Chapter Eighteen

9.1K 332 12
                                    

"You have a patient scehduled for a craniotomy tomorrow, Dr. Vonn."

Mula sa pagsulat ng order sa hawak na patient's chart ay nag-angat ng tingin si Chase. Sinipat niya ang kanyang wrist watch.

"And that would be.. five hours from now."

"You're the only neurosurgeon that the family wants." The nurse said as she gave him the patient's chart.

Chase took the chart and started reading it. Kumunot ang noo niya.

"Brain tumor huh.. I guess we're going to have a long day tomorrow.." Wala sa loob na wika niya habang abala sa pagbabasa ng chart na ibinigay ng nurse sa kanya.

Isang naninimpatyang tingin naman ang iginawad ng nurse sa binatang doktor. Kung tutuusin ay dapat kanina pa nakauwi ito pero dahil sa tatlong patienteng may kumplikadong operasyon na naka-assign dito ngayon, nagpasya na lamang itong manatili sa hospital hanggang sa susunod na shift nito kinabukasan.

Ibinalik ni Chase ang patient's chart sa nurse on duty. Saglit itong nag-inat at saka humikab.

"I'll catch some sleep then. See you later, Gina." He said, winking at the middle aged nurse who just chuckled at his antics.

"See you later, son."

Pagpasok niya sa kanyang madilim na opisina, ang malakas na amoy ng alak ang agad na sumalubong sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo. Where the fuck did that revolting smell came from?

Nilapitan niya ang kinaroroonan ng switch ng ilaw at saka binuksan iyon. Bumaha ng liwanag sa buong paligid at ang sumunod na nabungaran niya ang talaga namang nagpalalim ng gatla sa kanyang noo.

There, lying on his couch was Mason's massive body in a drunken state. Nakadapa ito sa couch habang nakalaylay ang kanang paa at kamay nito sa sahig.

"What.. the.. actual.. fuck..?"

Awang ang bibig na nilapitan niya ito. Using his foot, he nudged his side to wake him up but nothing. The idiot is fucking still as the dead. Napamura siyang muli.

Mason is completely dead drunk in his office where he planned to take his rest before his four hour surgery this morning. Great. Just great! Nagpakawala siya ng isang marahas na hininga. Saan siya magpapahinga ngayon? Hell will have to freeze over before he'll let himself sleep in the same room as this idiot!

With a heavy sigh, pinatay na lang niya ulit ang ilaw bago lumabas ng kanyang opisina.

Ellora's shift was about to end. Naghahanda na siya sa pag-uwi ng bigla siyang napalingon sa kanyang mesa. Partikular na sa isang dokumentong naroon. Kinuha niya iyon saka pinagmasdan.

"Oo nga pala.. I still need to discuss this with Seb." Ang wala sa sariling usal niya.

Dala dala ang kanyang gamit, mabilis siyang naglakad patungo sa opisina ng kaibigang doktor.

Mag-aalas-sais pa lang ng umaga pero kahit ganito pa kaaga, makikita na ang ibang empleyado ng ospital na paroo't parito. Buhay ospital nga naman.. ang nasabi na lang niya sa loob loob niya.

Mabilis siyang nakisabay sa isang aid na may dala-dalang patiente na naka-wheel chair sa elevator.

"Good morning, doc. Anong floor po?" Ang magalang na tanong ng binatilyo.

Isang ngiti ang iginawad niya dito. "Sixth." Tumango naman ito at agad na pinindot ang floor na sinabi niya. Nauna ang mga itong bumaba at ilang sandali pa'y sumunod na din siya.

Sa sixth floor matatagpuan ang opisina ng mga neurosurgeons ng ospital. Hindi na siya nag-abalang magpalinga linga sa paligid dahil alam naman niyang sa mga oras na ito, bakante pa ang hallway. It's either, nasa operating room na ang ilang surgeons or kung hindi naman ay nasa mga kanya kanyang opisina ang mga ito upang makapagpahinga.

Comrades in Action Book 4: Mason KrustovTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang