CHAPTER THIRTY-TWO

4.5K 128 22
                                    

Nate's POV

Alam niyo yung feeling na kahit alam mo sa isip mo kung sino ang gusto mo pero magkaiba naman ang sinisigaw ng  puso mo?

Yung feeling na naguguluhan ka kung sino talaga ang gusto mo? Hindi din naman maaaring dadalawa dalawahin sila diba? nakakagago na...

Kanina nakatingin ako kay Raine at Claurent.

I even saw Claurent kiss Raine's forehead.... may kunting inis pero when they teased Ethan about being close to Raine, that's the time I felt something wierd and I can't even explain.

Parang ang wierdo ko na! takte

Si emoji din hindi na nag tetext sakin wala tuloy akong ganang gumamit ng phone!

Ano ba ang nangyayari sakin can somebody explain?!

And I have to figure it out if si Raine ba talaga si Emoji

Hayyyssss ang gulo na! bahala na nga!

Napatingin ako kay Ethan na kanina pa pala tumatawag sakin..kararating lang niya galing paghatid kay Raine...Nandito kasi kami sa bahay ni Loui to hang out as usual.

"Okay ka lang?" tanong ni Ethan sabay upo sa tabi ko

"Mmmm...ayos lang ako"

"Weh!? parang di naman"

"Okay nga lang kulit din ng lahi mo!"

"Hahahahaha" tumawa naman ang loko.

"Bakit ang tagal naman ni Claurent?" tanong ni Loui

"Ewan" sabay naming sabi kaya natawa si Loui

"Oh eh bakit naman ang tahimik niyong dalawa dyan?? LQ!??" nakakalokong tanong ni Clark

"Gago!!!LQ mo mukha mo!!" sigaw ko sa kanya at tumawa silang dalawa habang si Ethan naman ay naka tingin lang sa phone niya

Problema niya?!!

"Ayy siguro nagseselos si Nate kasi puro nalang cellphone si Ethan" tudyo ni Loui

"Pansinin mo naman kasi si Nate dude!" sabi ni Clark kay Ethan

Napasmirk naman si Ethan sakin tsaka umakbay

"Huwag ka ng magselos love...ikaw naman mahal ko eh" sabi niya sabay kindat umiwas naman ako ng tingin

"S-Shut up!!"

"Uyyyy hahahhaha takte!! nauutal pa talaga si Nate dude" natatawang sabi ni Clark

"Magkaaminan nga tayo dito!! ano may gusto ka ba kay Ethan huh Nate?!" si Loui

"W-What the!! tigilan niyo nga ako" sigaw ko sa kanila

"Hahahahaha amin amin din kasi Nate halata naman eh!...malay mo gusto ka rin ni Ethan" si Clark na naman sinamaan ko sila ng tingin

"Kapag ako hindi niyo tinigilan...uupakan ko na talaga kayo!!"

"Sa amin naiinis ka kahit tinutukso ka lang namin samantalang kay Ethan na nakaakbay sayo ni hindi ka man lang nainis...kaya ka nahahalata eh!" biro ulit ni Loui

Ngayon ko lang din naalala na naka akbay pala sakin si Ethan nakangisi lang ang loko kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya inalis niya ang kamay niya

Mas lalo tuloy natawa sina Loui at Clark kaya tumayo ako at pumunta sa kusina nila Loui at kumuha ng tubig
at tsaka sumandal sa counter.

Ano bang sinasabi ng mga tukmol na yun?!

"Dude" napalingon ako sa nagsalita...si Ethan pala

"Ano?" malumanay na sagot ko tumabi naman siya

"May gagawin ka ba bukas?"

"Wala naman....bakit?"

"Lalabas kami ni Raine bukas sama ka?" nakangiting aniya

"Ahh...pag iisipan ko"

"Nga pala kumusta ang kapatid mo?" tanong naman niya....

"Okay lang naman siya...makulit as always"

"Kailan pala sila uuwi dito?"

"Next month" sabi ko at tumingin sa kanya "Close talaga kayo ng kapatid ko noh" ngumiti naman siya tsaka tumango

"Namimiss ko na nga kakulitan niya dude"

"Yeah...alam mo ba nung nag skype kami hinahanap ka kesyo bakit wala ka daw sabi ko naman busy ka"sabi ko at nag  kibit balikat

"Hahahaha bakit mo naman sinabing busy ako ang OA pa naman nun!" natatawang sabi niya natawa din naman ako

"Yeah right dude...sabi pa nga niya
'Kuya I think kuya Ethan didn't like me na cause he didn't even talk to me through skype' " natawa naman siya sa sinabi ko

Yeah..close talaga sila ng kapatid ko na si Sofia

"Sige makikipag skype ako sa kanya mamaya"

Bigla naman sumunod ang mga tukmol kong kaibigan at kasama na nila si Claurent

"Kayo ah.... solo pala gusto niyo" nanunuksong sabi ni Loui

"Sorry if we disturbed the both of you " si Clark

"Eh kung sapakin ko kaya kayo!!..." naaasar na sabi ko at nag si tawa naman sila.

They raided the fridge, which Loui didn't mind cause it happens a lot, before going back to the living room.

Namumula parin yung mga pisngi ko dahil sa panunukso nila kanina.

I decided to just shrug it off and drank some water.

I can't help but think about what Ethan said.

Lalabas sila ni Raine bukas? Tas isasama ako? Ano 'to gagohan? Nananadya ba sya?

Ulol.

Alam ba niyang naiinis na ko sa mga pinapakita niya?

One time, makikipag-landian sya kay Raine..then the next, ako naman yung lalandiin niya?

Shit, nagagaguhan na ako.

Baka hindi na ako makapag-pigil...

--------
Like the story? Give it a star!
and leave a comment!

xxallthelove💕

Take Your Time (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon