CHAPTER THIRTY-EIGHT

3.5K 95 1
                                    

Raine's POV

Last night was very blurry. I could not remember anything except crying. I did not let my parents know, of course. Mag-aalala lang ang mga yun sakin.

Today, it's 6:00 am and I have to get ready para sa awarding namin.

Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay pinilit ko ang sarili ko na bumangon at maligo.

Dali-dali na akong naghanda at kumain before ako nagpaalam kina mommy at daddy. I told them I could manage to drive myself to school at hindi nalang sila nag protest.

------------------

Ethan's POV

" Oy---oy!! HAYY!!! Tangina naman Claurent! Anubayan!!!!" pagmamaktol ni Clark as he smashed the controller on the sofa.

" Dude, easy..alam naming mayaman ka pero wag mo naman sirain yung controller mo." Loui chuckled.

" Gago, palibhasa kasi panalo kayo ni Nate! Eh, etong si Claurent walang kwentang ka-ally! pangalawang beses na kaming natatalo! Magpalit naman tayo!" reklamo pa ni Clark.

" Eh kasi...kung saan saan nalang lumilipad ang utak niyan kaya kayo natatalo." ani Loui. All eyes went on her which made her uncomfortable.

" Tinitingin nyo?" kunot-noo niyang tanong. No one dared to answer her so she just shook her head before standing up. " Tsk! Kayo na nga lang muna jan! Nagugutom ako."

It seems to me na ako lang naka notice that there's something wrong kay Claurent.

Iaabot na sana ni Loui yung contoller na ginamit ni Claurent sa akin pero bago paman iyon ay nakatayo na ako para sundan si Claurent.

" Oh? ayaw mo?" tanong ni Loui at hindi ko nalang siya pinansin.

" Tangina kayo, ba't pa kayo pumunta dito, eh ayaw nyo naman pala maglaro!" narinig kong reklamo ni Clark

As I entered Clark's kitchen, I immidiately saw Claurent sitting on the countertop while chewing on a slice of pizza absentmindedly. She probably didn't see me come in, kasi nakatulala lang siya.

As I went near her, I slapped her knee which was exposed as she was wearing ripped jeans.
" Hey, bumaba ka jan, makita ka ni tita nyan, pagagalitan ka nun! Pasaway ka talaga!" biro ko sa kanya at napangiti lang siya ng bahagya.

" Oh, napansin ko these past few days..lagi nalang problemado yang mukha mo. Ano bang problema?" tanong ko sa kanya.
" Tsaka, wag mo kong masagot-sagot ng 'wala' ah, mahahampas kita," I half-meantly joked.

" Tsk. Si Ace kasi."

" Bakit?"

" She-she quit the team." nagulat naman ako sa sinabi ni Claurent. Si Raine?! Umalis na sa team?!

" H-ha?!! Bakit daw?!"

Napakamot naman si Claurent sa ulo niya, " Eh..kasalanan ko eh. Sinabi ko sa kanya na...kung mas bibigyan lang din naman niya ng importansya yung schoolpaper edi sana nag quit nalang siya sa team para hindi na sya magipitan ng time."

" Gago ka! Ba't mo naman sinabi yun?!" galit na tanong ko kay Claurent. Siraulo talaga tong mukong nato! Sabihan ba naman si Raine ng ganun!

" Hey..hey, sorry na..magso-sorry nga sana ako sa kanya eh." sincere na paliwanag ni Claurent kaya kumalma naman ako ng konti.

" You better be. Hindi din naman madali para kay Raine. On monday I want to see you apologize sa kanya, and convince her na bumalik sa team. We need her." aalis na sana para bumalik sa lounge nang magsalita ulit si Claurent.

" Nami-miss ko lang naman siya."

I turned to look at her at hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Sa mga mata ni Claurent ay may namumuong mga luha at halatang pinipigilan niya ang mga ito. Lumapit ako sa kanya.

" Lagi nalang kasi ikaw kasama niya. Hindi na siya masyadong sumasabay tuwing lunch..tas ayaw na niya magpahatid sakin, gusto niya ikaw na maghatid sa kanya. Tas lagi pa kayong magkasama. Tas may pa 'babe babe' pa kayong nalalaman, ang laswa nyong pakinggan.,alam nyo ba yon?" she sounded like a kid. As much as I want to roll on the floor and laugh, ayokong mapagkamalang baliw, so I just let out a chuckle.

Kumunot naman ang noo niya at halatang naiinis, " Umamin ka nga, kayo na ba?"

" Gago, hindi ah" I snorted.

" Suntukin kita jan eh," she retorted, and may mga binubulong pa siyang profanities na di ko naman narinig. Parang bata haha.

Lol, kawawa naman tong gagong to. Di alam na wala akong attraction sa mga babae. Sige na nga, sabihin ko nalang sa kanya.

" Dude?"

" Ano?!" naiinis niyang sagot.

" I don't roll that way." I grinned at her. Her face softened. Napalitan ng gulat ang expression niya.

" Are you shitting me?!" gulat niyang tanong.

" Dude, this isn't something na jino-joke lang. Of course I'm serious, I wanted to keep this a secret pero ayokong makita kang nags-struggle by gettig jealous of Raine and me." paliwanag ko sa kanya.

" Tangina ka, you could have told us, alam mo namang maiintindihan ka namin! Ako nga tinanggap nyo eh!" she looked at me like I'm silly.

" Hindi kaya madali..lalo na pag--"

" HOY BWESIT KAYO BUMABA KAYO JAN MGA GAGO PAG NADUMIHAN YAN MAGDAMAG NYO YANG LILINISIN TANGINA KAYO!!" I was cut off nang biglang nambulyaw si Clark sa amin. Nakita niya kasi kaming umuupo sa countertop.

Dali-dali naman kaming bumaba ni Claurent at sabay kaming tumatawa habang hinahabol kami ni Clark.

" Mga gago kayo! Patay kayo sakin!!" sigaw pa nito habang dala-dala yung wooden spoon.

" Yan!! BATUHIN MO YAN!! SIGE!!

" LAKASAN MO DUDE!!!"

" TARGETIN MO YUNG ULO!! YAN KASI WALANG KWENTA KALARO!! HAHAHA"

Pinagtawanan na lamang kami nina Loui at Nate.

Habang kaming tatlo ay parang mga batang naghahabulan sa lansangan.

Maya-maya ay natigil kami bigla nang magsalita si Loui.

" Oy mga tukmol!" Lumingon kami lahat sa kanya,











" Panalo sina Raine at Tiffany!!" he cheered and before I knew it, everyone went wild.

Tinapik ko si Claurent sa balikat at lumingon naman siya sa akin.
" Fix everything with her." I mouthed.

" I will." she mouthed back before smiling.

--------------
Hi everyone! Kamusta kayong lahat!
Pasensya na kayo kung natatagalan minsan ang update ah! Nababaliw na din kasi ako sa sobrang dami ng projects and assignments namin eh!

Oo nga pala! MAY MGA PREDICTIONS BA KAYO SA MAGIGING ENDING NG STORY NATO??I-COMMENT NYO NA!!! YIIEE SIGE NA..NAHIHIYA PA EH!!



xxallthelove💕

Take Your Time (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon