CHAPTER FORTY-SIX

3.9K 98 14
                                    

Claurent's POV

Lumipas ang mga buwan at naging masaya kami ni Raine sa pagsasama namin. Although hindi pa niya nasabi sa mga parents niya ay okay lang sa akin. Hindi ko siya pipilitin dahil alam ko kung gaano yun kahirap gawin. Ibibigay ko lahat ng time na kailangan niya to gather the strength to tell her parents.

" By, uuwi pala sina mommy at daddy mamaya. They wanted to have a special dinner and meet you." sabi ko kay Raine habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria. Sabay-sabay kaming magbabarkada sa iisang table.

" Talaga? O sige, I'll go." sagot niya sabay ngiti at nahawa naman ako sa ngiti niya.

" Teka lang, nasan ba si Mia? She hasn't been going to school lately, ah?" biglang sabi ni Clark.

" Uhm, I forgot to mention na nagka-ayos na yung mga parents niya. They decided to start a new life again sa Australia, kaya magt-transfer na ng school si Mia dun." natahimik ang lahat pagkatapos kong magpaliwanag.

" It's good to hear na nagka-ayos na yung parents niya." Raine spoke and they all nodded.

" Mahirap naman pala yung pinagdadaanan niya kaya nagka-ganun siya. Maybe they made the right decision to start a new life again sa ibang bansa, that way malilimutan nila yung mga bad memories nila dito." ani Tiffany.

" Well, mami-miss ko parin siya kahit sandali lang kaming nag-kasama nun." I sighed.

" Huwag naman masyado, baka may mag-selos.." hirit pa ni CJ at nagsimula na naman ang asaran sa table namin.
Pinagkaisahan nila si Raine.

" Hala Sis, mami-miss daw oh!"
" Gusto mo, upakan namin to!"
" Hala ka Dude!! Magseselos yang si Raine!"
" You're doomed!"

Sinamaan ko lang sila ng tingin at inakbayan si Raine.
" Alam nyo, etong baby ko. Hindi to dapat magselos. Alam nyo kung bakit?" I raised my eyebrows at them and they all just listened for what I have to say, " Alam mo kung bakit, by?" I turned to Raine and she just tilted her head, signaling me to continue.

" Kasi in a room full of beautiful art, I'd still stare at you." I grinned at her and she just jokingly pushed my face away.

" Tse! Ang laswa nyo!"
" Suuuuuuusss!!", biro ng mga barkada namin nang sabihin ko yun.

" Nagseselos lang kayo eh kasi wala kayong mga jowa." I stuck my tounge out at them at nagtawanan naman sila.

" Meron kaya." nabigla naman kaming lahat nang sabihin yun ni Nate. All eyes went on him, expecting him to explain what he just said. But then he acted like we are being weird.

" Bakit? Tinitingin nyo?"

" May jowa ka na, dude?"
" Sino ba yan?! Bat di mo sinabi?!"
" Ipakilala mo samin yan!"
" Dude, seriously sino?!"
" Gago to, di sinabi satin! Sino ba yan dude?!"

Sunod-sunod naming tanong kay Nate. He pretended like he didn't hear a damn thing.
Then the bell rang, the first period in the afternoon is starting.

" Tara, may klase pa tayo." sabi pa nito bago tumayo at nauna nang umalis.

Nagtinginan naman kami, still surprised sa biglang pag amin ni Nate.

" What the fuck? Meron na pala siyang jowa?!" napamura nalang si Clark habang kinakamot ang ulo niya.

" Ethan, alam mo ba kung sino? Sinabi ba niya sayo?" tanong ni Tiffany kay Ethan but he's also as surprised as us.

" Di ko nga alam eh! Wag kayong mag-alala, kukulitin ko yan mamaya." he said before winking at us and ran after Nate.

-----------------------

Take Your Time (GxG)Where stories live. Discover now