Chapter Twenty Eight

25.8K 844 103
                                    

Kabanata 28

Miguel Arcega

Kinabukasan ay ipinagising ako ni Harris sa katulong. Hindi kagaya nung nagdaang araw na siya mismo ang pumasok at gumising sa akin.

Hindi ko alam pero bahagya akong nakadama ng disappointment nang magising ako na hindi si Harris ang nabungaran ko.

Ganunpaman ay mabilis na akong bumangon. Kahit nagmamadali ay nakuha ko pang dumaan sa dining.

Nagsalin ako ng kape sa tasa saka na ako nagtungo sa kuwadra kung saan daw ako hihintayin ni Harris.

Naabutan ko pa doon si Maisie at ang yaya nito. Nang makita ako ng bata ay masigla niya akong nilapitan.

Niyuko ko siya saka ko siya dinampian ng malutong at matamis na halik sa cute na pisngi niya.

"Good morning!" bati ko sa kanya.

"Kuya Miggy, ipapasyal ka ni Kuya Harvin sa asyenda. Gusto kong sumama kaso ayaw niya." sumbong nito sa akin.

Napasulyap naman ako kay Harris na nakangiting nakatingin sa amin.

"Some other time, Maisie. Hindi ngayon. Hayaan mo muna kami ng Kuya Miggy mo na mamasyal nang walang makulit na kasama." biro niya sa kapatid namin na noon ay sumimangot.

"Ipasok mo na ang kapatid ko." utos ni Harris sa yaya at kaagad naman itong tumalima at inakay na si Maisie pabalik sa villa.

"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay sayo dito." baling ni Harris sa akin.

"I'm sorry. Hindi kasi ako sanay na magising ng maaga nang hindi nakakapagkape." sagot ko saka ko itinaas ang tasa na hawak ko upang ipakita sa kanya.

Hinagod niya ng tingin ang buong katawan ko pagkatapos ay muli siyang tumitig sa akin nang hindi nawawala ang masayang ngiti sa mga labi niya.

Hindi pa rin talaga ako sanay sa ganitong aura ng lalaki na ito. Mas nasanay ako sa bugnutin at palaging galit na Harris.

Ganunpaman ay nagpapasalamat ako dahil mula pa kahapon ay nagawa namin na hindi mag-away sa loob ng isang araw.

"Oh, you're forgiven. Na-compensate ng ayos mo ang mga sandaling naghintay ako dito sayo. You look great, Miguel. Nainggit tuloy ako kay Maisie dahil siya lang ang may morning kiss." sabi niya.

"Bata ka ba?" masungit na sabi ko sa kanya upang itago ang ngiti ko ngunit tinraydor ako ng mga labi ko at hindi nakaligtas sa mga mata ni Harris iyon.

Kinilig naman ako sa pambobola niya pero kahit anong mangyari ay hindi ko iyon ipapahalata sa kanya.

"Huwag mong pigilan ang ngiti mo. Hindi mo kaya." pang-aasar pa niya.

I rolled my eyes saka ko na inubos ang kape ko.

"Okay lang sa akin ang walang almusal pero para sa akin kapag maaga akong nagigising ay hindi maaaring hindi ako makainom ng kape." sabi ko.

Natawa naman si Harris. "Tama lang pala ang una kong ipapakita sayo. Ang plantasyon ng kape. Halika na at iaangkas kita." sabi niya.

Mabilis akong umilig nang marinig ko ang sinabi niya. I cannot afford to be with him nang hindi niya nahahalata ang damdamin ko na unti-unti na namang nagugulo dahil sa mga ikinikilos niya sa nagdaang araw hanggang ngayon.

Sa pakiramdam ko tuloy ay mas safe pa ako noong palagi kaming nagkakabanggaan kaysa ngayon na palaging maganda ang mood niya.

"Can't I ride by myself?" tanong ko.

"Mas maganda kung iaangkas na lang kita kasi mas maaalalayan kita." sagot niya.

"No! Gusto ko ng sariling kabayo. Naturuan na rin naman ako minsan ni Kristoff noon. Hindi ko pa naman siguro nakakalimutan kung paano sumakay sa kabayo at hindi naman siguro natin patatakbuhin ng mabilis diba?" sabi ko.

Naughty Stepbrothers (Completed)Where stories live. Discover now