Chapter Eight

11.4K 378 22
                                    

"What the... fuck?"

Dahan dahan siyang napatango.

"You mean all this time, 'kalansaan' pala ng ex mo ang 'something' na iyon na naaamoy ko? Woah... I was right when I said there is really something off about him, huh? Hindi ko lang lubos maisip na..." Minie sighed. "Kapederasyon pala siya bes! Nakakaloka!"

She chukled at her friend. Lalo na ng pumilantik sa ere ang isang kamay nito.

"Kidding aside, that must have hurt big time, bes. Ang mahuli ang boyfriend mo sa akto."

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. "Looking back, I've realized that... I've been so naive. Ni hindi ko man lang nahalata. I was so blinded by the attention he was giving me."

"Bes, ako din naman na may experience na sa pakikipag nobyo ay hindi rin nakahalata 'no. Partida ng marunong din naman akong kumilatis ng isang tunay at hot blooded male. I think magaling lang talagang magtago iyang ex mo. At tingin ko, years and years of practice ang inilaan niya para lang mapangalagaan ang image niya sa lahat ng tao including you."

Naisip niya ang mga sinabi sa kanya ni Carlos sa cafe. Ang tunay na rason kung bakit siya nagawang lokohin nito.

"Tama ka. He had to do it. Masyadong strict ang upbringing niya. He have a very perfectionist parents. Tiyak na hindi nila matatanggap si Carlos kung sakali man na nagpakatotoo ito. And Carlos is just the type of man that values family image. He could never afford to ruin his family name."

Umangat ang isang kilay ni Minie sa tinuran niya. "Ow? So what changed then? Sa nakikita ko ngayon, unti-unti na siyang nagpapakatotoo. Does that mean, wala na lang sa kanya kung masira man ang iniingatan niyang 'family name'?"

She shrugged. "He loves him that's why."

Napapalatak na lang ito. "Tsk.. The things people do for love.. hay.. Nakakabaliw!"

Yes. She agree. Minsan talaga, kahit gaano pa tayo magpanggap na mahal natin ang isang tao, kung hindi naman iyon ang isinisigaw ng puso natin, darating at darating pa rin tayo sa punto na tayo mismo ang mapapagod at bibigay. In the end, pag-ibig pa rin ang nagwawagi at wala tayong choice kundi sundin ang idinidikta nito. Ika nga nila, the heart wants what it wants.. Ang puso ang siyang laging nasusunod.

"And what about Mr. Hot and gorgeous huh? How did the two of you met?"

Binalingan niya si Minie. Nandoon na naman ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito. She felt uncomfortable all of a sudden and her face felt warmer than earlier.

"N-nakilala ko siya sa isang hotel.." Tipid niyang sagot na nagpangyari upang umangat ang isang kilay nito.

"Hotel? When? How?"

Pakiramdam niya mas lalong namula ang mukha niya sa magkakasunod nitong tanong.

"Er.. the night Carlos and I broke up?"

"You mean noong araw na nakita mo siya sa piling ng iba?"

She rolled her eyes at her question. "Yes, Minie." Ang nababagot niyang sagot.

Minie chuckled. Exited itong humarap sa kanya. "So... papano? Paano kayo nagkakilala?"

Bumuntong hininga siya bago ikwinento dito ang lahat. Wala siyang choice dahil paniguradong hindi siya titigilan nito hanggat hindi nito nakukuha sa kanya ang mga detalyeng gusto. Matapos ikwento dito ang lahat, awang ang mga labing napasandal ito sa sofa. Binigyan siya nito ng hindi makapaniwalang tingin. She frowned.

"Huy.. ayos ka lang dyan?" Nagulat siya ng bigla itong napabulalas.

"Oh.. my.. gosh! Shit! Ang swerte mo bes! Naibigay agad ni Lord ang good karma mo pagkatapos kang lokohin ng hinayupak mong ex! Imagine, God gave you a hotter.. sexier.. and a much more gorgeous rebound! Mas perpekto pa sa ex mo, bes! Di ba? Ang galing lang ng timing ni God. Nakakatuwa!" Ang malakas nitong sabi na ikinalaki ng mga mata niya.

Comrades in Action Book 4: Mason KrustovTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon