Chapter Fifty seven

9.4K 318 8
                                    

"Mason, para hindi ka na mapagod sa pabalik balik na byahe mula apartment mo hanggang dito araw araw, you should just stay in the guest room until the party and up until sa makauwi na ng Pilipinas sa makalawa sina Lora at Rodjan. I'm sure hindi ka naman papayag na mauna sila pauwi ng hindi ka kasama, di ba?"

Napatigil ang akma niyang pagsubo ng marinig ang sinabi ni Elle. Akma siyang magsasalita ng unahan siya ng masayang sigaw ni Rodjan.

"Yehey! Accept it, dad! Para dito ka na."

"Well, if you insist." Ang painosenteng sagot ni Mason na ikinalaki ng mga mata ni Lora.

She saw Elle gave Mason a knowing look. Isang nagababalang tingin naman ang iginawad niya sa dalawa. Halatang pinagkakaisahan siya ng mga ito!

"You can use the guest room beside Lora's room."

She snapped her attention towards Elle. Sunod niyang tinitigan ang kapatid upang humingi ng tulong but he just shrugged. Tila sinasabing wala itong magagawa kung iyon ang desisyon ng asawa.

Seriously?!

"Okay."

She pursed her lips. Inis na inis na napatayo siya.

"O, you done eating?"

At nagtanong ka pa!

Sinamaan niya ng tingin si Mason. "Busog na ako." She said in a clipped tone bago umalis sa hapag.

Umakyat siya sa kanyang kwarto at saka umupo sa kama.

"Kung dito siya titirai, paniguradong wala akong peace of mind.." Aniya sa sarili.

Muli niyang naalala ang namagitan sa kanilang dalawa ni Mason sa kwadra noong isang araw. Her fingers unconsciously touched her lips. They tingle by just remembering his fiery kisses.

Ibinagsak niya ang sarili sa kama. Hindi maaari ito. Kapag ganito siya ng ganito, hindi na mahihirapan pa si Mason na patunayan ang mga sinasabi nito sa kanya sa kwadra.

You still feel for me..

She grasped her head in so much irritation. Muli siyang napabangon.

"Well if that is what he wants.. then sige. Matira ang matibay.."

———————

Dumating ang oras na pinaghahandaan niya.

Oras. Dahil pagkatapos i-offer ni Elle ang isang guest room dito sa manor kaninang agahan, ni hindi man lang nag-aksaya ng oras ang damuho upang ipagpabukas ang paglipat!

"I'll just take my bags to the guest room."

"You're loving this, aren't you?"

Bahagya siyang napaatras ng humakbang ito.

"What? Me being this near you?" Bumaba ang tingin nito sa nakaawang niyang mga labi. "You have no idea." He said in a husky voice before he sidestepped her.

Dala dala ang bag, sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makaakayat ito ng hagdan.

She pursed lips. Annoyed that for the second time, he again managed to render him speechless!

Kinaumagahan, final preparation na ng party na gaganapin dito sa manor. Bumaba siya sa main ballroom upang sana ay tumulong kay Elle sa preparations. But as soon as her feet touched the entrance of the ballroom, an unpleasant sight was what greeted her. Ang maaliwalas niyang mukha pagpasok ay agad napalitan ng kulimlim sa nakita!

"Should I put this in here?"

"No, it's too high." The woman giggled. "Lower it down a bit."

"Here?"

Comrades in Action Book 4: Mason KrustovWhere stories live. Discover now