CHAPTER EIGHTEEN

4.5K 115 6
                                    


Raine's POV

Nasa cafeteria kami ngayon kasama lahat ng mga kaibigan ko.
Nasa left side ko si Nate habang nasa right side naman si Claurent. I noticed na hindi nagpapansinan ang dalawa.

Na-curious naman ako kaya naisipan ko na kausapin si Nate privately mamaya after class. Kahit inamin na sa akin ni Claurent na nagseselos siya pag nakikita niya akong kinakausap si Nate, kailangan ko parin 'tong gawin.

" Hey Nate, may tanong ako." I nudged his elbow na naka patong sa table.

" Ano yun?" tumingin siya sa akin.

Huminga ako ng malalim and prepared for their reactions.
" Ano'ng type mo sa isang tao?"

And just what I have imagined ay nagulat ang lahat sa tanong ko. Pati ang mga kamay ni Claurent na noo'y naka-hawak sa akin ay bahagyang humigpit.

" Uyyy, tinatanong!!" pang-aasar sa akin ng mga kaibigan ko while Claurent's friends just laughed awkwardly.

Seriously, ano'ng meron?

" Ba't mo naman naitanong?" pagtataka niya.

" Sagutin mo nalang kasi," I acted like it was just a normal conversation.

" Well.." he started, all eyes were on the both of us at naramdaman kong unti-unting binibitawan ni Claurent ang mga kamay ko. Hindi ko nalang pinansin.

"....first, gusto ko yung matalino, sporty, mabait tsaka kahit di maganda basta cute. Gusto ko din magaling sya sa soccer. Most imortantly dapat patient siya and may sense of humor." sabi niya habang tumitingin siya sa akin the whole time.

It may have made me blush but I'm not falling for it.

" Whooh teh! Ikaw yan! Ikaw na ikaw!" pang-aasar ulit ng mga kaibigan ko especially CJ at Jino.

" Shut up guys, I was just asking."  pinatahimik ko sila but it's no use. Their teasing only got worse kaya napa-facepalm nalang ako.

As soon as the bell rang ay sabay-sabay naman kaming napatayo. Papa-alis na sana ako nang bigla akong pinigilan ni Claurent.

" Nalaman mo lang kung ano'ng type ni Nate, di ka na magpapahatid sa akin?," natigilan ako sa sinabi niya. Jealousy was prominent in her voice.

Shems, muntik ko nang makalimutan. Every after lunch narin pala niya ako hinahatid sa classroom ko kahit alam niyang pwede naman akong sumama kina Tiffany at Jino. Ewan ko nga ba sa kanya, sabi niya it's her way of showing her affection towards me. Di nalang ako tumutol sa kanya kasi baka magtampo pa.

" Shane, yan ka na naman eh." I whined. Niyakap ko siya, which happened a lot lately. Hindi ko alam pero I think it calms her down everytime I do that.

" Nakalimutan ko lang kasi eh, and I have so many things going in my head." paliwanag ko sa kanya habang tinitingala ko siya.

She looked down at me with a frown, " Like Nate?"

I tutted before hugging her even closer, " Shanee...no. It's not that. I'm sorry okay? Sorryyy.." I looked up at her with puppy eyes.

I didn't look away until she gave in. Napa buntong-hininga nalang siya," Hayss.. pasalamat ka cute ka." she rolled her eyes but I catched her smiling.

" Tara na, ihahatid mo pa ako diba?" I pulled away from the hug habang inaabot yung kamay niya. She held it and the warmth of her hands almost made me contented.

Na-realize ko na kami nalang pala ang naiwan sa cafeteria kaya umalis na kami.

------------

Nag ring na yung bell, sign na it's the end of last period. Nagmadali akong lumabas ng classroom at hindi na ako nakapag-paalam kina CJ at Tiffany.

I quickly made my way sa room ng 4-C. Hindi ko makita si Nate sa loob ng classroom nila. Iilan na lang rin yung nasa loob kaya nagtanong nalang ako sa isa sa kanila.

" Omg, it's Raine Ace Caldwell. "
" Siya nga! "
" Ang ganda niya talaga, no wonder kung bakit siya nagustuhan ni--"

Hindi ko na pinakinggan ang bulong-bulungan nila.

" Uhm..hello, alam nyo po ba kung nasaan si Nate?" I awkwardly smiled at them.

" He went out with his friends kanina eh..to get ready for their practice. Baka nasa locker room pa siya. Usually kasi siya yung pinaka matagal mag-ready." sabi nung isang classmate niyang babae.

Tumango naman ako at nginitian siya, " Aah, sige salamat." 

Lumabas na ako at nagmadaling pumunta sa locker room. Kailangan ko siyang maabutan. May kailangan ako'ng malaman and I'm not gonna let this day end hanggang sa di ko ito ma achieve.

Binilisan ko sa paglalakad at nang makarating ako sa locker room ay napa talon ako sa tuwa dahil nandun nga si Nate. Sakto, siya nalang mag-isa. Nagsusuot siya ng sapatos at mukhang may problema siya.

I cleared my throat para malaman niya yung presence ko, " Ehem.."

Nagulat naman siya at nang malaman niyang ako pala ay ngumiti," O-oh! Ikaw pala Raine! Why aren't you changing? Wala ba kayong practice?" tanong nito sa akin.

" Ah, meron pero pinuntahan muna kita kasi may gusto akong itanong sa'yo." napa-kunot naman yung noo niya sa sinabi ko.

" Ano naman yun?" tanong niya.

" I just noticed lately na hindi kayo nagpapansinan ni Claurent. May problema ba?" natigilan naman siya sa tanong ko. His smile dropped and it turned into a frown.

" It's nothing." maikli nitong sagot.

" Nate, you know you can tell me. You two are clearly not in good terms and I don't want you guys to be like that." pag-aalala ko.

" Just- promise me na hindi ka magagalit sa sasabihin ko." bakas ang kaba sa tono ng boses niya kaya tumango nalang ako.

Huminga siya ng malalim before saying, " Claurent likes you."

" I already know that. She told me." nabigla naman siya sa sagot ko. I don't get it, what made him so surprised?

" She-she told you?!" hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

" Nate, why are you so surprised?" nagtatakang tanong ko.

" Raine I like you too! "

Ngayon, ako naman ang natigilan sa sinabi ni Nate. Yung parang biglang huminto yung pag-ikot ng mundo sa sarili niyang axis? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Nate.

I did not expect this. I did not expect all of this. What is it with me that makes other people like me?

I'm nothing special.

" Raine, I've started to like you since we met. Yung ganda mo..it's just irresistable. You're always so nice to me. Tama sina CJ at Jino. Ikaw ang type ko."

Hindi. Hindi 'to pwede. This is not happening. I can't fall for this guy. I promised myself. Not with another guy.

" N-Nate, hindi ka pwedeng magkagusto sa'kin, marami pa namang iba jan eh. M-malay mo, andyan lang siya sa tabi, hindi mo lang napapansin." I tried to reason out.

" But Raine...ikaw lang yung gusto ko---" Nate's words was cut off nang marinig ko yung pito ni Claurent.

" Shems! I-I gotta go.." nagmadali akong umalis para magbihis.

Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala nagva-vibrate yung cellphone ko.

They were texts from Claurent, asking me kung nasaan na ako. I put my phone inside my backpack and stuffed it in the locker.
Binilisan ko ang pagbihis at tumakbo na sa field.

As I was approaching the field, I immediately saw the slight anger in Claurent's face. Huminga ako ng malalim before joining the line.

I'm sure as heck I'll be bombarded with questions after this.



---------

Hey! Like the story? Give it a star! 😊😁 and also leave a comment😁

xxallthelove💕

Take Your Time (GxG)Where stories live. Discover now