Chapter Six

10.6K 357 8
                                    

Nagising siya sa isang mabango at matigas na bagay at sa marahang taas babang pag-haplos sa kanyang braso na tila naghehele ulit sa kanyang bumalik sa pagtulog. She moaned, closed her eyes again and cuddled closer to the amazing scent. This hard pillow smelled heavenly..

Wait, what?

Napamulagat siya. Isang dibdib ang agad na sumalubong sa mga mata niya na mabilis niyang ikina-diretso ng upo. Lumingon siya sa kanyang katabi at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya sa nakita. Agad napawi ang antok sa sistema niya ng mapagsino ang taong humehele sa kanya sa pagtulog!

"A-anong... anong—"

Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin ng muling sumalampak pabalik sa matigas na dibdib nito ang ulo niya.

"Go back to sleep. You have been asleep for just two hours." Anito habang nakapikit pa rin at tila ba normal lamang ang nangyayari.

Mabilis pa sa alas kwatrong napatuwid siya ng upo.

"What the hell?!" She hissed at the man.

Dahan dahan itong nagbukas ng mga mata. She was greeted by his soft hazel brown eyes that seemed to be smiling at her as a greeting. Muntik na siyang matameme. Damn! Why did he have to own such beautiful pair of eyes?

He smiled. "Good afternoon, sweet cheeks.." He greeted in a husky voice. "You slept good?"

Bago pa siya makapag-isip, para na siyang timang na tumatango sa harap nito.

"I'm glad.." His smile turned into a cheeky grin and for a moment, tila siya natuod habang nakatunganga sa mga labi nitong nakangiti. Bumaba ang tingin niya sa kabuuan nito. With just his simple white v-necked shirt, his usual ripped jeans and black military boots, he's already oozing with sex appeal— a very potent and dangerous kind.

She mentally shook her head to keep her emotions in check.

Maghunos-dili ka, Ellora. Hitsura lang yan. Huwag kang bibigay sa magagandang mga mata at ngiti niya. Hindi lang siya ang lalaking may magandang mata, ngiti at pangangatawan sa buong mundo, okay? Huwag kang umakto na parang nag-iisa lang siya sa mundo at gwapong gwapo ka sa kanya!

Muntik na siyang mapasinghap ng malakas ng lumuwang ang ngiting iginawad nito sa kanya. Those hazel brown eyes are now sparkling with mirth.

Napasimangot siya. Mabilis niyang inalis ang tingin dito. Doon niya napagtantong nasa coffee shop pa rin pala siya. Great, she fell asleep in a public place and on top of that, ni wala siyang kamalay malay na may isang estranghero na palang nakalapit sa kanya habang tulog siya. Ang galing galing mo talaga, Ellora.. and sarkastikong wika niya sa sarili.

"Hindi ka na ba matutulog ulit?" Came his bedroom voice again.

She snapped her eyes at him while pursing her lips in a thin line. "This is not a freaking bedroom, okay? Kaya bakit naman ako matutulog dito?" Angil niya.

He just grinned. "Iyon lang ba ang pino-problema mo? No worries, sweet cheeks. I can make you feel like you're in a very very comfortable bedroom. All you have to do is lay your head on my chest and let my magic work.." He said, then winked at her.

If it's possible for a jaw to literally drop on the floor, then she felt like hers just did! This man has no shame in flirting with someone he just met! Well bakit pa nga ba siya magtataka when obviously he's definitely a manwhore! Iyong tipo ng lalaking papatulan ang lahat ng babaeng nakapalda!

She scoffed. "Ganyan ka na ba talaga kadesperado para lang makaisa sa akin, ha?" Ang naiinis na tanong niya dito.

"No, I'm—"

Comrades in Action Book 4: Mason KrustovWhere stories live. Discover now