Chapter 7: Rollercoaster Ride

500 21 12
                                    

CHAPTER 7

[Rollercoaster Ride]

Nakakainis! Naging crush ko rin siya, kahit anong iwas ko... Baka talagang pinapa-inlove ako ng universe kay Randel. Pero nako, pinapaasa lang nila ako. Alam ko namang walang patutunguhan itong nararamdaman ko para sa kanya.

Itatago ko nalang muna 'to. Wala pang pwede makaalam nito! Baka kung ano pang mangyari, masira lang lalo diskarte ko sa kanya. Tutal, crush lang naman 'to diba?

Crush LANG, o crush PA lang?

HINDI KO ALAM! Ewan ko ba kung anong mangyayari. Basta, andyan lang ako sa tabi-tabi para sa kanya... Malay natin balang araw, marealize niya na hindi pala si Charizze ang mahal niya, kundi ako! MWAHAHAHAHAHAHA.

Matagal-tagal na rin pinagsamahan namin niyan ni Randel eh... pero may nangyayari ba? Wala rin naman! Naging matagal nga, eh hindi naman kami naging close! Ngayon kaya?

Feeling ko talaga destined kami ni Randel for each other. Ngayon, narealize ko na yung true feelings ko para sa kanya. Siya naman dapat! Kailan kaya yun mangyayari...? Nangangarap naman ako nang gising.

Ay teka... not exactly "destined for each other" pala. Pangalawang bunutan na 'to ngayong araw, tapos hindi parin ako sineswerte sa kanya!

Kanina, hindi ko siya naging kagrupo sa Chem. Ngayon naman, hindi ko naman siya kapartner sa ICT! Ano ba yan, eto nanaman eh. SAYANG TALAGA!!!!

Naging kapartner ko si Kyle Vargas. Ok lang naman siya eh. Mukha siyang mabait... tapos may pagka-gwapo pa! Sus, basta gwapo ok lang sakin! Gwapo talaga ang tinignan ko enu? Ang landi ko ring babae. Hihihihi.

Marami kayang gwapo sa klase namin! Hahaha, pero iba parin ang dating ni Randel sakin.

Speaking of Randel... siya naman, naging kapartner niya si Janelle Fuentes. Maganda siya, matangkad, maputi... ano pa ba pwedeng masabi sa kanya? Si Janelle yung sinabi ko sa inyong dating kaklase ni Randel nung first year pa sila. Oo, siya rin yung best friend ni Alora!

"For the 1st quarter, HTML yung topic natin. Gusto ko ngayong araw, pag-experimentuhan nyo muna yung mga alam nyo tungkol sa HTML. Yung mga magpartner, gusto man o hindi, ay kailangang magtulungan. Minus 10 kapag isa lang yung gumawa."

Buti nalang marunong ako sa HTML dahil sa Tumblr! Wala na akong problema dito. Eh pano kaya si Kyle? Kapag ako lang naman gumawa, nagka-minus 10 pa kami...

"Dianne, pano yan?"

"Marunong ako mag-HTML. Ikaw ba?"

"Nakalimutan ko na kung pano yung codes eh!" Sinabi niya habang tumatawa.

"Alam ko na! Ikaw nalang mag-isip, ako yung sa codes."

"Tama! May nagawa pa naman yun diba?"

Nag-isip na si Kyle kung anong gagawin namin. Madami naman kasing pwedeng gawin pag HTML eh! Pero ang alam ko, kapag mas mahirap, mas mataas kay Ma'am. Kaya napag-isipan naming gumawa ng class page, para pwedeng pag-insertan ng forms, text formats pati na rin pictures! Diba nga, GC ako! Mahahatak ko nalang din siya sa ka-GC-han ko.

"Bilis mo magtype ha!"

"Sanay na ako eh."

May feeling talaga akong may malaking possibility na kami yung unang makakapagpacheck kay Ma'am! Ayos din yung teamwork namin ni Kyle, buti nalang din pala siya yung naging kapartner ko. Habang nagtatype ako, dinidictate niya sakin kung ano yung susunod na ilalagay.

"Tapos yung background ng page natin pink and blue."

"Bakit pink and blue?!"

"Favorite mo pink, favorite ko blue. Ayos teamwork!"

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon