Chapter Fourteen

10K 371 27
                                    

"Mommy, wake up!"

Napangiti siya ng marinig ang boses ni Rodjan, ang kanyang anak. Pero imbes na bumangon ay isinubsob niya lang ang mukha sa unan at nagkunwang natutulog.

"Mom... wake up..."

Napangiti siya ng mahimigan ang pagkainis sa boses ng anak.

"Mom.. come on.. You promised to bwing me to gwocery stow to buy my fav'wite pankake.." Angal nito.

Tumihaya siya habang pikit pa rin ang mga mata. "But baby.. Mom doesn't seem to have the energy to stand up.. I think I need my power kisses and hugs.."

Pagkasabi niyon ay agad siyang inatake ng yakap at halik ng kanyang anak. Yinakap niya ito pabalik at saka pinaggigilan ang malalambot nitong pisngi. Bagong paligo ito at amoy baby. For sure, binola na naman nito ang lola nito para paliguhan ito at bihisan ng ganito kaaga para madala niya ito sa grocery store.

Muli niyang pinaggigilan ang leeg ng anak niya. She really loves how her son smells. Very relaxing. That baby product sure do a lot of wonders, huh?

"Ang cute cute talaga ng baby ko. Hm pahalik nga ulit si mommy anak."

"Mom, too tight.. and malelate na tayo sa gwocewy."

Napahalakhak siya sa pananalita nito. Sa edad na tatlo, magaling ng magsalita si Rodjan. Kaso nga lang, pagdating talaga sa letrang 'R' isa pa ding bulol ang anak niya.

"Okay okay.. let me just take a quick shower and then we're good to go."

"Yey!!"

Napangiti siya ng magtatatalon ito sa kama.

Pagbaba nila ng hagdan ay agad niyang nakita ang mommy niya sa kusina. Naghahanda ito ng agahan. Humalik siya sa pisngi nito.

"Morning, mom."

"Morning, sweety."

"What are you cooking?"

"Bacon, omelette and some toasts."

Napangiti siya ng maluwag. "Sounds delicious. Galing talagang magluto ng mommy ko."

Napatawa ito. "Bolera. Halika na nga dito at ng makakain na tayo."

She helped her carry the food at the dining area. Pagdating nila doon, naabutan niya ang daddy niya at si Rodjan na parehong may hawak na diyaryo. Nakataas iyon dahilan upang matakpan ang mukha ng dalawa. Halos matawa siya ng malakas ng makita ang kanyang anak na nahihirapan na sa pagtaas ng diyaryo upang matakpan ang mukha nito. His small hands failed to keep the newspaper upright. Sa tuwina'y lagi itong bumabaluktot kada angat nito doon.

"At ano namang trip ninyong dalawang maglolo diyan ha?" Puna ng mommy niya.

Rodjan's eyes snapped at them. Isang maluwag na ngiti ang pinakawalan nito.

"We're reading the news, grandma."

"Really.." She said, totally not convinced. Why would she when she saw that Rodjan's newspaper is upside down?

"Really mom. Look, ginagaya ko si lolo." Depensa pa ng anak niya.

Agad namang nagbaba ng diyaryo ang daddy niya saka bumaling sa apo.

"That's right hijo. Manang mana ka talaga sa akin. Give lolo a high five." Anito na sinunod naman ng anak niya.

Umikot na lang ang mga mata niya sa trip ng dalawa.

"Mom, sit down and eat na. Malelate na tayo sa gwocewy!"

"Grocery?"

"Yes, dad. Naglalambing iyang apo niyo kaya pagbibigyan ko lang."

Comrades in Action Book 4: Mason KrustovWhere stories live. Discover now