Chapter 32: Please Tell Me You'll Stay

24 2 2
                                    

[A/N: Hello guys, after 7 years(?) I'm finally back from outer space. Char! Ibang-iba na ang mundo ngayon, dami nang nangyare at nagbago since the last time I updated here. Oh well. At dahil nga ECQ tayo ngayon, napag-isip-isipan kong bumalik muna sa pagsusulat. Just testing my luck here again. I hope may natira pa rin sa mga readers ko, haha. Enjoy guys and stay at home! *O*]


CHAPTER 32

[Please Tell Me You'll Stay]

Eto naaa, ang favorite activity ko para sa MathSci Month, 'yung Rockoustic Serenade! Mahilig ako sa music at sa mga banda kaya given na 'yun diba. Favorite ko rin sana yung fashion show pero dahil participant ako dun at partly may kaba... huwag nalang natin isali yun sa choices hehe.

Nakwento ko naman sa inyong sumali 'yung banda ni Randel 'no? Hindi ko napanood performance nila kasi naging closed door pala 'yung elimination rounds! Mali kasi 'yung info ng adviser namin noon, 'yung nabanggit niyang criteria para pala sa finals 'yun! Ayaw daw ng judges maka-affect ang audience impact sa elimination rounds para ma-focus lang sa song and sa talent 'yung mag-aadvance sa finals. Sense it makes naman, pero sayaaang! Kung hindi makasama sa Top 10 sina Randel edi hindi ko man lang napanood?

Buti nalang magaling talaga ang Randel ko, I mean 'yung banda nila, kaya nakapasok sila sa finals! Tama naman ang kutob ko, tignan natin kung sila nga ang mananalo mamaya.

Buti nalang maaga kami dinismiss ng last subject namin! Makakapunta ako nang maaga sa garden mamaya! Malamang madami tao nyan kaya dapat maganda ang mapwestuhan.

"Manonood ka mamaya?"

"Syempre, ito na nga lang 'yung chill sa utak ngayong MathSci Month eh!" -Vince

Okay, at least sure na akong may kasama ako mamaya!

"Ikaw ba? Ay sorry, tinatanong pa ba yan?"

Inirapan ko lang si Vince, loko talaga 'tong lalaking 'to. Pero tama naman siya, hindi na dapat tinatanong 'yan kasi syempre susuportahan ko 'yung labbs ko!

"Buti pa kayooo. Uuwi na ako, late na siguro matatapos 'yan eh." -Alora

"Aw sayang, balitaan ka nalang namin."

"Sige ha, enjoy kayo! Bye!"

Nagpaalam na kami kay Alora at lumakad na siya papunta sa gate. So mukhang kami lang si Vince manonood ah. Kaming tatlo lang naman lagi nang magkasama eh.

Tapos pagkatapos ng ginawa ni Janelle nung interpretative dance? Wala, ang awkward na talaga. Pero for sure manonood din 'yun nung concert kasama 'yung ibang Calvin girls.

"Tara, punta na tayo sa garden!" Hinila ko si Vince.

"Teka, bili muna tayo pagkain please? Need natin ng baon!"

Ito talaga puro pagkain nasa utak!

"Oh sige na, bilisan natin ha! Mamaya maunahan tayo dun!"

"Dami-dami space dun ah!"

"Ehhh. Dapat doon tayo sa best space!"

"Hay nako bakit ba kasi masyadong inlababo 'tong bespren ko???"

Hindi ko rin alam, Vince. Hindi ko alam.

Pagkadating namin sa canteen, nakita ko andun 'yung banda ni Randel sa likod. Shet, kunware nalang wala akong pake! Hindi naman ako napansin nun for sure. Tska mukhang busy pa silang nag-uusap-usap eh, baka pinag-uusapan pa nila 'yung performance mamaya o nagkekwentuhan para pampawala ng kaba.

Chips lang kinuha ko na pwede mapasok sa bag ko. Medyo may space pa naman ako sa bag kaya kasya... pero malamang hindi ganung kalaking chips kinuha ko. Andyan naman si Vince eh! Bwahahaha.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon