Chapter 19

2.3K 67 12
                                    

© Shupershimmer

“Wala namang sigurong masama sa gusto ko?”

Nginisian niya ako tapos napatingin siya sa duluhan ng baril na tinapat ko sakanya.

“Pwede mo na sigurong ibaba ‘yan.”

“Sa tingin mo ba hindi ko alam kung ano’ng ginawa mo sa kanya, last time na nakita ka niya?” I tightened my grip. “Ano bang kailangan mo kay Irish?”

“Christian, tama na.”

Napalingon ako kay Irish na nakatayo sa labas ng passenger’s seat habang hawak ang pinto. Tinignan ko siya nang masama dahil hindi niya sinunod ang sinabi ko.

Minsan napakatigas ng ulo niya.

“Irish, bumalik ka sa loob,” utos ko, pero hindi niya sinunod. “I said get inside!”

“Boyfriend mo ba ‘to, ha? Mukha lang siyang mapera pero hindi mabait.”

“Itikom mo nga ‘yang bibig mo,” sagot ko pagharap sakanya.

“Brad, magpakabait ka naman nang konti sakin,” nakangiting sabi niya. “Kapatid ko ‘yang kasama mo, baka nakakalimutan mo.”

“Kuya, tigilan mo na ‘to,” pagmamakaawa ni Irish. “Pa’no ka nakakaikot nang ganyan? Hinahanap ka ng mga pulis!”

“Dahil sinumbong mo ‘ko,” naiinis na sagot niya.

Christian—her brother—I thought was much older than me. Twenty-eight… thirty. Mayroon siyang peklat sa kanang kamay na mukhang nasunog noon. Isa pa, napakaitim ng labi niya na parang walang minutong hindi siya nag-yosi.

“Adam ibaba mo na ‘yang baril mo!” Napansin ko lang na kanina pa pala sinigaw ni Irish ‘yon.

At first, I hesitated, but ended up following it.

“Simple lang naman ang dahilan ko nang pagsunod sa inyo, e,” sabi ni Christian habang sinusuksok ko ang baril sa lagayan. “Kailangan ko ng pera, Irish. Wala na kong makain. Wala na kong pang-yosi.”

I heard Irish’s groan of frustration.

“Ano ba naman…”

“’Wag mo sabihing wala kang pera? Syinota mo ‘tong lalake na ‘to dahil halata namang may pera siya, diba?” Tinanguan niya ko. “Kilala kita, Irish.”

“Mag-ingat ka sa sinasabi mo.”

“Pwede ba tama na?” Tumaas na ang boses ni Irish. “Wala akong pera! Pinanggagastos ko pa kay Mama! At…”

Napatigil si Irish dahil parang naubusan siya ng hangin sa dibdib. Pagtingin ko sa kanya, saktong nakatingin na siya sakin sabay baling sa kuya niya.

“At hindi ko siya pineperahan.”

“Sweet,” Christian replied sarcastically.

Irish rolled her eyes. “Pag nagpakita ka ulit samin, tatawag na ako ng pulis para mahuli ka. Alam mo mas tahimik ako pag nasa kulungan ka.”

Pumasok si Irish sa kotse kaya humawak na ako sa pinto ng driver’s seat. Bago ako pumasok, tinignan ko pa nang masama sa Christian na pabulong na nagmumura habang pumapadyak sa lupa.

I pulled back, and went out toward the highway.

After a couple of minutes na nasa byahe kami, narinig ko si Irish na napabuntong-hininga kaya nilingon ko siya. Umiiyak siya.

Di na ko nagsalita.

I didn’t like crying girls. I fucking hated it.

Naririnig ko ang pagsinghot niya though hindi naman siya maingay sa pag-iyak. Binuksan ko na lang ang stereo para hindi ko siya marinig tapos kinuha ko ang tissue roll sa lagayan sa taas.

Kinuha niya rin naman.

Pagdating namin sa tapat ng condotel na tinutuluyan niya, tahimik lang siya at halatang nagdadalawang isip na bumaba.

Maya-maya, pinatay niya ang stereo na tumutugtog.

“Hindi mo na sana ‘yon ginawa sa kanya,” sabi niya nang nakaharap sa salamin. “Hindi mo siya sana tinutukan ng baril.”

“I was trying to save you,” sagot ko.

Naiinis ako, pero hindi ko alam kung halata ba sa tono ng boses ko. Wala akong oras para makipagtalo sa kanya ngayon. Hindi sa gan’to kakitid na usapan.

“Kuya ko pa rin siya, Adam.” This time, she glared upon me. “Kahit iba ang tatay niya, kuya ko siya.”

“Kung hindi ko ginawa ‘yon, malamang tatakutin ka na naman niya. Hindi ba pwedeng magpasalamat ka na lang sa ginawa ko?”

“Utang na loob ko ba ‘yon?” she interjected, facing the front. “Hindi ko naman hiniling sa’yo ‘yon, e.”

I brushed my hair out of frustration. I heaved a deep breath.

“Wala akong sinabing utang na loob mo sakin ang buhay mo, Irish.” I was gritting my teeth already. “Sinaktan ko ba siya?! Hindi naman diba?! Tinakot ko lang din siya gaya ng ginawa sayo!”

Now, I owned the entire car. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng boses ko habang nakaharap ako sa kanya.

I hit the steering wheel using my palm.

After a few seconds of silence, she tried to speak again.

“Bakit may baril ka… nang kasama ako?” kalmadong tanong niya habang nakatingin sa mata ko.

I shut my eyes, breathed, and threw my hands in the air. “IN CASE of emergency. Jesus.”

“Emergency? Hindi appropriate ang baril sa pinuntahan natin. And who knows? Baka one time, sakin mo itutok ang baril na ‘yan.”

I would.

Her voice was obviously unsteady, and scared.

Humarap ako sa steering wheel at pinagmasdan ‘yon nang matagal. Nang kumalma ako nang konti, saka ako nagsalita.

“Magpahinga ka na; pagod ka lang kaya kung ano-anong naiisip mo.”

I heard her sigh before she unbuckled her seatbelt. Just when she’s about to push the door, I held her forearm and pulled her for a swift kiss. She was startled, but did not react.

“Bye. Sorry for this day.”

Pagkasabi ko, tumango lang siya saka naglakad papunta sa main door ng condotel. Without looking back. Hinintay kong makapasok siya sa loob bago ko pinaandar ang engine at bumalik sa bahay.

Pagdating na pagdating ko, nagbasa lang ako ng ilang e-mails—kasama ang galing kay Miguel na nireremind sakin kung ilang araw na lang ang natitira sa two weeks na palugit ko—tapos dumiretso agad sa shower.

Pagkasuot ko ng towel sa bewang, nakarinig ako ng dalawang magkasunod na doorbell.

Naglakad ako papunta sa pinto, at sinilip ang butas para makita kung sino ang nag-doorbell. Pagtingin ko, walang tao. Nagdalawang-isip tuloy akong buksan ang pinto.

Pero bago ko binuksan, kinuha ko ang baril na nakapatong sa couch.

Pagkabukas ko, wala ngang tao. Sumilip pa ako sa hallway—wala. But I found something—isang pizza box sa baba.

At first, I thought someone sent me a bomb. Pero sa liit ng height ng box, imposibleng may magkasya. Binuksan ko agad ang takip gamit ang daliri sa paa ko.

And there, I found a computerized note.  

YOU’RE FREAKING DEAD.

-your subject-

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon