Chapter Twenty

9.9K 371 28
                                    

"What the fuck are we doing here?" Ang inis na inis na tanong niya kay Aiden na lasalukuyang nakaupo ngayon sa kitchen counter at lumalamon ng blueberry cheesecake na ang pagkakaalam niya ay para sa misis nito. Tumigil ito sa pagnguya at liningon siya na para bang ngayon lang nito napansin ang presensya niya.

Papasok na siya ng gate ng bahay nito kanina pero laking gulat niya ng bigla na lang itong lumabas ng gate na humahangos. Walang sabi sabing itinulak siya nito papasok ng kotse niya at ito na mismo ang nagdrive paalis ng subdivision. And now they're here in his pad for god knows why!

"Uhm, Talking?"

Marahas siyang napamura sa klase ng sagot nito. "Are you fucking kidding me?! Pinapunta mo ako sa bahay mo, pinabili ng lintik na cake na iyan tapos ano? Lalamon ka lang habang nakatayo ako dito ganoon?!"

Kumunot ang noo nito. "I'm not really a fan of cakes.. but I'm suddenly craving for this particular one. Hmm.. weird." Bulong nito sa sarili saka itinuloy ang pagkain. Tila nakalimutan na naman na nadoon din siya.

"Aiden.." He said in a warning tone.

Aiden sighed. Ibinaba nito ang fork sa kanyang platito at saka siya hinarap. "Dinala kita dito dahil hindi safe na mag-usap tayo sa bahay."

Kumunot ang noo niya.

"Ang ibig kong sabihin, ayokong malaman ni Nica ko ang paguusapan natin. Ipinangako ko noong ikinasal kami na hinding hindi ako magsisinungaling sa kanya pero dahil sa iyong pasaway ka, for the first time since we got married, pakiramdam ko ay nagtataksil ako sa asawa ko."

Umikot ang mga mata niya sa tinuran nito. "Quit the dramatics Aiden, pwede ba? Eh ano lang kung malaman niya?"

Umangat ang isang kilay nito saka patuya siyang tinitigan. "Trust me, if she finds out? She'll definitely castrate your dick and feed it to the dogs."

Nanlaki ang mga mata niya. "At bakittt???!"

"Because Lora's her OBGYNE as well as her dear friend. And you messed with her buddy.." Tinitigan siya nito ng mataman. "You messed with her real bad."

Napalunok siya. Ewan niya pero bigla siyang kinabahan sa sinabi nito.

"Anyway, nandiyan na iyan. Ano pa nga ba ang magagawa natin.."

Tumayo ito at saka may kung anong kinuha sa loob ng bag nito. Mayamaya pa'y nakalahad na sa harapan niya ang isang folder na may nakasulat na 'classified information' sa harap in big bold letters. Napalunok siya. Awang ang bibig na nakatulala lang siya doon.

Kanina noong nasa ospital siya, atat na atat talaga siyang malaman ang mga sagot sa lahat ng mga katanungan niya. Pero ngayong nasa harapan na niya ang mga sagot at idagdag pa ang mga discouraging words ni Aiden na talaga namang hindi nakakatulong, parang nilulukob na ng takot at kaba ang dibdib niya which is totally ridiculous!

This is not the first time that he opened and read a classified information such as this. Hell, ilang beses na niyang nakaenkwentro ang mga ganitong klaseng impormasyon noong mga panahong nasa mga misyon pa siya. Pero tangina! Ewan niya talaga pero sa partikular na bagay na 'to na nasa harapan niya, dinadaga talaga ang dibdib niya. Ayaw man niyang aminin pero natatakot siya. Naduduwag. He suddenly had a fucking realization na pagdating talaga kay Ellora, ayaw umubra ng tapang niya. He think that dealing with terrorists is far more easier and better than dealing with the said woman herself!

"Ano, tititigan mo na lang ba iyan? Paano tayo uusad niyan kung sa simpleng folder na iyan eh naduduwag ka na? Tsk."

Agad sumama ang timpla niya sa sinabi ni Aiden.

"Just shut up! Hindi ka nakakatulong!"

At imbes na mainis, nagpakawala lang ito ng isang nakakalokong ngiti. "Why? Does my incessant nagging pissing you off?" He taunted. "Good dahil sa wakas ay mararanasan mo na din ang mga naranasan namin sa iyo noong kami ang nasa posisyon mo. Do you know how many times I wished I could burry you alive and feed your decaying body to the worms?"

Comrades in Action Book 4: Mason KrustovTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon