Chapter 14: Crossing Over Enemy Lines?

422 13 12
                                    

CHAPTER 14

[Crossing Over Enemy Lines?]

WOOOH! Nakaraos na rin ng isang linggo sa Theater Class! Makakalayas na ako sa grupo namin na yun. Well, si Randel lang naman habol ko dun. Hahahaha! Ang landots, pero bakit ba?! Magsama nalang si Andrew at si Janelle! Akin nalang si Randel!

Musta naman yung naging presentation namin?

Uh... hindi ko alam eh. Pero I have a feeling na hindi masyadong nagandahan si Ma'am sa napakita namin...

Ganito kasi 'yun, kapag group performance time na, magtatabi-tabi yung magkakagrupo. Tumabi sakin si Randel! Kaso tumabi din naman sa kanya si Janelle. -.- Love triangle ba??

Dapat nga, sakin tatabi si Janelle kasi mas "close" kami. Tsk, bahala siya.

Pero gladly naman... ako lang yung pinapansin ni Randel! Hihihihi.

"Dianne, ano nga ba ulit gagawin dito?"

"Dianne, pano dito?"

Habang ako naman, explain nang explain kung anong gagawin para doon sa lines na yun. Busy kaming dalawa sa script, kaya wala siyang time para pansinin si Janelle. Wahahaha! Kami kasi yung 2nd performer of the week, kaya ayun, todo-todong cramming ginagawa namin! Hindi naman kasi nakipraktis si Randel nung Sabado diba? Tapos wala din naman siya nung Linggo.

Bilang leader nila, nakita ko naman na hindi nila napakita yung dapat para sa characters nila. Syempre, ako gumawa ng script diba? Kaya ayun, may gut feeling na ako sa magiging grade namin...

Friday 'yun nung inannounce na ni Ma'am yung grades namin, pagkatapos makapagperform ng lahat ng grupo. Tama nga ako... PALPAK. 87% lang yung nakuha naming grade.

Monday agad kami nagperform, tapos nakalimutan na yata ng iba yung pinraktis namin nung Sabado at Linggo! Tskkkk. Nakakailang mababang score na ako sa Theater Class. Ayokong bumagsak ngayong first quarter! >.<

"Ok lang yan, Dianne." -Randel

Habang hinahawakan niya yung buhok ko. (SHEEEET, hindi na kaya kailangan yun! :"""">)

Napangiti ako sa kanya na parang baliw. Hihihihi.

"Salamat, pero wala eh, feeling ko babagsak na yata ako dito"

"Hindi yan. Ikaw pa!"

Ehhhhhhhhhh! :""">

"Puro kaya line of 8 mga GP ko!"

[A/N: GP = Group Performance]

"Hindi lang naman GP component ng grade ah? May perio pa kaya!"

"Kahit na, malaking bagay ang GP."

40% kaya yun ng final grade namin. 25% lang ang periodical test. Huhuhu. T_______T

"Tsk, kayong mga GC talaga."

"Oo na, GC nga ako kung GC."

Buti pa si Vince, walang problema sa Theater Class. Isa lang yata yung line of 8 niyang GP eh, tapos yung iba line of 9 na... tapos may dalawa pa siyang 100! Samantalang ako, isang line of 7 (79), isang line of 9 tapos puro line of 8 na yung iba! Musta naman?!

Opppps!

Napansin kong hinahawakan parin ni Randel yung sa buhok ko... Aba aba, kinikilig naman akech! Ang landots ko masyado. :""">

"Ano bang meron sa buhok ko?!"

"Wala, ang ganda kasi ng buhok mo eh."

BUHOK LANG?!?! Chooos! Hihihihihihih. Umaasenso na kaya ako sa puso ni Randel? Lumalakas kaya yung pag-asa ko sa kanya? :">

"Calvin, please stand up... Prayer leader please."

PSH! Panira naman ng moment si Ma'am oh. Tsk tsk! Pero buti nalang din... hindi ko kasi alam anong maisasagot ko kay Randel eh. Kung "Salamat" ba, o "Weh? Bolero ka kuya.", o "Ikaw din!"? I'm not good with words.. -.-

Habang nagdadasal kami... grabe, hindi ko mapigilang mapangiti! Atleast nalang... hindi na yata ako invisible kay Randel! WEEEE! Salamat talaga Lord!!! Alam niyo naman po siguro kung gaano ako napasaya ngayon. Thank you thank you thank you!

"Uy Dianne! Ano grade nyo?" -Vince

Naks naman, por da perst tym nauna si Vince sakin mag-ayos ng gamit ha! Umaasensyo si kuya! Lagi kasing ako yung naghihintay sa kanya.

[A/N: Eto na si Vince para sa mga Team Vince dyan! Hahahaha.]

"Nakooooo. Wala, mababa."

"Grade na pala ang mababa ngayon. Ano nga?"

"87 lang! Kayo nga dyang 96 eh!"

OO, 96 nakuha nilang grade. Sila yung highest sa klase para ngayong GP. Oh diba! Ang swerte lagi ng napupuntahan ni Vince na grupo. Hindi pa nga kami nagkakagrupo sa Theater Class, ever! Oh well, last GP na namin 'to... Wala nang pag-asa.

"Ang baba din kaya..."

"Leche ka talaga! 96 mababa?"

Wag kayo mag-alala... Normal nalang saming magmurahan. Hahahaha! Ganyan naman talaga pag magbestfriend diba?

"Mababa naman talaga ah?"

"Tsk. Anong tawag sa 87?"

Madalas naming napapag-awayan yung mga ganyang bagay. Kung GC ako, mas GC naman si Vince sa akin! GC friends kami eh. Hahahaha.

"Sige na, sige na. Mataas na ako! Masaya ka na?"

"Edi inamin mo din. :P"

"Uy, buti naman nahiwalay ka na rin dun kay Janelle. Lagi nalang kaya kayo magkakasama."

"Wawa ka naman. Hahaha joke. Bakit, ano bang meron?"

"Ewan ko. May bad feeling ako sa kanya eh, wag kang makipagclose dun!"

Ano bang problema nito kay Vince kay Janelle? Sa pagkakaalam ko, nilalandi niya lang si Randel kaya ako naiinis sa kanya eh. Pero beyond that, may iba pa kayang dahilan kung bakit ko siya kailangang layuan?

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon