Chapter Twenty Three (Special Chapter)

26.9K 907 172
                                    

Kabanata 23

Harris Vincent Buenavista

Kasalukuyan kaming lulan ngayon ng sasakyan ko pauwi ng Cervantes. Minabuti ko na magbiyahe na lamang mula maynila dahil kung ikinuha ko pa ng plane ticket si Miggy ay mahihirapan ako dahil nadala ko na ang kotse ko.

Kagabi sa parking area ng mall kung saan ginanap ang fashion show na kinabilangan ni Miggy ay inakala ko na hindi ko siya mapipilit na sumama sa akin pabalik sa hacienda.

Napakahirap niyang hagilapin. Kung hindi ko pa nakuha ang address ng bahay na tinutuluyan niya mula sa inupahan kong tao ay hindi ko pa siya mahahabol.

Napasulyap ako sa kanya nakasalukuyan ngayong nakasandal sa passenger seat. Nakatulog na siya sa biyahe namin makalipas ang halos dalawang oras na pananahimik niya.

Kanina ay gusto pa niyang sa likod sumakay pero hindi ako makapapayag na mangyari iyon. Dito lang siya dapat sa harapan. Katabi ko.

Naiinis ako dahil hindi man lang niya ako nagawang kumustahin samantalang siya ay hindi minsan man nawala sa isipan ko sa nakalipas na mga taon.

Labis kong pinagsisihan ang ginawa kong pagtataboy sa kanya sa hacienda noon. At ngayon nga ay nahihirapan na ako na paamuhin siya.

Pero hindi ako makakapayag na hindi siya maibalik doon. He belongs to our life. Kabaliwan mang masasabi ang bagay na ito pero hindi ako papayag na isang miyembro ng pamilya namin ang mapapalayo sa amin.

Hindi sa pagkakataong ito.

Naibalik ko na sa Cervantes si Vance at nakausap ko na rin si Kristoff. Ano mang oras sa mga susunod na araw ay uuwi na rin siya doon.

Kaya kailangan ko na ring maiuwi si Miggy. Kailangan siya ni Maisie. Kailangan siya ng mga kapatid ko. Higit sa lahat ay kailangan ko siya sa buhay ko.

Ilang taon din akong nagtiis na huwag siyang puntahan at sunduin sa maynila.

Wala akong sapat na dahilan para gawin iyon noon dahil ako pa mismo ang naghatid sa kanya sa bus terminal nang itaboy ko siya dahil sa eskandalong kinasangkutan niya.

Ngayon ay nakahanap na ako ng sapat na dahilan at hindi ko na sasayangin iyon para tuluyan ko na siyang makasamang muli.

Ang problema lang ay mas mahirap na siyang pasunurin ngayon dahil may narating na siya.

At masyado siyang nagpapadikta sa mayabang na boyfriend niya na kanina ko lang nakilala nang sunduin ko siya sa apartment niya kaya nanatiling mainit ang ulo ko hanggang sa makasakay na kami sa sasakyan ko.

Kahit kailan ay hindi ko mapapayagan na tumapak sa lupang pag-aari ko ang hayop na lalaking iyon.

Si Miggy lang ang kailangan ko. Siya lang ang papayagan kong magtungo sa Cervantes. Hindi ang tarantadong lalaki niya. At hindi ko na siya kailaman hahayaan na makabalik pa sa maynila.

Huminto ako sa isang gilid ng mahabang highway na iyon. Sa labas ay patuloy pa rin ang walang tigil na ambon.

Narinig ko sa balita kanina na may papasok na bagyo sa bansa. At ang tinutumbok na naman nito ay ang parteng norte.

Pinagmasdan ko si Miggy. Marahil ay puyat siya at napagod sa nagdaang mga gabi dahil sa mga commitments niya at sa fashion show nila.

Nakita ko ang pagyakap niya sa katawan niya at alam kong nilalamig siya.

Hinubad ko ang suot kong jacket saka ko ipinatong iyon sa katawan niya. Inayos ko ang magulong buhok niya na tumatakip sa noo niya.

Napakalaki na ng ipinagbago niya. Halos kasing tangkad na nga niya ako at hindi na siya patpatin katulad ng dati.

Naughty Stepbrothers (Completed)Where stories live. Discover now