CHAPTER TWENTY-FIVE

4.6K 107 9
                                    

(**A never ending THANK YOU kay babybluepol at Jerjell for motivating me to keep this story going on :) allthelove for you and to all the readers!!**)

Claurent's POV

" Tingnan mo,lagi nalang magkasama yang dalawa." sabi ni Nate. Yung tono ng boses niya, para siyang natalo sa pustahan.

Tinignan ko naman kung sino yung tinutukoy niya at hindi naman nagkamali ang aking hinala.

Kahit nandito kami ni Nate sa bleachers ay natatanaw parin namin sina Raine at Ethan. Nagkakatuwaan na naman sila.

Bigla namang sumikip yung dibdib ko, ewan ko ba.

Kasi naman napapansin ko, yung mga ginagawa ko para kay Raine noon ay si Ethan na ang gumagawa.

Nalaman ko pa nga na hinahatid pala ni Ethan si Raine patungo sa classroom niya. Tsaka pag magkasama sila, kung hindi nakaakbay si Ethan sa kanya ay nagho-holding hands naman sila. Nagtaka na nga yung buong campus eh. Maraming nagtatanong kung sila na ba.  Minsan nalang din kasi sumasabay sa amin si Ethan eh. Madalas na niyang sinasabayan si Raine. Busy kasi mga kaibigan ni Raine dahil sa school paper kaya sinasamahan siya lagi ni Ethan para hindi siya mapag-isa.

Medyo naiinis lang ako pag nakikita kong pinipisil ni Ethan yung mga pisngi niya, o kaya naman ay ginugulo yung mga buhok niya. Naiinis ako pag napapatawa siya ni Ethan.

That should be me.

Suddenly, I felt a nudge on my shoulder.

" Psst..uy. Hayaan na natin, wala tayong magagawa." Nate comforted and I just gave him a tight-lipped smile.

We glanced at the two of them before Nate tapped my shoulder at sabay na kaming umalis.

Habang naglalakad kami ay sinusulyapan ko yung facial expression ni Nate.

We both feel the same pala. Pareho kaming nagseselos. Masakit din pala yun no? Yung nakikita mo siyang masaya siya sa iba?

------------

Nate's POV

Alam niyo yung feeling na may makati sa katawan mo, tapos gusto mong kamutin pero di mo talaga alam kung saan banda?

That's exactly what I feel right now, hindi ko lang alam kung bakit.

Nung nalaman kong may nags-spread na rumors na sila Raine at Ethan na, di ko alam kung tatawa ba ako o iiyak.

Si Ethan? Magkaka-girlfriend? Dude, sa mukha niyang yun?

Pero kung iisipin, yung katangian naman niya talaga yung nakapag-aattract sa mga babae...

Gwapo naman talaga si Ethan, mabait nga yun eh. Siya ata yung pinaka-caring na taong nakilala ko. Yung inuuna niya yung iba kesa sa sarili niya. Tsaka, pag nakikita ka niyang malungkot, gagawa yun ng paraan para mapa-ngiti ka lang.

Alam ko dahil ganyan siya sa akin..sa aming magkakaibigan.

Pag may assignment nga ako, siya talaga yung nagpapa-remind sa'kin. Tsaka papagalitan pa niya ako pag di ko ginawa. Magrereklamo pa kunwari yun pag nagpapasama ako sa kanya sa library eh sasama din naman pala sa huli.

Hindi ko sinasabi sa kanya pero naa-appreciate ko talaga lahat ng mga ginagawa niya para sa aming mga kaibigan niya.

" Claurent! Hindi ka na ba busy? You said the other day na tuturuan mo ako.." napalingon naman ako nang biglang may nagsalita.

Take Your Time (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon