miguel Arcega

Kinabukasan ay nagising ako nang maramdaman ko na hindi na ako nag-iisa sa silid.

Napabalikwas ako ng bangon nang mamulatan ko sa paanan ng kama ko si Harvin.

Nakangiti ito. Nakapamulsa ang mga kamay sa suot na pantalon saka siya nakatitig sa mukha ko.

"Ano ang ginagawa mo dito?" gulat kong tanong sa kanya saka ko mabilis na hinila ang kumot patakip sa katawan ko.

Shit! Brief lang ang suot ko nang makatulog ako kagabi. Hindi ko na nagawa pang magsuot ng damit dahil binabawi ng katawan ko ang mga araw na hindi ako nagkaroon ng maayos na tulog dahil sa sunud-sunod na trabaho.

Ngumiti naman si Harvin saka niya iginala ang paningin sa paligid ng silid bago siya muling bumaling sa akin.

"Pumasok ako para sana gisingin ka. Tanghali na. Yayayain sana kita na mamasyal sa paligid ng hacienda dahil hindi naman ako busy ngayong araw." malambing na sabi niya.

"Hindi ka ba talaga marunong kumatok? Nakakapikon na yang ganyang pag-uugali mo." galit na sita ko sa kanya saka ko mas tinakpan ang hubad na katawan ko sa kumot na para ba akong dalaga na masisilipan ng walang modong lalaki na ito.

"Oh, I did. Hindi ka nga lang nagising kaya pumasok na ako at hindi ka naman kasi marunong mag-lock ng pinto. Saka ano ba naman ang itatago mo sa akin kung sa magazine nga ay halos brief na lang ang suot mo. At buong pilipinas ang maaaring nakabili ng issue na iyon." sagot niya.

"Damn you! Never akong nagsuot ng brief lang sa mga photoshoots. Kadalasan ay jeans ang ineendorso ko at minsan lang ako magsuot ng boxer briefs. May daya pa ang shot na iyon."

Hindi sumagot si Harvin. Bagkus ay nakangiti pa rin niya akong pinagmamasdan ngunit hindi ko naman siya nakikitaan ng makahulugang tingin sa pagkakataong ito.

"Please, don't start my day like this, Harvin." pakiusap ko sa kanya.

"Harvin?" ulit niya. "Hindi ko gustong marinig mula sa bibig mo ang pangalan na iyan. Mas masarap sa pandinig kung ang itatawag mo sa akin ay ang pangalan na palagi mong sinasambit noon. Harris!" sabi niya.

Napakurap naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko inasahan na may kakaibang damdamin na lumukob sa akin nang sambitin ko sa isip ko ang pangalang Harris.

Hindi ko sinagot kaya siya na ulit ang nagpasyang magsalita.

"Alright, Truce! Siya nga pala hindi ka ba nanibago sa silid mo? Sadya ko talagang hindi ipinagalaw ito dahil alam ko na darating ang araw na ito na babalik ka sa lugar natin." sabi niya.

"Hindi. Kahit saan naman ay makakatulog ako ng maayos." sagot ko. At nang hindi pa rin siya tumitinag mula sa pagkakatayo niya ay nag-isip na ako ng paraan upang itaboy na siya.

"Wala ka pa bang balak na lumabas dito? Para naman mas kumportable na akong makakagalaw. Hindi ko gusto na pati ang pagbibihis ko ay may nakikinood pa." masungit kong sabi sa kanya.

Natawa naman siya saka siya napailing. "I'm sorry if I made you feel uncomfortable. I just wanted to see how you look first hour in the morning." malambing na sambit niya.

Kung sa ibang pagkakataon niya sasabihin ang mga salitang iyon ay siguradong kikiligin ako. Pero hindi maganda ang bungad niya sa akin sa umagang ito kaya bahala siyang ngumiti nang ngumiti sa akin pero hindi ko siya ngingitian man lang.

"And you are just as handsome as you look in the last hour of the day. Hindi na ako nagtataka kung bakit napakabilis mong nabihag ang puso ng masa."

Naughty Stepbrothers (Completed)Where stories live. Discover now