CHAPTER TWENTY-THREE

4.7K 123 6
                                    

(** My dear readers, sorry at hindi ako nakapag-update kasi nag-brownout,only in the Philippines..so sorry po xxallthelove💕**)

Claurent's POV

" Hala, malapit na pala mag Intramurals!" excited na sabi ni Clark.

" Oo nga noh? Pero wala paring announcement si coach tungkol sa line-up." sagot ko habang ina-adjust yung snapback ko.

" Hmm. Feel ko mamaya pa niya ia-announce." sabi naman ni Loui.

" Huh! Siguradong maraming mapipili mula sa intermidiates. Galing ng trainor nila eh!" I boasted at natawa naman sina Clark at Loui.

" Mukha mo Claurent! Mas magaling pa kaya kami mag-train kesa sayo! Tingnan mo lang yung mga newbie, mas magaling na sila kesa sa mga hina-handle mo!" ganti naman ni Clark.

" Hoy, wag mo maliitin si Raine! Sa skills niya ngayon, mukha na siyang advanced, diba Nate?" tanong ko kay Nate, na ngayon ay as usual, nakayuko sa cellphone niya. Pangiti-ngiti pa yung tukmol.

Loui threw him a crumpled paper at dahil dun ay napa-tingin siya sa amin. We gave him a look at clueless naman siya.

" Ha?" yun lang ang nasabi niya.

" Hakdog, Nate." pambabara ni Clark sa kanya at natawa naman kami ni Loui.

" Sabi ko, mas gumagaling na si Raine ngayon at pwede na mag-advance," sabi ko ulit.

" Ah, oo. Oo naman." sagot niya at bumalik naman agad yung atensyon niya sa cellphone niya.

May ka-chat ata 'tong arabo -_-
Hindi ma-istorbo eh.

" Teka, nasan ba si Ethan?" biglang tanong ni Loui.

" Oo nga, kanina pa missing yung tukmol na yun." dagdag ko.

" Ah, sabi niya kanina magpapa-tutor lang daw siya kay Raine since walang magaling sa atin sa math." natawa naman si Clark sa last part ng sagot niya.

Bahagya naman akong nalungkot dun. Mabuti pa yung mga kaibigan ko, nakakasama pa si Raine. Na-miss ko na din siya.

Eh, ako ba na-miss nun? I don't think so.

But if she wants space, then I'll let her take her time. I'm willing to wait. Kahit sa dulo pa yan ng walang hanggan, hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman. Kahit matapos pa ang magpakailanpaman, ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig.

O diba, gumamit na naman ako ng lyrics? Lol.

Sabi nga nila diba,
When you're happy, you enjoy the music
When you're sad, you understand the lyrics..

Putek, sad na kung sad.

Nakakamiss din kasi si Raine.
Yung kakulitan niya. When she calls me Shane. When she just hugs me pag nagagalit ako. When she lets me hold her hand wherever we're going. When I jokingly say na ayokong kumain ay lagi niya akong sinusubuan.

Nami-miss ko na din yung inii-spoil ko siya. Prinsesa ko siya, ba't ba? Kahit walang kami, gusto kong alagaan yun.

Magkaibigan pa lang kami sa lagay na yun diba? Pano pa kaya kung mag-jowa na?

Whoah, Claurent. Chill. Masyado kang advance thinkening.
Putek, ano na 'tong pinag-iisip ko..

" Nate, kamusta na yung secret admirer mong si Emoji ?" natauhan naman ako nang biglang nagtanong si Loui.

" A-ah, eto. Binigay yung number niya. She seems nice nga eh." sagot ni Nate habang abot tenga naman yung ngiti niya.

Luh? Ganito kiligin 'tong gagong 'to? Hahaha muntanga..
I chuckled at my own thoughts.

" Oy, pakilala mo na yan sa'min!" sabat ni Clark.

" Dude, hindi pa nga siya nagpakilala sa 'kin diba?" Nate rolled his eyes at Clark.

" Bakit daw? Ano namang masama kung magpakilala siya?" tanong ulit ni Loui.

" Di ko alam. Sabi niya natatakot daw siya magpakilala. Baka kasi daw may masirang frienship. Ewan." Nate just shrugged and went back to his phone.

I ignored the slight feeling in my stomach. No. I won't overthink. Hindi ako mag-iisip ng kung ano-ano. Nate and I promised not to fight over this again.

Syempre hindi yun si Raine, diba? Hindi na nga siya pinapansin ni Raine eh.

Baka kasi daw may masirang friendship.

Shit. 'Di ko talaga mabura sa isip ko. What does that mean? It can't be Nate and I's friendship.

I mean, marami kayang ibig sabihin yun, diba?

Pwede namang may kaibigan din si Emoji na gusto din si Nate kaya ayaw niyang magpakilala.

Tama. Yun yung ibig sabihin. Emoji also has a friend who likes Nate. She doesn't want to lose her friend kaya she decided to keep it secret.

Hindi si Raine yun.

----------

" Okay, may I have your attention please.." coached started and we all settled down as we're all gathered at the locker room.

" So, as I was observing all the trainees last time, I have decided to make some changes," he paused before he continued.
" Dominic, Julienne, and Mia..you will be pulled out from the newbies and you'll now join the intermidiates. Matty and Raine, you'll now go to the advanced which will be handled by Nate and Ethan." nagulat naman kami sa announcement ni coach. Nagtinginan kaming lahat and I caught a glimpse of Raine. Bago paman niya ako mapansin ay binaling ko na ang tingin ko.

" Yung mga na-pull out, nilipat ko na kayo dahil napansin kong hindi na fit sa skills nyo yung pina-practice nyo. Kaya yung mga natira, you have to work hader..improve your skills..and hopefully, lahat ay mapupunta na sa mga advanced. Okay, understand?" mahabang paliwanag ni coach.

Nakita ko namang natuwa yung mga natawag ni coach habang dismayado naman yung mga hindi.

Nakikita ko rin sa peripheral vission kong umapir si Ethan kay Raine.

Luh. Medyo nagselos ako dun ah.

Well, wala akong magagawa.

Walang kami eh. May karapatang magselos pero walang karapatang magreklamo.

Nang i-dismiss na kami ni coach ay agad naman akong pumunta sa side namin sa field. Medyo malaki kasi ang field kaya hinati ito sa tatlo; practice area ng mga newbie, intermidiates at advanced.

Tumakbo na ako sa area namin at pumito. Dali-dali naman tumakbo ang mga intermidiates  papunta sa harapan ko.

May mga bagong mukha akong nakikita. Pero hindi naman pagmumukha nila ang gusto kong makita eh.

Don't get me wrong, masaya ako para kay Raine na nasa advanced na siya ngayon. Pero nakakamiss yung mukha niya eh. Kahit nga hindi ako pinapansin nun, basta makita ko lang siya, okay na ako.

Pero again, walang magagawa ang pambansang pogi niyo.

------------
Hey! Like the story? Give it a star! 😊😁 and leave a comment!😁

xxallthelove💕

Take Your Time (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon