Chapter Twenty Two

24K 844 218
                                    

Kabanata 22

Miguel Arcega

"Tumigil ka, Miggy." bulyaw ni Harvin sa akin.

Naluluha na ako pero nanatili pa rin akong tumatawa. Doon na humakbang si Harvin palapit sa akin saka niya hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Tumigil ka sabi eh!" ulit niya.

Marahas kong tinabig ang dalawang braso niya. Huminto ako sa pagtawa saka ako galit na tumingin sa kanya.

"You're a bigger fool than I thought, Harris Vincent." naiinis kong sambit sa kanya.

"Pinaniwala ka ni Eloisa na tinatawagan niya ako at naniwala ka naman. Sa mga nagdaang taon ay kinalimutan na niya ang existence ko! Sa loob ng kalahating taon matapos mo akong ihatid sa bus terminal ng Cervantes ay sinubukan ko siyang kontakin pero hindi niya sinagot kahit isa sa mga tawag ko."

Humugot ako ng malalim na paghinga saka ko pinunasan ang mga luha ko bago ako nagpatuloy.

"Binaligtad niya ang pangyayari kagaya ng ginagawa niya noon. At wala akong pakialam kung maniniwala ka sa akin o hindi. Umalis ka na lang!" sabi ko sa pagalit na tono.

Matagal na natahimik si Harvin. Nakatitig lang siya sa akin na tila inaarok ang mga sinabi ko.

Huminga siya ng malalim bago siya muling lumapit sa akin at bigla niya akong niyakap ng mahigpit na ikinabigla ko.

"Patay na si Daddy, Miggy." masuyong bulong niya habang mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa akin. "Inilibing siya five weeks ago."

Natigilan ako sa sinabi niya saka ko naramdaman ang paghawak niya sa ulo ko upang mapasandal iyon sa dibdib niya.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko. Patay na si Robert Buenavista?

Sa kaisipang iyon ay nakadama ako ng lungkot dahil sa sandaling panahon na tumira ako sa lugar na iyon ay naging napakabuti sa akin ng padre de pamilya nila.

Silang dalawa ni Vance ang tumanggap sa akin ng buo simula pa lang sa unang araw ko doon. Kaya nakakalungkot isipin na hindi man lamang kami nakapag-usap ng maayos.

"At katulad nga ng sinabi ko sayo kanina. Dalawang sulat na ang naipadala ko sa address na ito dahil hindi mo sinasagot ang lahat ng tawag ko sayo." patuloy ni Harvin.

Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na iyon dahil sinadya kong iwasan ang kahit anong uri ng komunikasyon mula sa Hacienda Buenavista.

"Condolence." sabi ko na lang saka ko siya itinulak palayo sa akin. Hindi kasi ako kumportable sa pagdidikit ng mga katawan namin.

Kahit na katiting ay wala ring sinseridad sa tinig ko ang pakikiramay ko sa kanya.

"Pareho na lang pala kami ni Eloisa na nawalan." sambit ko nang maghiwalay ang mga katawan namin.

Tinitigan ako ni Harvin bago siya malungkot na nagsalita. "May kailangan ka pang malaman, Miggy."

Nagtatanong ang mga mata ko na sinalubong ang mga tingin niya.

"Kasama ni Daddy si Eloisa nang mahulog sa dagat mula sa isang matarik na bangin ang sinasakyan nilang kotse. Hindi pa rin siya natatagpuan hanggang ngayon."

Napapikit ako dahil sa narinig ko. Hindi ko alam ngunit hindi man lang ako nakadama ng panic. Muli ay sinukyapan ko si Harvin. Nagkibit ako ng mga balikat.

"Hindi mo man lang ba nagawan ng paraan na mahanap siya? Knowing your financial status. Kayang-kaya mo siyang ipahanap." sabi ko.

Umiling lang si Harvin. "Sinubukan ko na ang lahat mahanap lang siya pero six weeks na ang nagdaan ay hindi pa rin siya mahanap ng coast guards kaya inihinto na nila ang paghahanap"

Naughty Stepbrothers (Completed)Where stories live. Discover now