Chapter Fifty two

8.6K 334 16
                                    


"Baby, stop crying na.."

Pero patuloy pa din sa pag-iyak ang anak niya.

"Baby—"

"I want daddy!"

Natigilan siya. Madaling araw na at hindi nagpapakatulog ang anak niya. He's never been like this before, ngayon lang.

"I want daddy, mommy.."

"D-daddy is not here baby.." She said weakly.

"Why?" Hikbi nito. "Bakit hindi na siya dumadating dito? Kinalimutan na ba niya tayo?" Her son asked and for the first time, she was tongue-tied. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.

Isang katok ang narinig niya sa pinto bago bumukas iyon. Pumasok doon ang mga magulang niya. One look at her wailing son and her parents already knew what is happening. Umupo sa kama ang daddy niya saka kinuha ang anak niya.

"Come here, boy."

"Why are you crying, hijo?" Tanong ng mommy niya.

"I want my.. my dad." Hikbi nito. "Mom, awen't we going to see daddy again?" Her son asked and the way he looked at her broke her heart into tiny pieces.

She gave both her parents a helpless look. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

"Hon, why don't you and Rodjan go sa kitchen muna for milk and cookies?" Wika ng mommy niya.

Her dad looked at her mom. Tumango ito dito saka siya binigyan ng isang makahulugang tingin na nagsasabing, "Kaya mo ito. Magpakatatag ka kasi kaya mo."

Isang tango ang iginawad niya sa ama. Pagkalabas ng mga ito, isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya. Itinakip niya ang dalawang palad sa mukha at nagsimulang umiyak.

"Baby.."

"I didn't know what to say to my son, mom. At hindi ko mapigilang makonsensiya dahil alam kong ako ang dahilan ng mga luha sa mga mata ng anak ko. Ako ang dahilan sa kalungkutang nasa mukha niya."

"Please, don't blame yourself baby.."

"But I can't help it!" Frustrated niyang wika. "Ayaw kong makita si Mason, oo. Galit ako sa kanya, oo. Pero hindi ang anak ko. Kung tutuusin walang alam si Rodjan sa lahat ng ito eh. All he want is to have his father beside him and I knew, I'm the one who's preventing that from happening. All because I don't want to see his father!"

She let out another harsh sigh. Inis siyang tumayo.

"Tell me mom, nagiging selfish na ba ako? Tama bang nadadamay ang anak namin sa problema naming dalawa?"

Ilang segundo siyang tinitigan ng mommy niya bago ito nagbawi ng tingin.

"No." Anito mayamaya.

Mariin siyang napapikit. No. Alam naman niyang dapat ay hindi.

"What am I gonna do then?" She helplessly asked her mother. "Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.."

Tumayo ang mommy niya at saka siya nilapitan.

"Right now, Rodjan's upset. Nasanay siya na laging nandiyan ang ama niya for the last few weeks. He thinks of Mason as his real dad kahit na hindi pa niya alam na siya talaga ang tunay na ama niya. And you and Mason not being together for a couple of weeks now... Rodjan might interpret it as something bad.. something wrong... He's upset because you two are not together. He's scared, baby. And it's not healthy for him.."

"So I should let my son see him." It was a statement, not a question.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ng mommy niya.

Comrades in Action Book 4: Mason KrustovTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon