Prologue

52.3K 1.1K 114
                                    

Prologue


Miguel Arcega

Tumaas ang kilay ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang napakalaking mansyon. Binuksan ko ang bintana sa passenger seat at pinagmasdan ko ang malawak na lupaing nakapaligid sa tahanan ng mga Buenavista.

Sa wakas matapos ang napakahabang byahe mula sa maynila ay nakarating na rin ako sa Cervantes kung saan naninirahan ang magaling kong ina kasama ng bago niyang asawa at ang pamilya nito.

"Sir maaari na po kayong bumaba at isusunod ko na lamang po sa inyo ang mga gamit ninyo." pukaw sa akin ni Jovan ang driver na sumundo sa akin mula sa maynila patungo sa napakalayong probinsiya na ito sa bandang norte.

Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan pa ako ng pinto. Kaagad naman akong bumaba at pinagmasdan ang buong kapaligiran.

Sa likurang bahagi ng sasakyan ay kasalukuyang ibinababa ni Jovan ang maleta na dala ko.

Kakaunting gamit lang ang dinala ko mula sa bahay ng bungangera kong tiyahin sa maynila.

Kung may mapupuntahan lang sana akong iba ay hindi ko nanaisin na manirahan sa lugar na ito.

Wala naman problema sa lugar pero ang mga taong makakasama ko ang pinoproblema ko. Kung naging mabuti lang sanang ina sa akin si Mama ay nanaisin ko pang makasama siya ng matagal.

Pero mula pagkabata ay iba't ibang lalaki na ang kinasama niya na karamihan sa mga ito ay hindi naging maganda ang pagtrato sa akin at muntik pa akong mapagsamantalahan ng isa sa kanila.

Mabilis na lumabas sa malaking pintuan si Mama at animo'y tuwang tuwa na makita ako. Patakbo pa siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng napakahigpit.

"Miguel! Namiss kita anak." bulong niya sa akin at akmang hahalikan niya ako sa pisngi pero umiwas na ako saka ko siya marahang tinulak palayo sa akin.

"Pagod ako sa biyahe at gusto kong makapagpahinga kaagad. Maaga mo akong pinasundo." malamig kong sagot na nagdulot ng lungkot sa magandang mukha niya.

Ngunit sandali lamang iyon dahil mabilis siyang nakabawi at pilit niyang pinasigla ang sarili niya. "Hindi ka ba muna kakain? Nagpahanda pa naman ako ng mga paborito mong ulam."

"Busog ako. Kumain kami sa bayan ni Kuya Jovan." sagot ko.

"Sir hindi naman tayo kumain. Nagugutom na nga ako eh." sabat ni Jovan habang himas ang tiyan niya.

Tumingin ako ng masama sa kanya kaya napapakamot na lang siyang yumuko nang makita ang galit kong sulyap sa kanya.

Tumingin ako kay Mama. "Hindi ako nagugutom. Ipahatid mo na ako sa magiging silid ko para makapagpahinga kaagad ako." sabi ko sa kanya.

"Ako na ang maghahatid sayo." sabi niya bago niya sinulyapan si Jovan. "Jovan pakisunod mo na lang sa amin ang mga gamit ni Miggy sa taas pagkatapos ay bumaba ka na sa kusina at nang makakain ka na."

"Sige po." nahihiyang sagot ni Jovan na sadyang hindi tumitingin sa akin. Naiilang na yata ang loko.

Naguilty naman ako sa ginawa ko sa kanya. Wala naman siyang kasalanan sa akin. Sa totoo nga ay napakagalang niya sa akin sa buong durasyon ng napakahabang biyahe namin pero pati siya ay dinamay ko sa pagkachildish ko.

Inakay na ako ni Mama papasok ng bahay at sumunod naman sa amin si Jovan.

Pagpasok namin sa sala ay may isang gwapo at maskuladong lalaki na napabaling sa amin at seryoso ang mukha na pinagmasdan ako.

