Chapter 31: Meet Pamela de Guzman

453 12 20
                                    

CHAPTER 31

[Meet Pamela de Guzman]

Alam n'yo, kakatapos lang kahapon nung semi-finals ng Rockoustic Serenade...

Pati na rin yung interpretative dance ng section namin.

Walaaaaaaaaa. Nothing special lang. >___________<

Syempre, love life ko 'yun. Nothing special.

Baka ayokong magkwento, nakakatamad. Ako pa tinanong n'yo... baka bitter 'tong taong 'to!

Basta ang masasabi ko lang sa inyo... feel ko papasok sila Randel sa semi-finals sa September 22. Mag-iistay ako sa school sa araw na 'yun para lang mapanuod yung banda nila nu! Lalo na siya, syempre!

Magaling talaga yung banda niya! Kasi andun siya? Uhm... hindi naman ako ganung ka-biased para sabihin 'yun. Basta! Magaling talaga yung banda niya, lakas ng dating nila eh. Malaking check na 'yun sa audience impact. Galing pa kumanta ng lead vocalist nila, babae pa 'yun, take note. Well, dalawa vocalist nila. Take turns sila kung ano 'yung type nilang kantahin. Yung isa kasi nilang ka-member na kay gwapo-gwapo, doubles as a vocalist and a bass guitarist. Walang natitirang naka-nganga sa banda nila! Ansabe diba?!

Eh anong mangyayari kay girl kapag si boy yung vocalist, tanong nyo? Wala naman... keribels nga naman niya mag-piano o mag-gitara. Siya na diba! Kainggit itong babaeng 'to, nung nagpaulan si Lord ng musical talent, halos masalo niya na yata lahat! Habang ako... wala yatang nasalo ni isang talento. NGANGA!

Pangalan ng banda nila? Electric Kiss.

OH DIBAAAA, ANSABEH?! Basta, I have a feeling na BAKA sila yung mananalo for the Rockoustic Serenade. Lagi naman eh!

Tapos tungkol sa Interpretative Dance?

Ang kulit naman oh! Sabi ko nga ayokong magkwento eh!

Eh..... kaso malakas kayo sakin eh! Sige na nga, kahit onti. -____-

One word. SELOS.

Wala, wala naman akong ibang masabi. Wala din naman kayo siguro ibang ineexpect diba? Ayun, bottomline, nagselos lang ako!

Nagkaroon ng hawakan ng kamay... sweet-sweetan... akbayan. Alam ko namang scripted lang 'yun, at choreographed lang naman 'yun lahat, pero kahit na eh! Kayo ba naman, makita n'yo yung crush n'yong may ibang ka-partner sa sayaw na pwede naman sanang naging ikaw, hindi ba kayo masasaktan?!

Ehhhh... kasi naman eh! Kung ako lang sana talaga napili ni Randel diba! Kaso bakiiiiiiiiit, kung tutuusin nga, dapat ako yung pinili niya eh! Baka we've been classmates for three years now, then he's just going to ignore me like that? It hurts you know!

K fine, naging ka-elective ko lang siya nung first year, pero kahit na, same class pa rin 'yun therefore it could be classified as classmates! Don't you guys dare argue with me, I'm boss here. Dejoke.

Okaaaay, we've known each other for each years now. Happy?

Tapos si Janelle... nung first year lang sila naging mag-classmate! Nag-skip lang nung second year, pero you get the point, right? Ako ang nilalapitan niya tuwing may kailangan siya. Ako ang nilalapitan niya kapag may hihiraman siya, hindi ba close matatawag mo dun?

Pero baka nga 'yun 'yung problema eh...

Ako ang nilalapitan niya tuwing may kailangan siya. Tuwing may kailangan LANG siya, saka lang siya lalapit sa akin.

Pero bakit noong kailangan n'ya ng partner, hindi naman siya sa akin lumapit?

Bakit kapag may kailangan siya, ako agad ang nakikita n'ya? Pero bakit kapag hindi na pangangailangan 'yung usapin, hindi n'ya na ako nakikita?

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon