Chapter 33

163K 4.5K 437
                                    

Naalala kita as one of my readers na kung makacomment ay wagas. Thank you so much.

33

Sinabi ko lang ang lugar at oras kung saan kami magkikita at ibinaba ko na ang phone. I didn’t wait for his answer. I didn’t even confirm kung dadating siya o hindi. Basta pupunta ako at maghihintay ng isang oras. Kung hindi siya darating, it’s his call.

Kaya naman, pagkatapos ng huling pasyente ko, agad akong nag ayos at lumabas na ng clinic para pumunta sa lugar kung saan kami magkikita.

Nag expect na ako na hindi siya darating kasi bakit pa siya dadating? Kaya naman medyo nagulat pa ako nung nakita ko siya na nakaupo na sa sulok ng coffee shop. And as usual, nagwala na naman ang puso ko. I took a calming breath. Kung gusto ko nang closure hindi pwedeng para akong teenager na kinikilig kapag kaharap ko na siya.

Dumiretso ako sa counter at nag order ng coffee ko bago ako pumunta sa table.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya. Hindi ko siya tinitingnan kahit na ramdam na ramdam ko ang tingin niya sa akin. Dirediretso lang akong umupo sa tapat niya at the same time trying to get hold of my emotions. Nung nakaupo na ako tsaka ako tumingin sa kanya.

“Thank you for coming. Don’t worry. This won’t take long.” Sabi ko agad. Hidni ko na tinanong kung nakapag order na ba siya, nakakain na ba siya o kamusta na ba siya? It is no longer one of my concerns. Dapat na akong masanay at dapat na itatak ko yun sa isip at puso ko kung desidido akong mag move on.

Napatingin lang siya sa akin habang nakasandal sa couch na inuupuan niya. Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya and I am starting to be conscious sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin.

“ I was hurt.” Mahinang sinabi ko tapos napabuntunghininga.

Hindi pa din siya nagsalita. Kinuha ko ang kape ko sa table para kahit papaano ma distract ako sa napaka awkward na sitwasyon namin. But it was a big mistake dahil bigla siyang napatingin sa kamay ko na ankahawk sa kape lalo na sa mga daliri ko.

Nakita ko ang biglang pag iba ng expression niya  nung nakita niyang hindi ko na suot ang singsing niya. I took it off the day I told him that we are over. Nakalimutan ko lang isauli and I made a mental note to return it to him as soon as possible.

I ignored his reaction. Ayaw kong bigyan ng meaning dahil baka biglang umasa na naman ako. Kaya ang ginawa ko, binaba ko na alng ulit ang kape at itinago ang kamay ko sa may lap ko.

“Hindi ko alam kung alam mo bang nasaktan mo na ako dahil sa pagkakaintindi ko sa sinabi mo, sa tingin mo wala kang mali na ginawa. Maybe you are not aware that you are already hurting me. Hindi ko alam kung ano ang iniisip mo at kung ano pa ang maari mong isipin pero gusto kong sabihin sa’yo ang rason kung bakit nakipagbreak ako. You are right, that maybe I don’t trust you enough. At least I admit that.” Wala pa ding reaksiyon ang mukha niya habang nakatingin sa akin at habang tumatagal mas lalo akong naiilang sa klase ng tingin niya sa akin.

“But a lie is a lie Jayson. I don’t care how big or small it is. It is still a lie at doon ako nagagalit. Hindi ko na din kukwestiyunin ang sinasabi mong prinsipyo or kahit na ano pang mga ipinaglalaban mo sa buhay. It is already beyond me.  Naiintindihan ko na magkaiba ang pag iisip nang lalaki sa babae. I may have expected too much but that is woman nature. At hindi mo rin maalis sa akin ang magalit at magduda dahil sa ginawa mo? What do you expect? Maging cool ako kahit na nakita ko na kayo ni Marianne na magkasama sa panahong dapat nasa Hongkong ka? Na magkasama pa rin kayo kahit na supposedly ay nasa board meeting ka? What kind of girlfriend would I be if I don’t react? Walang pakialam?” Hindi ko naiwasan ang hinanakit sa boses ko. Kahit na nga ba pinangako ko sa sarili na maging kalma.

“Well, maybe you’ve expected me not to care at all dahil dalawang araw pa lang simula nung huli tayong nag usap nakita na kita na kasama si Marianne. Maybe you’ve expected me not to get hurt. And maybe I shouldn’t get hurt. Maybe I should stop caring.” Kinagat ko ang labi ko to stop myself from saying anything dahil nagsisimula nang mag init ang sulok ng mga mata ko.

Pumikit ako and calm myself dahil hindi pa ako tapos magsalita. I cannot bring myself to break down right now. Not when I am nearly done. Maybe later I can allow myself to cry for my failed relationship but not now ehen I am still in front of him. 

“And so I’ve decided to do just that. To stop caring. That’s why I am telling you all this. I just want to get it off my chest. Gusto kong kahit papaano lumuwag ang dibdib ko because I wanted to move on and in order to do that I need closure. I don’t expect anything from you and I hope that after this I won’t be seeing you anymore.” Sumandal ako sa upuan at pakiramdam ko naalis ang mabigat na nakadagan sa dibdib ko.

I’ve waited for his reaction. Hinintay ko siyang magsalita pero nakatingin lang siya sa akin na parang inaanalyze ang mga nangyayari at ang lahat ng mga sinabi ko. Tumingin din ako sa kanya pero hidni ko magawang salubungin ang klase ng tingin niya sa akin. Pakiramdam ko, pag ginawa ko yun, hihigupin niya ang kaluluwa ko at makalimutan ko ang rason kung bakit nasa harap niya ako ngayon.

Yes, his gaze is lethal. Jayson have the power to make a woman fall in love with him with just his eyes and his gaze. No wonder women turned a blind eye on his mistakes.  

Hindi pa din siya nagsasalita kaya nainip na ako.

“So I think I can move on now. Salamat.” I am about to get my bag para makaalis na ako nung makita ko siyang gumalaw.

Umalis siya sa pagkakasandal sa couch and leaned on the table palapit sa akin. Mabuti na lang at medyo malayo ang distance namin kasi nga nasa magkabilang dulo kami ng couch. Pero habang ginagawa niya yun hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin.

“Roselyn, what do you think of me?” Mahinang sabi niya. His face and voice is void of any emotions.

“Excuse me?” Nagtataka namang tanong ko. Napaka out of the blue naman kasi ng tanong niya.

“What exactly do you think of me?  That I will just say yes to everything that you say?” And there was edge on his voice.  

“What do you mean?“

“What if I don’t want you to move on?” Napanganga ako pero bago pa ako nakapagsalita, itinaas na niya ang kamay niya motioning me to stop whatever it is that I want to say.

“No it is not even a question. What I am saying is, I don’t want you to move on.  I won’t allow it.” He said with conviction. 

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon