Chapter 10: The Clearer Picture

435 17 24
                                    

CHAPTER 10

[The Clearer Picture]

Malaking time jump ang gagawin ko dito.

Kasalanan ko bang ganito kaboring ang buhay ko??

Isa pa, dinudumog na kami ng walang katapusang gawain sa school. July na po kaya, mga ate at kuya. Malapit na pag periodical exams! Ibig sabihin, sabay-sabay na projects, quizzes, mastery tests at lessons. Kaya pa ba?

Marami na ring nangyari mula nung huli tayong mag-usap. Kahit paunti-unti ba, basta may nangyayari araw-araw na bigla nalang gugulat sa ating lahat. Ganyan naman talaga ang buhay eh.

Pero para sakin...

Tatlong bagay lang naman ang nagbago.

Una. Nadagdagan yung barkada namin ni Vince.

Wow ha, barkada na pala ang tawag sa dalawang taong laging magkasama? Dahil nga naging close na ako kay Alora, lagi na namin siya nakakasama tuwing break o minsan tuwing uwian.

Pero kung andyan si Alora... malamang andyan din si Janelle. Wala akong choice kundi pakisamahan yung nagmumuka kong karibal sa Calvin.

Nung nakilala ko lalo si Janelle, mabait naman pala siya eh. Pero, may parang iba parin sa kanya... Ah, ewan! Nagcclick naman kami kapag may pinag-uusapan. Parehas din kami ng taste pagdating sa fashion at pag-aayos. Nang tumagal, masasabi ko rin naman naging close kami.

Pati kaya kay Randel, parehas kami ng nararamdaman? Hindi ko alam.

Hindi ko PA alam.

Pangalawa. Nagiging comfortable na ako kay Michael.

Sabi ko na nga bang magkakasundo rin kami eh! Hindi ko lang siya naging katabi sa AP, kundi pati pa sa Physics. Pero ito, yung teacher namin yung nag-ayos ng arrangement. Bale, hindi na namin naging desisyon yun. Ayun nga, naging comfortable na ako dahil doon.

Kaso... Hindi naman din kami nakakapag-usap masyado. Ang totoxic kasi ng mga subjects kung saan magkatabi kami. Kung mag-uusap man kami... ganito lang yun:

"Dianne, ano yung nakasulat dun?"

"Michael, pano 'to?"

"Dianne, patingin ng notes mo."

"Michael, di ko gets."

Parehas kaming malabo ang mata eh, kahit ba may salamin na. Pero mas nakakakita yata ako kasi ako yung laging nauunang makakopya ng notes kaysa sa kanya. Ako naman, ang weak talaga sa analysis at math! Habang siya, ang lakas nya don. Imba lang.

Pangatlo. May napapansin akong kakaiba kay Randel.

Ewan ko ba kung sadyang feeler lang ako. Hindi naman ganon si Randel sakin dati eh...

Grabe, ano agad inisip nyo?

Wala 'yon. Wala naman siyang gusto sakin. Well, wala PA. Haha, echos lang!

Mas napapadalas lang kasi yung panghihiram niya ng gamit ko. Kahit ba may quiz bukas, hinihiram niya parin. Kapag umaga naman, nanghihiram siya ng homework palagi. Kung may surprise quiz o recitation, nakiki-review naman siya sakin... Wala ba siyang notes?

Pasalamat nalang siya MABAIT ako!

Pasalamat nalang siya MAHAL KO SIYA!

Ay.. CHAROT. HAHAHAHAHA.

Oh diba... sadyang feelingera lang yata ako! Pero nagiging masaya naman ako dun sa ginagawa niya! Kaya nga minsan tuwing may quiz o homework, siya agad naaalala ko tapos napapangiti ako na parang baliw.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon