Chapter Twelve

10.1K 314 15
                                    

Ang sakit ng ulo niya. Mukhang naparami ang inom niya kagabi. There are only two things to blame.. the past and the bloody bourbon.

Reminiscing the past while drinking a bloody bourbon really have a way in fucking your head real good.

Pagbaba niya sa kusina, agad siyang nagtimpla ng kape. Umupo siya sa isang stool. Itinukod niya ang isang siko sa island counter habang sapo sapo ang nananakit na ulo. Sinimsim niya ang kapeng walang creamer. Napangiwi siya ng malasahan ang paig niyon. He let out another groan.

"Good morning, buddy. Enjoying your coffee?" Came a very chirpy voice from the kitchen door. It was very chirpy for his own liking. Mas lalo lang sumama ang umaga niya.

"Shut up, Aiden." Ang wala sa mood na sagot niya.

"It's a very beautiful morning to shut up, buddy." Sabi pa nito habang hindi mapuknat puknat ang ngiti sa mga labi. Halatang nakailang ariba ang abnormal kagabi.

Pero imbes na mapangisi katulad nito, mas lalo lang siyang napasimangot. The thought of his friend having an all night sexcapade with his wife irked him to the core. His gooey smile pisses him! It pisses him like how this fucking headache is pissing him! Like how this bitter coffee is fucking irritating his taste buds! God, he's being crankier and it's ridiculous!

"Ba't ba ang sama ng tingin mo diyan sa baso mo?" Ang tanong ni Aiden na nakalapit na pala sa kanya. "Patingin nga!"

Kinuha nito ang mug at saka pinagmasdan. Kumunot ang noo nito saka uminom doon. Kung gaano nito kabilis na kinuha ang mug ay ganoon din kabilis nitong inilayo iyon.

"Fuck! What was in that fucking coffee?! A bloody Poison?! Napakapait! Pwe!"

Mas lalo siyang nabanas! "Bakit? Sinabi ko ba kasing tikman mo?! Ikaw na nga nakikitikim, ikaw pa 'tong maraming reklamo!"

"Sinasabi ko lang na lagyan mo yan ng asukal para naman tumamis."

"Pakialam mo ba! Eh sa gusto ko ng mapait eh!"

Umangat ang isang kilay nito. "Tangina okay ka lang? Ba't ang moody mo ata ngayon?"

"Hindi ako moody."

"Eh ba't ang sungit mo? Para kang babae. Magtapat ka nga, nag ho-hormonal therapy ka ba?"

"Fuck! Mukha ba akong nababakla?"

Umangat ang isang sulok ng labi nito. "Sa ugali mo ngayon? Parang.."

"Tangina mo Aiden. Lumayo layo ka sa akin ngayon kundi mabibigwasan— aw..." Nasapo niya ang sentido ng biglang pumitik iyon. Minasahe niya iyon ng ilang beses habang ang tatawa tawang si Aiden ay umupo sa stool na katapat niya.

"Alam mo, magtapat ka nga. May hindi ka sinasabi sa akin no?"

"Wala!" Singhal niya.

"Kilala kita."

"Ow? Talaga? Sorry pero hindi kita kilala eh."

"Seryoso ako, ulol. Alam kong may hindi ka sinasabi sa akin."

Sumeryoso ang mukha niya. Tinitigan niya ito sa mga mata at sa seryosong tinig.. "Anong taya ang mananalo sa loto mamaya?"

Aiden blinked. "What..?"

"Tinatanong kita kung anong taya ang mananalo sa loto tutal hula mo, may hindi ako sinasabi sa iyo. Sinusubukan ko lang kung may future kang maging madam Auring."

"Tangina mo. Pero seryoso, ano bang problema mo at ba't ka nagkakaganyan?"

Napabuga na lang siya. "Wala sabi akong problema eh."

Comrades in Action Book 4: Mason KrustovWhere stories live. Discover now