Chapter Forty two

7.4K 263 3
                                    

"Mom! Dad said he won't be here until three pm!"

Mula sa pagbabasa ng magazine sa living room ay nag-angat siya ng tingin kay Rodjan. Naka-dapa ito sa carpet habang hawak hawak ang cellphone niyang nakapaskil sa tenga nito. Napabuntong hininga na lamang siya.

"Rodjan hun, what did I tell you about using my phone?"

Her son just grinned at her shespishly. "Sorry mom. I saw dad calling on your phone so I answered it."

She almost rolled her eyes at him. Tila nawiwili na talaga ang anak niyang tawagin si Mason ng daddy na hindi naman dapat. What would other people think if they heard him calling Mason daddy? Paniguradong maku-kwestiyon ang relasyon nila ni Mason. And what would she say? Na wala silang relasyon pero okay lang sa kanya na tawagin ito ng anak niyang daddy?

"Mom, dad is asking kung ano daw ang gusto mong pasalubong!"

Bumalik ang atensyon niya kay Rodjan. Napakunot noo niya. Pasalubong? Anong pasalubong? Wait, is he out of town? Bakit hindi man lang ito nagsabi na aalis pala ito ng Maynila?

She is not being strict or defensive here pero baka nakakalimutan nitong may pinirmahan itong kontrata sa kanya? And he's supposed to be doing his job today!

Tumayo siya saka nilapitan ang anak. "Can I have the phone for a minute, sweetie?"

Pagkabigay ni Rodjan ng phone sa kanya ay agad siyang naglakad papasok ng kanyang kwarto.

"It's me." Aniya sa kabilang linya.

"Lora.."

Kumunot ang noo niya ng mahimigan ang medyo pagkabulol sa boses nito.

"Are you drinking?"

"Just a bit. Nagkayayaan lang."

Namewang siya. She could feel irritation bubbling in inside her.

"Are you mad?" Ang malumanay na tanong nito.

Yes. Gusto sana niyang isagot pero pinigilan niya ang sarili. Ano naman ang paki-alam niya? Girlfriend ba siya? Di ba hindi naman?

Pero kahit na anong kumbinsi niya sa sariling hindi siya galit ay kabaliktaran pa rin ang nararamdaman niya.

"Where are you?" Sa halip ay tanong niya.

"At Aiden's."

Bahagya siyang nakahinga ng maluwag ng malaman kung nasaan ito. Pero muli ring bumalik ang pagkakakunot ng noo niya ng maalala kung bakit ito naroon.

"It's broad daylight and you're drinking? Plus you're planning to be here at three pm? It's already one in the afternoon, Mason. Ano, iinom ka hanggang alas tres tapos magda-drive ka?" She couldn't help but scoff at him.

Silence.

Bigla naman siyang natauhan. Mariin siyang napapikit.

Shit.. napasobra ata siya?

"H-hello?" Muli niyang tawag.

"Is that concern I'm sensing in your voice?" Mason asked in a teasing tone after a while.

Napabuga siya ng hangin. And here she thought inis na inis na ito sa pakiki-alam niya.

"I'm not joking here, Mason." She warned in a stern voice.

"Right.. pero beer lang naman 'to, it's not even a hard liquor."

"Kahit na." Ang matigas niyang turan. "You have your car with you and you're gonna drive. Gusto mo bang mamatay ng maaga?"

"I love it when you fuss over me, sweetcheeks." He slurred.

"Mason..."

He sighed. "Okay.. kung ikagagaan ng loob mo, I'll let Aiden's driver drive me home. Happy? Though.. I still love it when you fuss over me."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi.

"Hindi ako concerned. May pinirmahan kang kontrata sa akin at nakalagay doon na bilang bodyguard ko, dapat nandito ka at nagta-trabaho. Kaya technically, kargo kita kung ano mang mangyari sa iyo."

"Hence, the concern." He smirked.

"I said hindi ako concerned!"

"Whatever floats your boat, sweetcheeks."

Her face reddened at the endearment. "Ewan ko sa iyo!" She pursed her lips before ending the call.

"Hindi ako cencerned." Ang mahinang wika niya sa sarili pagkatapos.

Muli siyang bumalik sa living room. Naabutan niya sa parehong posisyon ang anak niya habang nanonood ng nickelodeon. Bumalik siya sa pagkakaupo sa sofa at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng magazine. Pero maya't maya siyang napapatingin sa wall clock. Mabilis na lumipas ang isang oras. Hindi pa rin niya tapos basahin ang parehong magazine na hawak mula pa kanina.

She sighed and went to the kitchen to prepare Rodjan a snack instead. Naabutan niya si yaya Rosa na nagluluto ng ulam.

"Ano iyan, ya?" Tanong niya.

"Nilagang baka. Masarap itong ulamin lalo na't makulimlim ang ulap at mukhang uulan pa ng malakas mamaya." Ang sagot ni yaya Rosa habang nakadungaw sa labas ng bintana. "Malapit naman na itong maluto."

"Oo nga ya. Mukhang uulan ng malakas mamaya.."

"Gagawa kang meryenda?"

"Opo. Meryenda ni Rodjan."

"Sige at hindi masyadong nakakain ang batang iyon kaninang tanghalian."

Gumawa siya ng sandwich at saka nagtimpla ng gatas. Bumalik siya sa sala. Saktong paglapag niya ng meryenda sa center table ng tumunog ang doorbell. Akmang lalabas si yaya Rosa mula sa kusina ng pigilan niya ito.

"Ako na, 'ya." Prisinta niya.

Pagbukas niya ng pintuan, isang naka-unipormeng lalaki ang nakatayo doon.

"Ano ho iyon?"

"Magandang hapon maam, ako nga ho pala ang driver nina sir Aiden at maam Dominica." Pagpapakilala nito. "Sinabihan ho kasi ako ni sir Aiden na sabihan ko daw po kayo kapag naihatid ko na sa unit niya si sir Mason. Medyo lasing nga po eh.." Umangat ang isang kilay niya dahil doon. "..ng konti ho ang ibig kong sabihin." Bawi ng driver sabay kamot ng batok.

She almost rolled her eyes at him dahil halata namang nagsisinungaling ito.

"Salamat manong."

"Sige maam, mauuna na ho ako."

Tumango siya sa driver.

"Sino iyon, hija?" Tanong ni yaya Rosa pagkasara niya ng pinto.

"Driver po na naghatid kay Mason 'ya." Sagot niya na ikina-kunot noo ni yaya Rosa.

"Bakit?"

"Galing ho kasi kina Aiden, eh nagkayayaan pong uminom kaya ipinahatid ni Aiden sa driver niya."

Tumango tango si yaya Rosa. Papasok na sana ito ng kusina ng bigla itong huminto at muli siyang hinarap.

"'Nak, dalhan mo kaya ng niluto kong nilagang baka iyong batang iyon? Baka sakaling mahimasmasan at mabawasan ang hangover kapag nakahigop ng mainit na sabaw."

Awnag ang bibig na napatingin siya kay yaya Rosa.

"Ho?"

"Sige na anak.. kawawa naman iyong batang iyon, paniguradong wala pang laman ang tiyan."

Nakagat niya ang ibabang labi. Pinagiisipan kung susundin ang sugestiyon ni yaya Rosa o hindi. Pagkaraan ng ilang segundo ay marahan siyang napabuntong hininga.

"Sige po 'ya. Dadalhan ko po."

Isang maluwag na ngiti ang pinakawalan ni yaya Rosa.

"Teka sandali at magsasalin ako sa tupperware."

Isang tango na lang pinakawalan niya sa matanda.

Comrades in Action Book 4: Mason KrustovWhere stories live. Discover now