CHAPTER THREE

10.2K 239 2
                                    

Raine's POV

Wednesday

Same routine.

Pagkatapos kong mag breakfast ay nag paalam na ako sa parents ko at pumunta na sa school

Naglalakad ako ngayon sa corridor at nakasalubong ko si Tiffany ngumiti sya sa 'kin. Pagkalapit niya ay niyakap niya ako at binati so I did the same

"Saan ang punta mo?"tanong ko sa kanya

"Bibili sana ako ng pagkain para mamaya kasi you know may meeting tayo ngayon" sagot naman niya

" Tara samahan na kita" sabi ko tsaka kami pumunta sa cafeteria. Pagkatapos bumili ay dumiretso na kami sa gymnasium, marami-rami na ring students ang nandon. Umupo kami kung nasaan ang section namin.

Pinakilala lang ng President ng Student Council si Dean Lorenzo Weston,sya ang may ari ng school sya din ang Dean.

" You know naman kung bakit nandito tayong lahat " taas-kilay na sabi ni CJ. Lalaking dyosa kasi sya pero mukang hindi naman sya maldita, ganyan lang talaga siguro sya mag salita.

"Sabi ng Dean natin ay kailangan lahat ng students dito ay may sasalihang club so mamayang 2:00 pm ay oras na ng clubbing." pagpapatuloy pa ni CJ.

"Para sa mga transferees na hindi pa alam kung anu ano ang mga clubs, so these are the following :
Music Club,Arts Club,Science Club,Sports Club, may Dance Troupe din at sa mga gustong sumali sa Campus Journalist Magpalista lang mamaya." dugtong pa ni CJ tsaka tinapos ang announcements.

Bumalik na kami sa classroom namin at tsaka nag start na ang class.

" Anong sasalihan mong club Raine?" Tanong ni Tiffany habang nakikinig sa teacher

"Sports Club at Campus Journalist."sagot ko sa kanya "Ikaw, anong sasalihan mo?" dugtong ko, she just shrugged saka sumimangot.

"Campus Journalist lang siguro ang sasalihan ko,hindi naman kasi ako masyadong into sports at sure ako maraming studyante sa Music Club mamaya,kung sa Dance Troupe naman hindi ako marunong sumayaw alangan naman sasali ako diba ano ako dun alien?" mahabang sabi niya napatawa naman ako nang mahina ang cute niya lang she pouted after niyang sinabi yun.

Nagpatuloy lang ang klase tsaka nag bell na para sa lunch,nandito kami ni Tiffany sa cafeteria

"CJ!" Tawag pansin ni Tiffany kay CJ, yung president sa Student Council. Nilingon naman sya nito. Kaklase namin si CJ pero hindi kami nagkakausap it's because we're not close and name niya lang alam ko at malay nya din kung anong pangalan ko diba?

Pagkalapit ni CJ ay ningitian niya kami kaya nginitian din namin sya,kasama niya ang kaibigan niyang mukhang lalaking dyosa din.

"Hi Tiffany!" bati nila sa amin unang binati ni Tiffany sila.

"Oh, Raine let me introduce you to them. CJ,Jino..this is Raine. Raine, CJ and Jino." pagpapakilala ni Tiffany with hand gestures.

"Hello! dito na kayo umupo"sabi ko naman.

"Yieee friendly ka naman pala Raine" na-excite na sabi ni CJ.

Napangiti nalang ako sa sinabi niya. They took their seats and nakipag-kwentuhan na kami. They asked me about basic things like, ano mga hobbies ko and everything.

One thing na tinanong nila sa akin at hindi ko sinagot honestly is kung nagka-boyfriend na ba daw ako. I just don't want to talk about the past kaya nagsinungaling ako.

"Oowws?!?? sa ganda mong yan teh? wala man lang nangliligaw??!" hindi makapaniwalang tanong ni CJ.

"hay nako! kung ako sayo girl, lalandiin ko lahat ng mga lalaki IN and OUT of campus!" natawa kaming lahat sa biro ni Jino.

Take Your Time (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon