Chapter Twelve

24.7K 905 164
                                    

Kabanata 12

Miguel Arcega

Sa sumunod na araw ay hindi rin napigilan ni Harris ang patuloy na paglapit sa akin ni Kristoff.

Halos kasabay ko na sa pagpasok at pag-uwi si Kristoff galing sa school dahil bigla na lamang pinaalis ni Harris si Jovan sa hacienda sa hindi ko malaman na kadahilanan.

Hindi ko inasahan na sa paglipas ng mga araw ay maeenjoy ko ang presensya ni Kris sa paligid ko.

Marahil ay hindi naging maganda ang samahan namin noong una pero pinatunayan naman niya sa akin na sincere na siya sa pakikipaglapit niya sa akin ngayon.

Katulad ni Vance ay natanggap na rin ako sa wakas ni Kristoff bilang stepbrother niya. Siya na rin ang sumasama sa akin sa pagligo ko sa dagat tuwing weekends.

Hindi na rin kami ginulo pa ng mga lalaking gumaganti sa kanya. Sa tuwing nakakasalubong namin ang mga ito ay sila na mismo ang umiiwas bagay na ipinagpasalamat ko.

Hindi kami halos nagkikita ni Harris sa mga nagdaang araw dahil panahon daw ng ani ayon kay Kristoff kaya busy ito sa pangangasiwa ng hacienda.

Sa hapunan ay bihira na lang din siyang makasabay dahil kadalasan ay halos malalim na ang gabi kung umuwi siya.

Nakadama ako ng lungkot dahil sa madalang na namin na pagtatagpo. Kahit wala naman pagkakataon na naging close kami ay hindi ko pa rin maiwasan na mamiss siya.

Mas nanaisin ko pa na palagi kaming nag-aaway na dalawa sa tuwing nagkikita kami kesa sa hindi na kami halos nakakapag-usap man lang.

Sa umaga ay para-paraan ako. Sinasadya ko talaga na ipagtimpla siya ng kape upang kahit papaano ay masilayan ko ang gwapong mukha niya at ang taglay niyang kakisigan.

Hindi naman niya iyon tinatanggihan ngunit hindi man lang niya ako magawang pasalamatan. Gayunpaman ay masaya na ako sa tuwing nakikita ko siya na iniinom naman niya ang ibinibigay ko sa kanya.

Lumipas pa ang mga araw at palagi ay lihim kong pinagmamasdan si Harris tuwing makikita ko siya na nasa villa.

Hindi ko alam kung bakit pero matinding paghanga talaga ang nararamdaman ko para sa panganay na anak ng bagong asawa ni mama.

Ngunit kahit minsan ay hindi pa kami nagkasundo ng lalaking iyon. Madalas ay galit siya sa akin at kung hindi naman ay nagsusungit naman siya.

Hindi ko na talaga alam kung ano na ang gagawin ko sa tuwing magtatagpo kami ng lalaking iyon.

Si mama naman ay naging abala na sa madalas na paglabas nila ni Uncle Robert. Nagtatampo pa ito kapag hindi siya sinasamahan ng asawa.

Katulad ni Harris ay malamig pa rin ang pakikitungo sa akin ng sarili kong ina. Mabuti na lamang at naging maganda na ang samahan namin ni Kristoff at kung ano man ang hindi namin napagkakasunduan noon ay nabago na namin ngayon.

Mabait si Kristoff. Malambing din siya tulad ng bunsong kapatid niya kapag nakapalagayan mo na siya ng loob.

At hindi naman ako nahirapan na pakisamahan siya sa mga nagdaang linggo. Hindi na nagpakuha pa ng bagong driver si Harris dahil nag-insist si Kristoff na sa kanya ako sasabay kahit pa magkaroon kami ng bagong driver.

Dahil busy sa mga gawain sa hacienda ay hinayaan na kami ni Harris pero paminsan-minsan ay nahuhuli ko pa rin siya na nakamasid sa mga kilos ko.

Isang gabi ay inabutan ko si Harris na nakahiga sa sofa sa ibaba. Nakapikit ang mga mata at mahimbing ang tulog. Nakapatong sa tiyan niya ang isang kamay niya habang ang isa naman ay nakaunan sa ulo niya.

Naughty Stepbrothers (Completed)Where stories live. Discover now