Chapter 33: Start of Something Good?

20 2 7
                                    


CHAPTER 33

[Start of Something Good?]


Today's the big day! Shems kinakabahan na talaga akooo, ngayon na 'yung fashion show tapos di ko pa alam gagawin ko! Pagkatapos ang paulit-ulit na paulit-ulit na practice namin, syempre naturo na sa amin yung blockings pati yung saan eexit blah blah. Pero aminin man natin sa hindi, may anxiety ako sa mga ganitong bagay kaya pwede ko pa rin sila makalimutan pag andun na ako!

Eh manonood yung buong school? Nakakahiyang magmukhang ewan sa stage 'no! May isang tao pang nasa audience na mas nagpapahirap nito para saken, kilala naman na natin siguro siya by now. Malamang manonood si Randel... wala naman siya choice? Unless tumambay lang siya sa canteen sa buong program kasama yung tropa niya. Edi fine, wag siya manood, di ko naman siya pinipilit.

Baka 'yung awarding lang ng Rockoustic 'yung aabangan nun, wala na siya pake sa iba. Mamaya na rin kasi 'yung culminating activities for MathSci Month. Diretso awarding na sa mga nanalo sa contest tapos uwian na, yay mag-iintrams na. Hehe joke lang, di pa naman agad-agad.

Pero malulungkot din naman ako kung hindi niya ako mapanood, ano ba yan. So anuna Dianne? Ano ba talaga gusto mo, manood si Randel o hinde? Ang gulo-gulo ko talagang babae! Ah basta, kung mapahiya ko man sarili ko dun, sana wala nalang siya doon para makita yun. Edi na-turn-off pa saken lalo si kuya? Mapapansin niya nga ako... pero tatawanan niya lang naman kaya mabuti nang wag nalang!

But knowing me, ang dakilang GC na may hidden ambition talagang maging model, hindi ko hahayaang pumalpak kami ni James nang ganun-ganun lang mamaya. Grade ko ang nakasalalay dito 'no?! So okay, I will try my best. Ajaaa~!

Mga 3PM pa yung fashion show kaya eto rin akong kinakabahan for the rest of the day, hindi ako makafocus sa mga subjects ko! Ano bang gagawin ko para mawala ang kaba ko?

Medyo maaga kami ni Vince natapos maglunch, ngayon nasa corridor lang kami naghihintay ng next class. Wala rin matambayan so doon nalang kami. Si Vince, gumagawa ng assignment, kinokopya niya yung assignment kong tinapos ko na lahat kagabi. Alam ko nang wala ako sa tamang pag-iisip ngayong araw.

"Hoy babae, sigurado ka ba tama 'to?"

"Oo, sure ako dyan! Tska wag ka nga lantaran! Lakas ng loob mo mangopya sa corridor ah."

"Ito talaga ang taray-taray porket heartbroken."

"Pwede ba, kinakabahan lang ako."

Mamayang mga 2PM i-eexcuse na daw kami sa klase, kailangan pa magprepare syempre. Wala pa akong kaayos-ayos kaya medyo bumigat lalo yung bag ko today para sa make-up. Konti lang naman 'yun pero para na rin sure. Madali lang naman bagayan 'yung theme namin para sa fashion show eh. Bahala na 'yung sa buhok! Sila na siguro bahala mag-ayos sakin sa baba mamaya.

"Lakasan mo pag-cheer mamaya Vince ha."

"Ready na vocal chords ko!"

"Sayo nakasalalay yung audience impact ko, alam mo yan."

Maya-maya, umakyat na rin si Michael, Kyle at James. Medyo maaga din sila ah. Binaba nila yung mga bag nila sa tapat kung asan kami ni Vince. So eto, magkakaharap kami ngayon.

"Ano, ready ka na ba mamaya?" -Kyle

"Kinakabahan nga ako eh."

"Kaya natin 'yan! Tiwala lang." -James

"Buti ka pa wala masyadong iniisip! Dami pang arte-arte sa babae eh."

"Ok lang 'yan. Di na kailangan 'yaaan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon