CHAPTER TWENTY EIGHT

4.6K 105 6
                                    

(** just imagine the song☝☝ as Claurent's mood guys :)**)

Claurent POV

Wala akong ganang kumain sa bahay kaya naisipan ko na sa school nalang kumain.

Pagkarating ko sa school ay pumunta agad ako sa room at nandito na siguro ang mga tukmol kong mga kaibigan

Nandito na kasi ang bag nila except kay Ethan. Male-late siguro sya. Inilagay ko nalang ang bag ko at dumiretso sa cafeteria. Nandun pala silang tatlo at nilapitan ko sila

"Good morning dude" sabay nilang sabi kaya tumango nalang ako bilang bati

"Hindi kayo kumain sa inyo?" tanong ko

"Hindi eh" sabi ni Clark

"Wala akong gana" sabi ni Nate

"Hindi rin ako kumain sa bahay trip ko lang dito kumain" si Loui

"Tsk! sige order lang ako mga dude" sabi ko at pumunta sa counter. Umorder na ko tapos ay umupo ako sa tabi ni Nate at sinimulang kumain.

"Saan si Ethan?" tanong ni Clark

"Ewan ko lang saan sya pumunta pero andito na naman sya sa school nagmamadali ngang pumasok dito!" sabi ni Loui

"Weird" sabay naming sabi ni Nate

Tinuloy lang namin ang kain habang nag kukwentuhan..maaga pa din naman.

"Saan pala sila Tiffany?" rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Nilingon ko ito at nakita ko sila Raine at Ethan.

"Huwag mo kong kausapin!" irap sa kanya ni Raine at naman natawa sya bago niya kami nilingon

"Good morning mga dude.....oh hindi din kayo kumain sa inyo?!" gulat na tanong naman ni Ethan kaya tinignan kami ni Raine isa isa

Uh oh!

Napayuko naman ako.

Lagot na!
napabuntong hininga naman si Raine tsaka umupo sa tabi ni Clark

"Morning Raine" sabay na bati nila Loui, Clark at Nate

"Mmm.." yun lang ang sagot niya.
Nilingon namin si Ethan na kibit balikat lang ang sagot

"Ano tutunganga ka nalang dyan?!" sabi ni Raine habang tinignan si Ethan na nakatayo pa rin. Kumilos naman ito at pumunta sa counter.

"Are you okay Raine?" tanong ni Loui.

"Mmm..naiinis lang ako kay Ethan!" sabi nya. Tahimik parin kaming tatlo

"Bakit?"

"Sobrang aga pa naman tapos pumunta sya dito nang hindi pa kumakain! " naiinis niyang sabi, ang cute niya magalit!

Ganyan talaga sya kapag hindi ka nag breakfast before going to school. Kahit maaga pa maiinis talaga sya, pero kapag late naman hindi sya maiinis.

Ganyan din sya sakin noon

Nang maka balik si Ethan ay tumabi sya sakin at kumain. Tumunog naman ang phone ni Raine

"Hello...yeah...oo...nasa cafeteria..yeah see you...love you too...bye" sabi niya habang may kausap sa phone

Hmmm....love you too?

Boyfriend niya ba yun?

Ay putcha Claurent, wag kang baliw

Napakunot noo nalang ako..may gusto sana akong tanungin pero wag na lang pala kaya nanahimik na lang ako.

Take Your Time (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon