Chapter 22: A Fire I Can't Resist

452 15 20
                                    

CHAPTER 22

[A Fire I Can't Resist]

Grabe laaaang! Masyado nang exposed yung 'feelings' ko para kay Randel my labbs. >< Hindi ko na alam anong gagawin ko. Sa sobrang pang-aasar nila, hindi nila namamalayang may sense yung inaasar nila sakin dahil TOTOO. Natatakot akooo. Nagkaka-idea na kaya si Randel na matagal ko na siyang crush na crush?

Sana wala...

Nagkaroon kaya ako ng friend na crush siya dati nung first year ako, nung nalaman ni Randel 'yun, inisnab niya na si friend. Kilala ko na yan si Randel. Kung gusto ka niya, ipaparamdam niya yan. Kung di ka niya type, ipaparamdam parin niya sayo.

Pero lahat ng umamin kay Randel, inisnab niya lang. Iniisnab niya talaga! Taray niya nga eh. Loyal siya kay Charizze diba? </3

Sabi ko sa inyo, SUICIDE itong pinasukan ko! Eh ano bang magagawa ko? Pahamak itong si Kupido kahit kailan talaga! Tsk2.

Hmp. Tama na nga pagdadrama! Kailangan ko pang mag-aral para sa Mastery Test namin sa AP! Next subject na namin 'yun eh, hindi lang makakatulong 'yang pagdadrama ko sa score ko kung sakali. Madudugo pa naman ang MT ni Ma'am. Kailangan kong maperfect 'to, ayokong masira record ko.

Nag-aral nanaman ako sa bahay... but of course, it is not yet enough! Dala-dala ko yung AP notes ko kahit saan man ako pumunta. Kanina nung lunch, nakalabas parin notebook ko sa table. Ngayong Filipino time, nakalabas parin siya... este, nakatago pala. Baka mapagalitan ni Sir eh, stricto pa naman siya pag may hindi nakikinig sa lesson niya. Buti nalang magkakulay notebook namin sa Filipino at AP, kaya di aakalain ni Sir na ibang subject na pala inaatupag ko. Hahaha.

Sa totoo lang, nabobore ako pag Filipino time. Gusto ko lang yung mga activities ni Sir, tapos yung mga joke-joke niya. Infairness sa kanya ha, marunong siya bumanat! K. Hanggang doon nalang 'yun, back to studying.

Shemay namaaaan! Ang daming dapat i-memorize, lalo na sa figures. Dun ako madalas nabobobo eh. Madami ka na ngang i-memorize na pangalan at lugar, pati ba naman kung kelan nangyari, ilan namatay o kelan nagtapos kasama pa! Bakit pa kasi nagsasama si Ma'am ng nuuuumbers?

"Pssst."

Ako ba yung sinisitsitan ni Karen? Ayoko namang lumingon, baka masabi pang feeler ako. Edi hindi ako tumingin, aral-aral mode parin. Baka GC 'to, hindi 'to maiistorbo!

"Pssst! Dianne."

IMBA. Ako nga yung tinatawag niya.. Aba, bakit kaya? Lumingon ako kung saan nakaupo si Karen, nasa may third row siya sa kabilang aisle. Nasa pinakalikod naman ako. Ang layo naman namin masyado sa isa't-isa.

"Bakit?"

"Tawag ka ni Randel."

Oh? TAWAG DAW AKO NI RANDEL MY LABBS? Ahihihihi. :""""> Instant lingon agad ako kay Randel. Shemay, sobrang layo niya sakiiiiin! First row siya sa kabilang side, tapos ako nga last row naman. Pero ok lang 'yuuuun.  :"">

"Peram notes sa AP."

Nakoooo! Hihiram nanaman siya ng notebook ko. Yiiiiiiiieeee. Oh well, sanay na ako sa mga hirit niya sakin kahit alam kong hanggang doon lang 'yun.

Ehem... Hanggang doon PA lang 'yun. Chos!

Pero teka lang, hindi pa ako tapos mag-aral! Eh... kaso si Randel yung humihiram sakin! Ano bang gagawin ko: papahiramin ko si Randel tas di ako makakaaral, o tanggihan ko si Randel tas mag-aaral pa ako?

Uhm...

Eh...

Sige na nga lang! Hindi ko siya matiis eh..

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon