Chapter 18: Doors Close for a Reason

446 16 19
                                    

CHAPTER 18

[Doors Close for a Reason]

HALAAAAAAAAA. MAGKAAWAY KAMI NI VINCE!!! :'(

We hate each other na. I mean, he hates me na. :'(

Edi ayun, hindi na kami nagpapansinang parang di kami magkakilala. Si Maedelle na yung kasama niyang mag-aral, kumain, umuwi. Ah basta, palagi! Habang ako, sila Alora at Janelle naman yung palagi kong kasama. Ok din naman silang kasama eh, pero iba parin si Vince! Nakakamiss na rin siya..

Ang awkward part pa niyan... magkatabi kami sa mga ilang subjects namin! Kapag kailangang mag-exchange, hindi kami nag-eexchange. Hindi siya humaharap sakin, tapos eto naman akong patahi-tahimik. Eh dati, ang daldal namin kahit may klase ba eh!

Pero nahihiya pa akong makipag-usap sa kanya... Ewan ko ba. Eh, ayoko pa namang matapos ang friendship namin. Huhuhu.

Ohwell... Nakipagbonding nalang muna ako kila Alora. Kinikilala ko pa sila ng mabuti, lalo na si Janelle. Umiiba na kasi ugali niya eh. Ewan ko lang kung arte-arte lang 'to, o talagang mali ang pagkakakilala ko sa kanya nung una.

One week na ang lumipas nung nagsimula ang away naming dalawa. Hindi kasi ako nakasipot sa usapan namin eh. Tapos ang babaw pa ng pinag-awayan namin. Sige na, ako na may kasalanan. GRABE LANGS. :(

Si Alora yung talagang naging kaclose ko sa kanilang dalawa ni Janelle.  Kung tutuusin nga, siya naman yung una kong naging kaclose na babae sa Calvin.

Hindi ko aakalaing siya rin pala yung unang masasabihan ko tungkol kay Randel.

Oh yeeees. Tama nga ang narinig niyo. May sinabihan na nga ako tungkol kay Randel. Tekaaaa. Let's take this slow. Magsimula talaga tayo kung paano nangyari yun...

Nung Thursday yun nangyari, mga break time. Namimicture kasi ako ng mga stolen shots ng mga kaklase ko bago dumating si Sir nung Geom. Tinitignan ko yung mga pictures na yun sa cellphone ko habang nakaupo kami sa table.

Bumibili pa si Janelle ng pagkain, kaya kaming dalawa lang natira ni Alora sa table na yun.

"Ano yang tinitignan mo dyan? Parang tuwang-tuwa ka." -Alora

"Wala 'to, mga stolen lang kanina."

"Eh bakit parang kinikilig ka rin? May crush ka nu?"

Halos puro si Randel kasi yung pinicturan ko kanina... Hihihihi. :>

"Hindi naman. Hahaha."

SABIHIN KO NA KAYA?

Sumasabog na yung damdamin ko dito eh! Ang hirap kayang magkacrush tapos ikaw lang din naman nakakaalam. Kapag kinikilig ka, kanino mo masasabi? Kapag nasasaktan ka, kanino ka maglalabas ng galit? SA PADER NA LANG BA TALAGA FOREVER? Alam ko din namang walang sikretong hindi mabubunyag...

BAHALA NA SI LORD...

"--Mahal na kasi. Chos!" -Dianne

"Oh? Ikaw ha.."

"Gusto mong malaman kung sino?"

"Ikaw bahala..."

I just felt like saying it already. Tahimik naman si Alora eh, tapos konti lang din naman kaclose niya sa Calvin. May tiwala naman ako sa kanyang hindi niya ipagkakalat 'to.

"Pramis saten lang 'to ha? Wag mo muna sasabihin kay Janelle."

"Sige. Di naman ako madaldal eh."

"Teka lang ha. Pakita ko sayo pic nya."

Binuksan ko ulit yung Gallery ko, tapos hinanap yung picture ni Randel my labbs. :"">

"Eto oh."

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon