Chapter Fifteen

9.5K 365 16
                                    

Dahan dahan siyang nagmulat ng mga mata. Kumurap siya upang matanggal ang panlalabo ng paningin. Ang puting kisame ang bumungad sa kanya. Kasunod niyon ang puting kurtina. Mariin siyang napapikit..

Where am I?

"Mommy?"

Napamulat siya.

"Rodjan.."

Bumangon siya upang muli rin lang mapahiga ng marahan siyang itulak ng anak.

"Don't move muna mommy.. sabi ni Tito Chase you need to west daw."

Hinawakan niya ang munting kamay ng kanyang anak. "I'm fine, baby.." Muli siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama saka iginala ang paningin sa paligid.

A hospital room. She's in a hospital right now.

Pilit niyang inalala kung bakit siya nandito ngayon. And then what happened in the grocery store hit her like a raging truck.

Her son getting lost.. the panic she felt.. meeting that man again.. and then her fainting.

That man..

Ang lalaking iyon na may pamilyar na mga mata at ngiti..

Sweet cheeks.

Nasapo niya ang sentido ng biglang pumitik iyon. Just the mere thought of those two words are making her head throb in pain—Again.

How those two simple words made her faint is beyond her.

Ang ipinagtataka niya ay hindi ito ang unang beses na nakaranas siya ng ganito. Ang una ay noong isinama siya ni Chase sa Cagayan De Oro upang dumalo sa kasal ng kaibigan nito. Only during that time, she didn't faint. Nakaramdam lang siya ng kauting pagkahilo matapos makilala at makausap ang lalaking iyon.

She couldn't help but frown as she remember the first time they met..

That was the first time, she was sure of it, but the anger in his eyes while he was looking at her made her reeling back.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ito tumingin sa kanya. Na para bang napakalaki ng atraso niya dito. Na para bang ginawan niya ito ng masama.

Hindi niya matagalan ang klase ng titig nito kaya naman kahit hindi pa tapos ang selebrasyon ay nag-aya na agad siyang umuwi. At ng inakala niyang magiging panatag na ang loob niya, muli lang iyong nagambala ng mapagmasdan niya ang lugar na dinadaanan nila paalis ng ranchong iyon. The trees.. the road.. Everything was like a dè ja vu. Very unsettling.

There is just something in him and that place that bothers her.

And then the nightmares. They came again after the day she met him and she doesn't like it one bit. Hindi niya gusto ang pakiramdam na idinidulot sa kanya ng lalaking iyon. The strange feelings he brings the her l.. they're somewhat scary. Sana lang ay hindi na niya makita itong muli.

"Mom?"

Naputol ang daloy ng isip niya ng marinig muli ang boses ng kanyang anak.

"Yes baby?"

"Are you okay?"

"I'm fine.."

Muli siyang napatingin sa paligid. How long was she out anyway? Napasulyap siya sa kanyang wrist watch. Her eyes widened when she saw the time. It was already four o'clock in the afternoon! Ibig sabihin ay halos anim na oras siyang walang malay! Tiyak na nagaalala na ang mga magulang niya sa mga oras na ito!

Comrades in Action Book 4: Mason KrustovWhere stories live. Discover now