Chapter 3: Facing Facebook

535 30 15
                                    

CHAPTER 3

[Facing Facebook]

"Ang sakit sa legs! First day na first day, pagod!"

Yan agad yung reklamo ko pagkauwi ko. Grabe, maga yung dalawang paa ko! Pano ba naman kasi? Hindi ako sanay maglakad nang maglakad. Paakyat-baba kami buong araw habang naglilipatan ng classroom. Ang hirap din pala! Sa TV, parang ang dali-dali lang tignan.

Wala naman kaming ibang ginawa ngayong araw kundi magdiscuss ng rules ng bawat teacher sa mga room nila, yung mga requirements na subject nila, etc. Yung iba naman, lesson agad pagkatapos. Grabe lang ba.

Ako naman, sulat nang sulat sa notebook ko. Ayokong may ma-overlook na detail pagdating sa mga subjects ko, kahit ba hindi lesson yun. Kunware, yung color ng ballpen na pwede gamitin sa subject na yun. Minsan kasi, black lang pwede. Kapag nakagamit ka ng blue sa test, nako, patay ka yan!

May mga teacher namang nagpapakopya ng course outline. Yung iba, buong school year na, may 1st quarter lang. Meron naman ibang nagbibigay nalang ng hand-outs. Dapat lang naman! Kasi kung isusulat namin 'yun lahat, eh ang dami nun!

Wala pa kaming mga seating arrangement. Syempre bawat classroom, iba-iba na yung seating arrangement niyan. Hindi tulad dati, na kung saan ka nakaupo sa klase ng adviser nyo, eh yun na rin sa ibang klase. Mas ok nga yun eh, atleast mas madami kang makikilala at makakausap sa classroom niyo. Syempre kaya, medyo nabawasan yung "bonding moments" ng mga klase dahil wala na kaming classroom.

Obvious pa ba, si Vince lang naman yung lagi kong katabi. Wala pa ako masyadong kakilala sa section namin eh. Except syempre kay Randel. Tapos yung mga naging classmate ko na nung first at second year. Yun lang. Eh, ang tanong niyan... close ba kami? Hindi naman. Kaya si Vince lang talaga.

Oo nga pala! May mga homework na kami. Sanay na naman ako. Aba, eh nung first year kami, may homework na nga agad. Pano pa ngayong nakaka-tatlong taon na kami? Pero oo, mas malupit naman yung mga homework namin ngayon. Syempre naman. Halos nga lahat ng mga subject namin, meron na eh.

Pero kaya ko 'to! Puro print-outs and definitions lang naman yung homework namin. O kung hindi naman, mga bring the following na kaechosan.

At higit sa lahat... may excuse ako para makapag-internet!

Madami akong social-networking sites. Mapa-Facebook, Tumblr, Twitter, YouTube... ano pa ba? Pero syempre, sa Facebook ako madalas. Homework help rin kaya ang Facebook! Kunware kapag may di ka makitang sagot sa net, edi i-chachat mo yung mga kaklase mo.

Ayun, nag-login na ako. As usual, wala akong mga notifs. Puro invitations at requests na wala naman akong pakialam. Ignore lang lahat.

HALA! Wala pa palang group yung section namin...

Ako nalang kaya gumawa? Tutal, ever since Grade 6 ako, naging admin ako ng page ng section ko. Lakas naman ng loob ko!

Pero bahala na, gagawin ko nalang. Paraan din naman 'to para mas makilala pa ako ng mga kaklase ko. Baka kasi hindi nila "feel" yung presence ko dahil nga si Vince kasama ko palagi, tapos ang tahimik ko pa pag hindi ko na siya kasama.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon