Chapter 5: Bittersweet Symphonies

532 28 19
                                    

CHAPTER 5

[Bittersweet Symphonies]

Ano bang meron?! Bakit parang masyadong nakakastress at nakakadisappoint ang araw na 'to! Nakakaloka pa!

Ewan ko nga ba... Subaybayan niyo nalang yung class schedule ko para ngayong Wednesday.

Simulan nga natin sa first subject namin - Chemistry.

Naghanda si Ma'am Nunez ng draw lots na may iba-ibang kulay na papel. Akala namin kung anong activity o kaartehan nanaman ni Ma'am 'to. Hindi naman alam yun na pala yung magiging groupings namin para sa 1st quarter.

Girls yung nauna, alphabetical order. Tinawag niya kami isa-isa. Medyo dulo pa ako, kaya bahala nalang kung ano man yung matira sakin.

"Samonte, Dianne Francesca?"

Ay, ako na pala! Ano kaya mabubunot ko??

KULAY GREEN? Nge! Pink sana gusto ko eh. Hindi pa naman ako sineswerte sa mga ganitong bunutan! Tinignan ko yung mga papel na hawak-hawak ng mga iba kong kaklase, wala ako masyadong makitang green pa! Hala!

"Pssst! Alora! Ano nabunot mo?"

Pinakita niya sakin yung papel niya, green rin pala! YEEEES! May kaclose na ako sa grupo!!

"Parehas tayo!"

Lakas naman! Sana si Vince kagrupo ko rin!

"Dianne! Ano nabunot mo?"

"Green. Dapat green ka rin!"

Nako, tapos na yung girls! Sana talaga magkasama kami ni Vince sa green! Siya palang yung kaclose ko sa mga lalaki. (Oo, ako na di kaganong ka-friendly, eh mahiyain ako eh!) Si Michael, pwede rin! Mukha naman kami magkakasundo kung sakali.

Si Randel!! AY OO, dapat sa green din siya! Malay natin maging close kami diba? YIEEEE!

"Dela Cruz, Vincent Paul?"

Pumunta na sa harap si Vince tapos bumunot na siya. Kaso mukhang sa reaksyon palang niya, hindi kami magkagrupo.

"Blue ako!!! Nakakainis!"

Natawa nalang ako sa kanya. Hahaha! Pero syempre, agree ako sa kanya. Nakakainis nga!

"Hindi ba pwedeng magpapalit?"

"Ewan ko sayo. Pag nalaman yan ni Ma'am, lagot ka!"

"Ano ba yan!!!"

Bukas nga pala, magkakaroon na kami experiment sa Chem lab. Sa tabi lang naman 'yun ng Chemistry lecture room namin. Kaya ayun, effort na naman sa umaga.

Hindi ko parin feel itong adviser namin. Para siyang echoserang palaka! Ang gulo pa ng mga tinuturo niya. Oh well, kailangang pakisamahan at pagtiyagaan kung gustong pumasa..

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon