Chapter 23: Affirmed Sentiments

421 16 16
                                    

CHAPTER 23

[Affirmed Sentiments]

Weeeeeeeee! Free time nanaman! Diba sinabi ko naman sa inyo na puro free time at activities ang 2nd Quarter? Hahahaha. Pero ganon parin kaintense yung mga lessons namin... pahirap nga nang pahirap eh.

As I was saying... free time namin ngayon sa AnGeom. Wala si Ma'am kasi nagmeeting yung Science Faculty at Mathematics Faculty para sa upcoming MathSci Month. Well, laging ganito dito, meeting nang meeting. Swerte mo nga pag officer ka, lagi kang excused tuwing malapit na yung celebration month ng club niyo.

Ayun nga. Patapos na ang Buwan ng Wika, ibig sabihin, MathSci Month na! Meaning... Magse-September na! Omaygash, -ber month na! Ang bilis naman ng panahon..

Pero kahit sobrang bilis nito, wala paring nangyayaring maganda samin ni Randel.. Hanggang tingin parin ako palagi sa kanya, habang siya... nakatingin parin sa iba.

Magdeny man nang magdeny siya tungkol kay Charizze, alam kong siya parin ang laman ng puso niya. Mahal ko siya eh... lahat talaga mapapansin ko sa kanya. Ganon naman talaga yun diba?

Pero nakakaya ko paring tiisin...

Ayos oh. Pinana na nga ako ni Kupido, ginawa pa niya akong BULAG. Ay teka, TANGA din pala. Joke lang, isama mo na rin pala yung MANHID! SALAMAT TALAGA HA? >//<

Tignan mo nga naman oh. Eto parin ako, hintay nang hintay. Siya naman, sa iba nakaabang. Pano na ako niyan kung wala naman pala akong hinihintay. Baliw-baliwan lang?

Wala akong magagawa eh. Leche nga naman talaga ang Pag-ibig.

Haaaaaaaaaaaaaaay.

Nasa tamang lugar nga naman ako, este kami, para magmuni-muni. Suki kasi kaming tambay sa school garden namin. Tama talaga. Tahimik lang doon... maganda yung tanawin. Binabantayan namin dun yung pwesto namin dun, umuupo kasi kami sa parang patio sa tabi ng fountain. [A/N: Teka.. 'patio' means 'paved area near a dwelling esp. used for outdoor dining'.] Hmm.. hindi naman bongga itsura ng patio namin! Kaya nga 'parang patio' dibaaaa?

Basta may mga upuan... tapos may table. Madaming ganyan sa garden namin.

Natripan lang naming tumambay doon. Minsan kasi... crowded masyado o umuulan. Minsan naman ayaw ng guard kasi baka nagcucutting daw kami. Tsk, as if naman oh.

Kung tutuusin nga, ang sweet sana ang ambience dun kung may special someone ka eh. Kaya yung ibang magsyota sa campus namin, sa garden ang diretso para magbonding. Haaaay, eto ka nanaman Randel sa isipan ko.

Ako yung nagyaya kay Vince na tumambay doon. Para di kami magmukang awkward doon, niyaya din namin si Alora.

Ano? Bakit daw hindi namin kasama si Janelle?

Andito rin naman si Janelle eh... hindi nga lang namin siya kasama. Nagkakaroon na kasi siya ng mga bagong kaclose na Calvin girls. Kasama niya nga si Minette ngayon eh, nasa kabilang patio sila nakaupo. Pero malayo-layo naman sa kinauupuan namin.

Awwwwww. Sana free time nalang poreber! Gusto ko talaga dito eh...

"Diaaaanne! Bili tayong pagkain sa canteen. 30 minutes pa tayo dito oh!" -Vince

"Ikaw nalang... kapagod maglakad ng malayo."

"Psh. Malayo na pala ang main building ngayon ha??"

"Wag na. Ikaw nalang, kaya mo yan."

"EH! Porke't wala lang si Randel doon eh." -Vince

"Baliw! Ayoko talagang magcanteen."

Nasa AnGeom room din naman yung wallet ko eh... Dito nalang muna ako...

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon