CHAPTER SEVEN

6.7K 212 8
                                    

Raine's POV

In the following days ay madalas na kaming nagha-hangout ni Claurent kasama narin ang mga kaibigan niya. Sabay narin kaming kumakain every lunch and I must say, I started to come out of my shell simula nung naging close kami ni Claurent.

Sa ngayon ay nasa cafeteria kami at nagla-lunch. Nandito sina Claurent at ang mga tinatawag niyang tukmol na mga kaibigan.

Everyone is having their conversation with each other habang kami naman ni Claurent ay kumakain.

" Claurent, tikman mo 'to.. don't you think it tastes weird?" tanong ko sa kanya habang sinubuan ko siya ng isang kutsara ng yogurt.

As she was done swallowing it, she made a weirded face sa akin.
" Hindi naman.."

" No, look..isa pa. Lasahan mo ng maayos..may something eh." sinubuan ko ulit siya.

" Ehemmm...parang may something nga." Singit naman ni CJ at pinandilatan niya kami ng mata, I heared Claurent chuckle.

" Pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya cluelessly.

Nag-ngitian lang naman silang lahat.

" I'm just saying... may something new akong nade-detect..Raine, you've been happier lately ah, is it because of Claurent??" CJ said teasingly while the rest ay kinilig.

'ooiiii'
'may something ahhh'
'iba na yann'
' ano naaa???'
' may kailangan bang umamin ditoo?? oooyyyy'

Panunukso nila sa amin. Hays, pinagti-tripan na naman kami ng mga 'to. Claurent threw them a death glare at nagtawanan sila.
Ngunit isa lang ang hindi umimik.

Si Nate.

Napansin kong bigla siyang natahimik at yumuko.

Habang nagtutuksuhan kaming lahat ay biglang tumayo si Nate at pumunta sa side ng table na kinauupuan namin.

" 'scuse. Dito ako. Lipat ka dun. Bilis." sabi ni Nate habang nagsalubong ang kanyang mga kilay at sumunod lang din naman si Tiffany na noo'y nasa tabi ko. She was too occupied sa mga tuksuhang nangyayari kaya di na siya nakapag-reklamo.

Ako lang siguro ang nakakapansin na may something odd kay Nate. Pero pinabayaan ko lang kasi baka nag o-overthink lang ako.

After a while ay nalaman ko na ang rason kung bakit lumipat si Nate ng upuan.

Gusto niyang mangulit -_-

Habang nagkukulitan kami ni Claurent ay bigla na lang siyang nangangalabit o nangingiliti.

Sa ngayon ay pinagtutulungan na ako nina Claurent at Nate. Di-nare kasi ako ni Claurent na pagkasyahin ang 5 large marshmallows sa bibig ko, and while I'm doing so, kinikiliti ako ni Nate. Dahil dun ay sumakit ang panga at tagiliran ko.

....

Nung nag-ring na yung bell ay nagsitayuan naman kami at pumunta sa kanya-kanya naming klase.

"Aheeeeemmmmm" pagpaparinig ni Tiffany,CJ at Jino nagtaka naman ako.

" Uhm...a-anyari?" awkward na sabi ko kaya pinandilatan naman nila ako.

Mga baliw talaga! di na lang sabihin diba?!

"May dapat ba kaming malaman Raine?" asar ni CJ.

"Ano bang dapat niyong malaman?" inosente kong sabi.

" Kaloka tong baklang to! hindi naramdaman teh!? aba eh ang gusto naming malaman eh anong meron sa inyo ni Claurent?!" si Jino

"A-Ano bang meron sa amin ni Claurent?" maang maangan kong tanong

Take Your Time (GxG)Where stories live. Discover now