Sa tingin ko ay nasa disi-otso na ang edad nito at matanda siya sa akin ng mga dalawang na taon dahil sixteen na ako.

Wala siyang suot sa katawan niya kundi ang isang manipis na boxer shorts.

Shit! Kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano siya kasarap pero syempre ay naging behave ako at hindi ko pinahalata na pinagmamasdan ko ang katawan niya.

Kunwari ay umiwas na ako ng tingin sa kanya na para bang hindi ako interesado pero deep inside ay kating-kati na naman ang ulo ko na bumaling sa kanya ngunit sinikap kong kontrolin ang sarili ko.

Huminto si Mama saka siya humarap sa lalaking nakaupo sa sofa. "Kristoff! Siya ang anak ko. Si Miggy."

"I don't care!" tila tinatamad na sagot ng maangas na lalaki. Napahiya tuloy si Mama kaya niyaya na niya ako na umakyat na sa magiging silid ko.

"Pasensya ka na kay Kris. Hindi kasi sila sang-ayon ng Kuya Harris niya na magpakasal kami ng Tito Robert mo kaya ganun silang makitungo sa akin. Mabuti na lamang at magalang sa akin yung ikatlo, si Vance na matanda lamang sayo ng isang taon. Naku sigurado ako na makakasundo mo siya." tila naeexcite na sabi sa akin ni Mama pero hindi ako interesado sa mga sinasabi niya.

"Hindi pala maganda ang turing sayo ng dalawang anak ng asawa mo pero pilit mo pa rin akong dinala dito. Kung ikaw na asawa ng tatay nila ay hindi nila matanggap paano pa ako?" malamig na sagot ko sa kanya.

"Si Robert na mismo ang may gusto na kunin ka na namin at ipapalipat na niya ang pangalan mo sa apelyido niya. Anak naman napakatagal mo nang nawalay sa akin. Hindi ka ba masaya na makakasama mo na ako?" masuyong tanong niya.

"Hindi. Dahil nasanay na ako nang wala ka sa tabi ko. Hindi rin ako papayag sa gusto ninyo na magpaampon ako sa asawa mo. Mahal ko si Papa at ayokong alisin sa pangalan ko ang apelyido niya." malamig kong sagot sa kanya.

"One more thing Mama. Hangga't nandito ako sa bahay na ito ay sinisiguro ko sayo na hindi ako magpapaapi sa mga anak ng asawa mo. Magkagulo na kung magkakagulo pero hindi ako magpapadehado sa kahit sino man sa kanila. Tandaan mo iyan."

"Anak naman. Kung may hindi man magandang ipapakita sayo sina Harris at Kris ay magpasensya ka na lang sana."

"Sorry Ma pero hindi ko gagawin yang sinasabi mong iyan. Kung gusto mo ng tahimik na buhay dito sa bahay na ito ay ngayon pa lang paalisin mo na ako dito."

"Hindi Miggy! Hindi ka aalis dito. Dito ka na titira kasama ko." aniya sa tonong hindi na mababali.

"Okay! If that's what you want then dito ako titira kasama mo. Good luck na lang sa ating lahat." sabi ko saka ko na ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama.

"Kung wala ka nang sasabihin Ma iwanan na ninyo ako. Pagod ako at gusto ko na talagang magpahinga."

Isang napakalalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Mama bago siya talunang lumabas ng silid kasama si Jovan.

Pumikit ako saka ko pinilit ang sarili ko na makatulog. Hindi naman ako nahirapan na magpaantok dahil maaga naman talaga akong sinundo ni Jovan kaninang madaling araw.

Naaawa nga ako sa kanya dahil gabi pa yata nang utusan siya na sunduin ako sa maynila. Malamang ay wala pang tulog si mokong.

Sa kakaisip sa driver na iyon ay hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako.

Naughty Stepbrothers (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora