Chapter Twenty three

9.3K 303 11
                                    

Alas tres ng hapon ng makauwi siya sa kanila mula sa kanyang duty. Nasa gate pa lamang siya ng kanilang bahay pero ramdam na niya ang pagod. Hindi maganda ang tulog niya nitong mga nakaraang linggo. Nightmares would always creep on her every night. Same nightmares that she started having after her accident three years ago na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan. She would see faces in those dreams. Blank faces. She would dream about bits of pieces about her past. Very random, vague, painful that would often times wake her up in the middle of the night in a cold cold sweat.

Minsan, mabuti na kung umabot man lang sa limang oras ang tulog niya sa magdamag. She would always wake up and wouldn't be able to go back to sleep again. She yawned while trying so hard not to close her tired eyes. The lack of sleep is surely catching up on her.

Pagka-park ng kotse sa harap ng bahay ay agad na siyang bumaba dahil pakiramdam niya anumang oras ay matutumba na siya sa sobrang antok. Paakyat na siya ng hagdan ng bigla siyang sinalubong ng kanyang ina.

"Hija, mabuti't dumating ka na. Naku may magandang ibabalita kami ng daddy mo sa iyo." Ang masiglang bungad nito sa kanya.

"Ano po iyon, Ma?"

"Basta. Halika na't nasa veranda ngayon ang daddy mo." Hinila siya nito patungo doon. Naabutan nilang nagkakape ang daddy niya. Humalik siya sa pisngi nito. Bahagya siyang nagtaka ng isang maluwag na ngiti ang iginanti nito sa kanya.

"What's with the wide smile, dad? Masaya po yata kayo ngayon?" Ang nakangiting tanong niya dito. Her dad just grinned at her.

"Masaya talaga ako ngayon anak. Everything's going great in the business. Lalo na ngayon. A potential investor just called me this morning. He wants to invest in our company, hija."

Lumawag ang ngiti niya sa sinabi nito. Hindi lang maliit na business ang meron sila kaya para matuwa ng ganito ang daddy niya dahil lang sa isang investor, isa lang ang ibig sabihin niyon. That investor is probably a big time one.

"That's great, dad! I'm so happy for you and mom."

"Thank you, hija. Ecxited na nga ang mommy mo na personal na makausap ang investor."

Lumapit dito si mommy at saka malambing na yumakap dito. "Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Imagine? A very successful man like him personally called us kanina para lang sabihing mag-iinvest siya sa company natin!"

"Talaga po?"

"Oo hija. Kaya naman agad kaming nakipag-set ng meeting sa kanya." Her mom sighed. "Hindi talaga ako makapaniwala."

She frowned. "Mom, are you sure this isn't a scam? I'm not trying to dampen your excitement pero mas maigi na po ang nagiingat.."

"Hay naku hija. Naisip na namin iyan ng dad mo. Kaya naman we did a double check about his identity and voila! One hundred percent legit! Ang investor na tumawag sa dad mo ay walang iba kundi ang presidente ng Sinclair Group of Companies! And he made his intentions very clear. He really wants to invest in our company!" Her mom babbled in pure happiness.

Her frown deepened. Sinclair? Now why is that name sounds so.. familiar?

"He said he wanted to go through with the details ASAP dahil next week ay lilipad na siya papuntang Paris para naman asikasuhin ang ibang business niya doon." Patuloy pa ng mommy niya.

"So..?" Ang nananantiyang tanong niya sa kanyang ina kahit alam na niya kung anong susunod na sasabihin nito.

"So your mother and I decided to fly there instead para mapagusapan ang mga detalye sa investment na magaganap." Pagtatapos ng daddy niya.

Comrades in Action Book 4: Mason KrustovTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon